Vince's PoV
"Langya talaga kanina. Napahiya ako sa klase." himutok ni Steve habang naglalakad kami papuntang cafeteria para sa lunch break.
"Mukha nga pre, pasalamat ka favorite ni Miss 'tong si Cloud Nine." sabi ko dahil totoong paborito si Cloud ng lahat naming teacher dahil nga matalino.
"Ano ba kasing pinagtatawanan niyo?" biglang singit ni Red na sa wakas ay nagsalita rin ngayong araw.
"Hahahah ikaw dre, type mo daw kasi yung panget na transferee kaya panay ang titig mo." natatawang sabi ni Steve.
"Tss. Sinong nagsabi?" tanong ni Red na hindi man lang sumusulyap sa'min at nakapamulsang naglalakad.
"Edi 'yang si Ulap, kaya dapat lang na tinulungan niya ako sa pagdadahilan kanina." si Steve.
"Oo na, ako na... ang gwapo hahahah teka, nagkakagulo yata sa cafeteria." sabi ni Cloud nang nasa bungad na kami sa pinto ng cafeteria kaya napatingin rin kami doon.
Naghihiyawan at nagtatawanan ang mga estudiyante doon at parang may pinagkakaguluhan sa gitna. Lumapit naman kaming apat para makita.
"Serves you right ugly bitch. Ang lakas ng loob mong sumagot sagot sakin huh?" nangibabaw ang boses ni Hailey kaya mukhang alam ko na kung anong nangyayari.
~~~~~Zen's PoV
Pagkatapos ng klase sa umaga ay nauna agad akong lumabas para bumili ng foods sa Cafeteria na dadalhin ko sana sa rooftop para doon kumain. Pero sa pag-aakalang kaunti palang ang nandon ay nagkamali ako.
"Hey! Look who's here?" sabi nung mukhang clown na medyo pamilyar sakin.
'baka nakasalubong ko kanina.'
"The ugliest among the ugly hahahaha." sabi pa nung isa.
Hindi ko na sila pinansin at dumiretso ako sa line ng may biglang humablot sa braso ko.
'Tss, lakas ng loob ah.'
"Ang kapal ng mukha mong talikuran ako, at ikaw pa ang may ganang magwalkout kaninang umaga." asik nito na ikinakunot ng noo ko.
'Ano bang sinasabi ng babaeng 'to?'
Napansin niya siguro ang pagkunot ng noo ko kaya sumama ang tingin nito sa akin.
"Hah! Dont tell me nakalimutan mo agad kami? Gusto mo bang ipaalala ko ulit sayo kung paano kami magwelcome ng baguhan dito?" nakangising sabi niya na hindi naman bagay sa kaniya dahil mukha syang aso.
Binawi ko sa pagkakahawak ng babaeng ito ang braso ko at napansing marami na ang nanunuod sa eksena namin dito.
"Ah, ikaw nga pala yung maingay na clown sa hallway kanina. Tama ba?" walang emosyon at walang halong biro ang tono na sabi ko.
"Whooooooaaaaaaaah" hiyaw ng mga nandon. Pansin kong mahilig silang sumigaw ng ganon.
Parang bigla namang nag-apoy ang mga mata ng babaeng ito sa harap ko at biglang dinampot ang mineral water sa table na nasa tabi niya. Inaasahan ko nang gagawin niya 'yon pero dahil tinatamad akong umiwas ay hinayaan ko nalang maligo sa malamig na tubig na 'yon.
"Serves you right ugly bitch. Ang lakas ng loob mong sumagot sagot sa'kin huh?" sigaw niya sakin.
'Eskandalosa pala ang babaeng 'to'
"Nagtatanong ka diba? So of course expect me to answer. Anyway tapos ka na ba? I lost my appetite, baka pwede na akong umalis? Thanks nga pala sa water."
Tinalikuran ko na sila at pilit hinawi ang mga nakaharang sa daraanan ko pero sa likod naman nila ay nandon yung apat na lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga seatmate ko.
Tinitigan nila ang basang itsura ko at hindi man lang tumabi sa daraanan ko kaya napatigil rin ako. Nagtilian naman ang mga babae nang makita sila pero balewala sa mga ito.
"Grabe ka Hailey! First day nya palang, ganiyan na agad ang ginawa niyo?" kaswal na sabi nung maingay na tumawa sa klase kanina.
"Well para maaga palang alam niya nang hindi siya bagay dito at isa pa that's my way of welcoming newbies." sa tono palang alam kong nakangising aso na naman ito.
Nababagot na talaga ako at gusto ko nang umalis sa mga matang nakatutok sa akin. Nasasayang na ang oras ko at isa pa gusto ko nang makapagpalit agad ng damit.
"Ehem! Baka pwede na akong dumaan?" sabi ko sa apat na lalaki.
Para namang ngayon lang nila narealize na nakaharang sila sa daraanan ko kaya tumabi sila agad. Pagkalabas ko tumungo ako sa girl's comfort room para magbihis. Mabuti na lang lagi akong may dalang spare clothes.
Dumiretso ako sa rooftop at doon na lang balak ubusin ang buong oras ng lunch break. Buti na lang dahil may bench doon at pwedeng higaan dahil mahaba ito at kasya naman ako. Pumikit ako habang nakaunan sa bag ko. Ilang minuto ang nakalipas na nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong may papalapit.
~KOREA (a week ago before the present)
Someone's PoV
Nakaupo ako at nakahilig ang ulo sa couch habang nakapikit nang maramdaman ang pagpasok ng isang tauhan sa silid.
"Black, nalaman na ng mga Mori na nakabase tayo ngayon dito sa Korea ayon sa espiyang ipinadala natin doon." pag-uulat ng tauhan.
"Is that so? Tss kung hindi lang talaga hati ang depensa natin ay hindi ko pagtataguan ang mga bobong 'yon. Sige salamat sa impormasyon." malamig na tugon ni Black at narinig ko naman ang yabag ng tauhan paalis.
Nang maramdaman ko ang titig niya sa akin ay nagmulat ako.
"Sarang." tawag niya sa'kin.
"Hmm?" ako.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Can you do me a favor?" tanong niya
"Anything for you Sarang." sabi ko at niyakap siya.
"Will you go back to the Philippines?"
Nabigla ako sa tanong niya pero hindi ko na pinahalata dahil alam ko na ang dahilan.
"I know she's there and I want you to look over her. Bantayan mo lahat ng kilos niya at sasabihin mo lahat sa'kin. And dont take your eyes away from her." seryosong sabi niya pa.
I let out a deep sigh and look directly into her cold eyes.
"Okay then, when do you want me to go?" I asked
"Tomorrow. We need to make a move bago pa tayo maunahan." desididong tugon ni Black.
"I understand." 'yon nalang ang nasabi ko.
"I trust you. Dont worry, i will follow as soon as I clean up some mess here."
"Just always be careful." bilin ko.
Zen's PoV
Hindi ako natinag nang bumukas ang pinto ng rooftop, hinayaan kong lumapit ang taong iyon. Narinig ko ang mga hakbang nito palapit sa akin at huminto sa mismong harap ko.
"Hindi ko alam na nandito ka." nakapikit na sabi ko.
"I was about to say the same thing." tugon niya.
Umalis ako sa pagkakahiga at umupo nalang ng maayos.
"Alam kong alam mo na ang sagot kung bakit ako nandito. Nabalitaan mo naman siguro." diretso sa matang sabi ko sa kanya.
"Tumakas ka diba?" tanong nya.
"Parang ganon na nga. Eh ikaw? Bakit ka nga nandito?" malamig kong tanong.
