Zen's Point of View
Naalimpungatan ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mainit na pala sa pwesto ng damuhang hinihigaan ko kaya tiningnan ko ang oras sa relo ko at nakitang 12:17 na ng tanghali, mahigit tatlong oras din pala ang naging tulog ko. Tumayo na ako at naisip bumalik sa school para kunin ang mga libro ko sa classroom na naiwan, pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ako umalis.
'Buti naman, umalis na sya.'
Pagdating ko sa classroom ay wala kahit isa sa mga classmate ko pero hindi ko na pinansin iyon at kinuha ko nalang ang mga libro ko sa upuan ko at dinala sa locker ko.
Naglalakad ako sa hallway patungo sa main gate dahil hindi naman bawal lumabas kapag ganitong lunch break nang mapadaan ako sa tila nagkakagulong cafeteria.
"Hoy ikaw. Namumukhaan kita, nasa section A ka diba? Kasection mo ang freak na Zen Cruz na yon diba? Where is she?" said by the familiar voice.
Nakuha nito ang atensiyon ko nang marinig ko ang pangalan ko.
"H-hindi k-ko po a-alam." rinig kong sagot ng nanginginig na boses na hindi ko kilala.
"Nasaan.Ang.Freak.Na.Iyon?" ulit na naman na tanong ng boses na iyon na ngayon ay narecognize ko na kung kanino. Sa attention seeker na babae.
'Ano bang kailangan ng babaeng 'to at mukhang nananakot pa ng iba? Tch'
"H-hindi ko po t-talaga a-alam." naiiyak na sagot ulit nung kausap.
Patuloy lang ako sa pakikinig nang singhap mula sa mga estudiyanteng nandoon ang narinig ko kaya naisip ko nang sumilip. Hindi ako naduduwag kaya ayokong pumasok sa loob, ayoko lang masayang ang oras ko sa mga taong iyon at isa pa ay umiiwas ako sa mga walang kwentang bagay na baka mapatulan ko pa pero uminit ang ulo ko nang masilip ko ang nangyayari. Nakita ko ang tatlong papansin na nakapalibot sa isang kawawang nerd na may tumutulo pang juice sa mukha. Napatingin ako sa leader nung tatlo at sa kamay nito ay hawak pa ang bote ng juice.
Lalapit na sana ako ng magsilapit naman ang apat kong seatmate sa eksena.
"Sumusobra ka na Hailey. Ayaw mo naman tong makarating kina tito diba?" tanong nung Vince sa babaeng papansin.
"Kayo, classmate niyo siya diba? Tell me where she is para makita niya kung sino ang binabangga niya." balik-tanong naman ng babaeng iyon.
'Ano bang sinasabi niya?'
Hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanila.
"What do you want from me?" I asked in my very cold voice as I interrupt them.
All heads are turned to my direction or should I say directly at me like I just say something magical. I come nearer.
"I dont know na nakakastarstruck pala ang itsura kong 'to." sarkastiko kong sabi ng wala pa ring magsalita sa kanila.
"You bitch, nandito ka na pala at nakakapagbiro ka pa sa harap ko matapos ng ginawa mo!" singhal nito sa mismong mukha ko nang humarap ito saakin kaya upang lalo itong inisin ay umarte akong nagpunas sa mukha ko ng tumalsik na laway nito kahit wala naman at napangisi ako ng marinig ang mahinang tawanan.
Lalo naman itong nainsulto at tumingin ng masama sa mga nandoon bago muling bumaling sa akin at kulang nalang ay kainin ako nito ng buhay.
"How could-----"
"Ano bang pinuputok ng butse mo diyan?" putol ko sa sinasabi nito na lalo yatang ikinainis nito at tinapunan ako ng nakakamatay na tingin.
"Zen, wag mo nang patulan. Lalo lang kayong magkakagulo dito." kahit hindi ako lumingon ay kilala ko namang boses iyon ni Cloud, yung isa sa seatmate ko.
"At isa pa kapag sumagot ka pa ay lalong hindi ka na titigilan niyang si Hailey." dagdag pa ni Steve.
'Teka? Tinatakot ba nila ako? Well as if effective. Tss!'
Hindi ko sila pinansin at hinintay ang sasabihin ng babaeng Hailey daw ang pangalan.
"You're asking me after mong magsumbong sa guidance at ipasuspend nila kami?" nanggagalaiting sagot nito sa akin na patanong.
"What? Nasuspend ka Hailey? Tsk!" Hindi naman makapaniwalang react ni Vince.
Napaisip naman ako. Ang bilis namang umaksiyon ni Ate Cha? Pero mabuti na sinabi niyang mula ang utos sa guidance, hindi maganda kapag nalaman nilang admin mismo ang nagsabi.
"Oh... that? Sinabi na pala sainyo?" sarkastikong pang-aasar ko sa mga ito.
"Zen, wag ka na ngang sumagot." saway sakin ni Cloud at humawak pa sa braso ko.
"Nagtatanong siya diba?" napipikong sagot ko na dito sabay hablot sa braso ko. Hindi naman na ito nakaimik.
"You! You will pay for this! Hindi mo ba alam kung sino ang mga binangga mo?" sigaw nito habang nakaduro pa sa akin.
Tinapunan ko ito ng nakakabagot na tingin. Inuubos na ng babaeng ito ang oras ko pati ang pasensya ko sa kaniya.
"Really? How much then?" nanghahamong tanong ko sa sinabi niya "And didn't I tell you na ikaw ang tumingin at kumilala sa binabangga mo?" madiin kong dugtong sa sinabi ko sa mas malamig kong boses.
"At sinong kikilalanin ko? Ikaw? You're just nothing but a freak." Inangat nito ang kamay at pinalipad ang palad papunta sa direksyon ng mukha ko. Hindi naman ako umiwas pero bago pa ito dumapo sa mukha ko ay may isang kamay nang humawak dito.
"Enough Hailey!" mariing sabi ni Vince na ang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kamay rin ni Hailey.
"Wag kang makialam dito Vince. Tsaka dati naman wala ka talagang pakialam diba?" baling ni Hailey kay Vince.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Kung tuluyan talagang dumapo ang kamay na iyon sa mukha ko ay hindi ko alam kung makakapagtimpi pa ako.
"Nasuspend ka na nga, hindi ka pa rin tumitigil! At wala na akong balak konsintihin 'yon ngayon." seryosong sabi nito kay Hailey tsaka dahan-dahang binitawan ang kamay nito.
"Kasalanan ng babaeng 'yan! At isa pa, dapat ako ang kampihan mo kasi ako ang pinsan mo diba?" nakaturo pa ito sa akin habang nagsasalita.
So magpinsan pala sila? Kaya pala medyo masama rin ugali nitong lalaking 'to. Tinignan ko nalang ang oras sa relo ko.
'12:45 na pala. Kailangan ko nang umuwi habang hindi pa time para sa afternoon class.'
"Pero kasalanan mo kung bakit ka nasuspend."
Hindi ko na pinansin ang usapang magpinsan nila at tumalikod na ng walang pasabi. Hahakbang na sana ako palabas ng may humila naman sa buhok ko.
"At saan ka pupunta?" nilingon ko ang isa sa mga alipores ni Hailey.
'Gah! Hindi pa ba tapos? And please not my hair.'
"Bakit ba? Sasama ka?" sarkastiko at pabalang na sagot ko dito.
"Duh! Hindi ako interesa----"
"Then let go of my hair." nilamigan ko ulit ang boses ko.
"Let her go Jazmin." napalingon ako sa nagsalita, yong katabi ko sa upuan sa classroom, si Red.
"Bakit ba pinagtatanggol niyo ang babaeng to?" tanong nung Jazmin na binitawan rin naman ang buhok ko.
"Dahil mali naman talaga kayo." Si Cloud na ang sumagot.
Inayos ko lang ang buhok ko at tsaka walang salitang tumalikod ulit sa kanila at naglakad palabas. Ramdam ko ang tingin nila sa akin kaya nagpaalam ako sa wika namin sa Japan.
"Sayounara." Sabi ko habang nakataas pa ang isa kong kamay.
Pinagpapasalamat kong wala nang pahabol pa sila sa akin o kahit anong bagay na lumilipad na pwedeng dumapo sa ulo ko habang nakatalikod sa kanila pero hindi ko naman inaasahang makita sa labas ng cafeteria ang taong nakasandal sa pader malapit sa pinto. Puro itim ang suot nito dahil wala itong suot na polo kundi tshirt na itim lang.
"You're slowly revealing your identity." napakalamig na sabi nito na sa hangin nakatingin at agad ring tumalikod at naglakad palayo.
'What does he mean?'
Naiiling na tinahak ko ang daan palabas ng main gate habang iniisip ang sinabi niya. Wala naman kasi akong ginawa para masabi niya iyon. Nag-iingat na nga akong mabuti at sila pa nga ang maaaring makakasira sa ginagawa ko. Pero dahil doon ay nabother ako.
'Hindi na ba ako nag-iingat ng mabuti?'
Vince's Point of View
"At talagang basta na lang siya umalis! Tsk. Tumabi nga kayo diyan." Galit na turan ni Hailey at patulak na hinawi lahat ng nakaharang sa daraan niya palabas ng cafeteria.
Nagsipagbalikan naman ang mga estudiyante sa kani-kanilang ginagawa matapos ang komosyong nangyari. Maging kami ay bumalik sa lamesa namin at minadali na ang pagkain.
"Grabe talaga yong kanina! Parang dragon si Hailey, galit na galit." basag ni Steve sa katahimikan namin bago isinubo ang pagkain niya sa kutsara.
"Hayaan niyo siya. Para naman madala na siya." sagot ko habang iniisip kung paano ko pagtatakpan ang pinsan kong iyon kina tito at tita.
"Pero mas nagulat ako kay Zen. Sa sobrang tahimik niya sa klase, nakakabigla ang makita siyang hindi man lang apektado sa mga pinagsasabi nina Hailey." naiiling na sabi naman ni Cloud.
Kahit naman ako hindi inasahang matapang pala ang panget na iyon at ewan kung nag-iimagine lang ba ako pero may kakaiba siyang aura at hindi yon basta-basta.
"O baka nabigla ka dahil sa tahimik niyang 'yon, muntik ka na niyang masigawan kanina. Pft." pang-aasar na naman ni Steve kay Cloud.
"Siya na nga ang nilalayo sa gulo eh." naaasar naman na sabi ni Cloud na mukhang inaalala yata ang nangyari kanina.
"Ang lamig niya rin magsalita." komento rin ni Red na tapos nang kumain.
"All in all, weird talaga siya." diretsong sabi ko tapos ay tumayo. "Tara na."
Sa totoo lang ay hindi maaalis sa isip ko ang transfereeng 'yon. Kanina pa nga ako hindi mapakali, then ngayon ginugulo niya naman ang isip ko dahil sa kaweirduhan niya. Wala namang espesyal sa mga ginawa niya eh.
"Aish!"
"Hoy Vince! Ano bang ginagawa mo?"
Napalingon ako kay Cloud nang itanong niya iyon. Nagliligpit na siya ng mga gamit niya at nang lingunin ko sina Red at Steve hawak na ang mga bag ay katulad kay Cloud ang expression ng mga mukha nila. Nagtataka.
"What?" tanong ko din pabalik at tsaka pasimpleng inilagay rin ang mga gamit ko sa bag. Sa totoo kasi ay hind ko namalayang dismissal na pala.
"Alam mo, ikaw ang weird 'dre eh! Parang wala ka sa sarili mo buong klase eh. Kanina ka pa noong umaga." nakakunot ang noo ni Steve sa akin.
"Nakikita ko rin kanina, panay ang gulo mo sa buhok mo." naghihinala ang tono ng pananalita ni Cloud.
"At panay rin ang buntong hininga mo." sabi ni Red.
Hindi ko naman alam ang mga sinasabi nila. O baka nga ganoon talaga kalutang ang utak ko para hindi mamalayan ang mga ginagawa ko kanina.
"Com'on dre. Tell us what's going on?" pag-eenglish ni Steve.
