Chapter 7

6 1 0
                                    

Zen's PoV
 
 
 
  One week na rin simula nang pumasok ako sa Hayashi Academy. Ilang pambubully ba ang naranasan ko sa isang linggo na iyon? Hindi ko naman binibilang pero ang huli ang pinakanaalala ko noong friday.
 
 
~~Flashback~~
 
 
  "Miss Cruz, anong nangyari sayo?" nakasalubong ko sa hallway si Miss Santos habang papunta ako sa comfort room.
 
 
  "Ah, wala po Miss Santos. Aksidente ko lang pong natapon ang juice ko sa cafeteria kaya pati uniform ko ay natapunan." sagot ko dito.
 
 
  Actually hindi siya aksidente. Lunch time kasi ngayon kaya galing talaga ako sa cafeteria pero yung babaeng papansin as usual nagpapansin na naman at tinapunan ako ng juice.
 
 
  "I see. Sige na, magpalit ka na kaagad. May spare clothes ka ba? You can wear your PE uniform."
 
 
  "Meron po Miss, thank you po. Mauna na po ako." hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at naglakad na ako palayo.
 
 
  Pero hindi pa pala sila tapos sa prank nila. Pagpasok ko palang sa girl's cr ay napansin ko agad ang pail na nasa itaas ng pinto, agad sana akong hahakbang paatras pero hindi ko napagtuonan ng pansin ang tao sa likuran ko na tinulak ako papasok kaya bumuhos sa akin ang laman ng balde na narealize kong mga itlog.
 
 
  Narinig ko ang pagpasok ng kung sino mang may kagagawan nito at ang paglock ng pinto. Lumingon ako at nakita ang tatlong babaeng walang magawa sa buhay.
 
 
  "Hahahahahaha! Ano ka ngayon freak? Tignan mo nga ang itsura mo? Pati ang amoy mo. Ew~ gross. Hahahaha" sabi nung leader nila na hindi ko maalala ang pangalan.
 
 
  "Kawawa ka naman, amoy itlog ka na! Ang dami mo nang flavor ah?" segunda naman nung may pangalan na tulad ng cologne.
 
 
  "Girls, I have a bright idea, balahibo nalang ang kulang sa kaniya eh. Para ugly duckling na talaga siya." sabi naman ng pangatlo bago sila magkatinginan at inilabas ang malaking paper bag na dala nila.
 
 
  'Ano bang pwede kong gawin sa tatlong 'to na hindi ikapapahamak ng mga sekreto ko?'
 
 
  Tatakbo nalang sana ako palabas pero hinarang nila ako.
 
 
  "Ano bang kailangan niyo sakin?" nilamigan ko talaga ang boses ko habang sinasabi iyon na ikinatigil nila.
 
 
  "W-wala. Ano namang pwedeng kailanganin s-sayo eh isa ka lang cheap na freak." nauutal na sagot nung cologne. Hmm mukhang effective ang paggamit ko sa intimidating voice ko.
 

  "H-hawakan niyo nga yan, ako ang magbubuhos nito." nauutal ring yung papansing leader nila na kinuha ang paper bag. Hinawakan naman nung dalawa ang braso ko at kung pwede ko lang talagang ihagis sila isa-isa sa mga cubicle ay ginawa ko na.
 
 
  "Yuck! Bilisan mo lang Hailey ah! Dumidikit na sa kamay ko ang mabahong itlog sa kaniya." maarteng reklamo nung isa.
 

  At walang salita na ibihuhos saakin ang laman ng paper bag na akala ko naman ay kung ano pero mga balahibo lang pala. Binitawan ako ng dalawa at agad lumapit sa leader nila. Dumikit naman sa katawan ko ang mga balahibo dahil sa rin sa itlog.

 
  "Yan! Perfect! I will get picture of this. Hashtag very realistic costume party in cr. Hahahahah." at nagtawanan sila sa sinabi ng cologne na iyon at pilit akong kinuhanan ng picture kaya dali-dali akong pumasok sa isang cubicle nang wala man lang reaction.
 