"Para mag-aral, may iba pa ba? Labas ako sa gulo ng mundo niyo at wala nang magagawa sina Daddy sa bagay na 'yon. Hindi ko lang masisiguro yan ngayong nandito ka." may himig ng pagbibirong sabi nito.
"Tss, basta ba 'wag ka lang mangingialam." sabi ko.
"So anong plano mo?"
'Bakit ba nag-uusisa to?'
"You will find out soon kaya hanapin mo muna 'yong pake ko bago mo ako pakialaman my dear cousin." diniinan ko talaga ang word na cousin.
"Im not. Im just asking." then I heard him chuckled. Tss!
"For now, I just want you to act like you dont know me and dont tell anyone about me." I said.
"Okay, hindi naman ako chismoso tsaka sa itsura mong 'yan?..." natawa siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Ikahihiya kong malaman nila na pinsan kita."
I rolled my eyes on what he said.
"Whatever Aka! Just make it sure. I will surely put you six feet under the ground if ever." kunwari'y seryosong sabi ko.
"And Im going to act too like Im so scared. Malapit na magtime, see you around Zen Sophia." tinalikuran nya na ako matapos sabihin iyon at nauna nang bumaba.
'Hindi ka naman siguro magiging sagabal sa mga plano ko Aka'
Bumaba na rin ako at pumasok na sa classroom, nakasabay ko na rin ang teacher namin at advantage siguro niyon ay wala akong matatanggap na 'welcome prank' mula sa mga kaklase ko tulad ng madalas kong napapanuod sa mga palabas.
'Paano ba nakapasok ang mga estudiyanteng tulad nila sa school na 'to? Psh. Power, influence and money Tsk.'
Buong hapon lang akong nakinig sa discussion at hindi nagsasalita kung hindi kinakailangan. Akala ko tahimik na ang hapong 'yon ng buhay ko pero hindi pala.
~~KRINGGGGGGGGG~~
Matapos ang klase ay pinauna ko nang lumabas ang lahat ng classmate ko hanggang sa ako ang maiwang mag-isa. Mas mabuti na 'to kaysa naman makasabay ang mga estudiyanteng walang magawang matino dito.
Palabas na sana ako ng biglang may magsara ng pinto at ilock ito mula sa labas. Usual prank mula sa mga walang kwentang estudiyante. Tss!
Hinayaan ko nalang sila, bumalik nalang ako sa upuan ko at nagkalikot ng cellphone ko. I can text or call someone to get me out of here If I want pero hindi ko pwedeng basta nalang gawin 'yon. Pinalipas ko ang isang oras bago ako muling lumapit sa pinto at bumuntong hininga.
'I swear, Im going to give myself a golden trophy after this.'
"Helpppppppp!... is anybody out there? Please open the door." I screamed sounded like Im going to cry while knocking the door very hard repeatedly.
Pero mukhang wala nang estudiyante sa building na 'yon at nasa 3rd floor pa ang room namin kaya for sure wala nang faculty ang mapapadpad dito dahil nasa baba ang faculty office except siguro sa guard na gabi na kung magcheck sa mga classroom at sa mga janitor na one building each day lang kung maglinis. Huwag na kayong magtanong kung pa'no ko nalaman.
Im about to kick this fvckng door nang may magsalita mula sa labas.
"Hey! May tao pa ba dyan?" narinig kong tanong nito na dahil sa boses ay nalaman kong lalaki.
"Napapraning lang kayo Vince. Baka minumulto lang kayo sa building na 'to at kung anu-ano ang naririnig niyo."
'Seriously?'
I want to roll my eyes for the second time today dahil sa narinig pero napakunot nalang ang noo ko dahil parang pamilyar ang mga boses na nasa likod ng pinto.

BINABASA MO ANG
Everything about Miss Runaway
Teen FictionMystery... Questions... Love... Pain... Tears... What will be the end? "You will find out soon." ~~Zen Sophia Cruz This story is just a work of my wide imagination. Containing typos, wrong grammar and spelling, so if you're a professional, better ye...