"Psh. Imbento kayo." pagtanggi ko dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kanila.
"Ayon naman pala! Tayo pa ang nag-imbento." pagbibiro ni Steve sa dalawa. "Ulol mo dre, wala ka kasi sa sarili mo." baling ulit sakin ni Steve na may kakaibang ngiti sa labi at tinapik ako sa balikat.
"Labas na tayo." aya nito sa amin bago nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
"Chicks siguro ang dahilan!" natatawang sumunod na rin si Cloud kay Steve samantalang si Red ay tumingin lang sa akin bago rin lumabas.
Napailing na lang ako bago sumunod sa kanila. Wala nga yata ako sarili.
'Pero the heck! Hindi chicks ang dahilan'
Third Person's Point Of View
Pag-uwi ni Zen ay sumalubong na naman sa kaniya ang nagtatakang tingin ng Mama Linds niya. Umupo si Zen sa couch, sumandal at pumikit. Naramdaman niya naman ang pag-upo nito sa couch na kaharap niya.
"Bakit hindi ka na naman pumasok? May nangyari na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Mama Linds kay Zen.
"Okay lang po ako." nakapikit pa ring sagot niya.
"Alam kong meron! Sina V nga pala mamaya pa raw ang uwi pero nakwento nila sa akin na ikaw na lang daw ang kakausapin ng admin niyo." sabi ni Mama Linds.
"Yeah, suspended na yong mga bully."
"That's good. Pero ba't parang kakaiba ang aura mo ngayon ija?"
"It's very usual na magalit sila dahil ako ang dahilan ng suspension nila." sabi Zen matapos magmulat ng mga mata at tumingin sa Mama Linds niya.
"So pinag-initan ka na naman nila? Is Chairo knows about that?" nag-aalala muli ang tono nito.
"Nope. Pero sobra yata ang pagsagot-sagot ko sa kanila. Baka may magtaka na."
"Ano ba talagang dahilan mo diyan sa pagpapanggap mo Sophia?"
"Para walang makaalam na kumikilos ako Mama Linds." Seryoso ang mukhang sabi ni Zen.
"Pero kasama ba talaga sa mission ang pagpasok mo sa school?"
Napalingon ang dalawa sa pinto kung saan pumasok sina C, L at V.
"Lady Z." bati ng tatlo.
"Akala ko ba mamaya pa kayo?" Tanong ng Mama Linds nila.
"Because that's the only lead I had para mahanap ang taong iyon V." sagot ni Zen sa kaninang tanong ni V.
"Pinanghahawakan niyo pa rin ang information na nakuha niyo noon?" tanong ni C.
"Of cource C, hindi nagkakamali sa information si Haiiro." Zen said with a smirk on her face.
"Yeah, never." nakangiting sagot ni C. Napabuntong hininga naman si V.
"But we can do that for you Lady Z. Bakit hindi na lang kami ang papuntahin niyo sa school?" protesta pa ni V
"I think you don't need to enter your school just for these Lady Z." dagdag naman ni L na may pag-aalala sa mukha.
"Ano bang inaalala niyo? Bullies are least of our concern, just remember why we went here."
"But----"
"No more buts V. Same with you C and L and don't worry kapag wala talaga akong nahanap, ako na mismo ang aalis sa school. Mas makakapagfocus na ako kapag ganon."
"Yes Lady Z." sabay-sabay na sabi ng tatlo.
Naiintindihan naman ni Zen ang mga ito. Siya lang naman ang iniisip ng tatlo lalo pa't kailangan na nilang mahanap ang lawyer ng pamilya nila na hindi naman nila kilala habang wala pang nakakaalam na nasa Pilipinas siya.
'Thank God, wala pa akong nababalitaang masama mula sa Japan. I must finish here or else... Tsk'
BINABASA MO ANG
Everything about Miss Runaway
Teen FictionMystery... Questions... Love... Pain... Tears... What will be the end? "You will find out soon." ~~Zen Sophia Cruz This story is just a work of my wide imagination. Containing typos, wrong grammar and spelling, so if you're a professional, better ye...