 
  "Aw~ mukhang shy typed ang pet natin oh! Hahahah di bale may nakuha naman ako. Tara na girls!" hindi ko na kinilala kung kaninong boses iyon, hinintay ko nalang marinig ang yabag nila palabas at ang muling pagsara ng pinto.
 
 
  'Humanda talaga sila saakin. Kapag natapos ko ang mission namin dito, hindi ako babalik sa Japan ng walang latay ang tatlong iyon.'
 
 
  Matapos kong magshower at magbihis ay umabsent na ako sa afternoon class at umuwi nalang sa bahay. Hindi ako ganon kamartir, kaya syempre nalaman nina Mama Linds ang nangyari at galit na galit sina L, C at V.
 
 
~~End of Flashback~~
 
 
  Kaya nandito ako ngayon sa kotse ko at papunta sa school. Iniisip ang mga problema ko sa buhay habang nilalanghap ang sariwang hangin na galing sa mga puno sa gilid ng daan.
 
 
  "Ano bang pangalan niyang nambubully sayo Lady Z at nang maturuan ng leksyon." tanong ni C na nasa backseat.
 
 
  Kasama ko nga pala ang tatlong ito dahil hindi daw sila papayag na ganoon na lang ang ginagawa sa akin. Kinausap ko na sila na ako na ang bahalang gumanti para sa sarili ko at matagal bago ko sila nakumbinsi. Pero kahapon lang nang sabihin ni Mama Linds na ipaalam ko raw dapat ito sa school Admin. Ayoko rin sana pero nagpumilit sila kaya kahit ako pa ang masusunod ay hinayaan ko na lang.
 
 
  "Paulit-ulit ka alam mo yon? Hindi nga raw maalala ni Lady Z diba?" pambabara ni L na katabi ko dito sa unahan. Ako kasi ang nagdrive dahil ayokong ginagamit ng iba ang sasakyan ko kapag nandito rin naman ako.
 
 
  "Oo na, malay mo naman kasi diba? Ayaw lang sabihin satin ni Lady Z." katwiran ni C, sinilip ko sila ni V sa rear view mirror at nakasimangot si C habang magkakrus naman ang mga braso ni V at nakatingin lang sa labas.
 
 
  "Bakit pa ba kasi kailangan niyong sabihin to kay Ate Cha? Hindi naman ako bata para kailanganin pa magsumbong." reklamo ko sa kanila.
 
 
  "Eh kasi po Lady Z, trabaho naming protektahan ka mula sa mga bala at kutsilyo tapos mga bully lang pala ang gagawa sainyo ng ganito?" sagot sakin ni C.
 
 
  "Kayang-kaya ko naman ang isang to eh tsaka wala lang naman sakin yun." pagmamatigas ko, hindi ko kasi talaga gusto ang idea nila.
 
 
  "Lady, ganito po ang ginagawa ng isang normal na estudiyante. Baka magtaka sila dahil wala kayong ginagawa laban sa kanila." sa wakas nagsalita rin si V.
 
 
  'So hindi ako normal kung ganon? Kaduwagan ang tawag sa ginagawa nila eh.'
 
 
  Bumuntong hininga na lang ako at hindi na umimik pa. Isang kanto mula sa school ay pasimple akong bumaba sa sasakyan at nakita kong si L ang pumalit sa pagmamameho ko. Kumaway pa sa akin si C pero sinimangutan ko lang ito.
 
 
  Pagdating ko sa school ay dali-dali akong naglakad sa hallway papunta sa room. Ayokong malate na naman sa klase dahil sobrang kahihiyan na ang inaabot ko sa school na to. Siguro ay kailangan ko nang humanap ng sikretong daan sa susunod.
  Pagpunta ko sa upuan ko ay doon ko naman naalala ang project namin sa Filipino at ang nangyari nang araw na ibigay iyon sa amin.
 

Everything about Miss RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon