Chapter 10
Zen's Point of View
I must say na naging peaceful ang tatlong araw na nawala sa paningin ko ang grupo nina Hailey at wala namang ibang nambully pa sakin. Though kahapon alam kung balik school na sila ay hindi ko rin sila nakita. Good for them.
"Okay class, so we're here in St. Catherine Orphanage. Alam niyo na kung anong gagawin diba?"
You read it right. Nasa orphanage nga kami coz its already Saturday. And how's our project? Well maayos naman magtrabaho ang apat kong kagroup, nandon din naman kasi ang top 1 pala sa klaseng si Cloud kaya I know hindi talaga nila papabayaan ang project namin. Thursday nila 'yon binigay sakin para icompile then dala na namin ngayon.
"Are we really going to do this stuff? You know, story telling." reklamo ni Vince sa mga kaibigan, katabi ko kasi sila dahil inipon kami by group.
"Magbabasa lang naman tayo eh." sagot ni Steve.
"Yeah! Basahin mo sa kanila yang buong libro mag-isa." pabalang na sabi ni Vince.
"Hindi ba kayo nakikinig kanina? Ang sabi ni Miss Santos hahatiin din sa group ang mga bata then sa atin, mag-aasign kung anong story ang babasahin." singit ni Cloud sa usapan ng dalawa.
'Really? Nag-announce na ng ganon? Bakit hindi ko narinig?'
"Talaga? Bakit hindi ko yan alam?" kunot-noong tanong ni Steve kay Cloud na nagkibit balikat lang.
"Hoy kayong dalawa! Mapanis laway niyo diyan. Kung ayaw niyong sumali sa usapan namin, kayong dalawa ang mag-usap." maya-maya'y salita ulit ni Steve
Hindi ko alam kung kami ba ang kausap niya pero ayokong sumagot dahil wala naman siyang pinangalanan.
"Hoy Zen at Pula. Ano 'to, pareho na kayong bingi?" pasigaw na tawag samin ni Steve na medyo mahina naman.
Bago pa ako magsalita ay nagsalita naman si Cloud.
"Alam niyo, bagay kayo. Minsan tahimik, minsan naman may hindi maintindihan na ugali." natatawang sabi ni Cloud.
The eff. Pinagtitripan ba ako ng mga 'to?
"Dre, kung may taste ka sa babae, alam mo na ang dapat mong iwasan." seryoso ang tono pero nakatawang sabi ni Vince.
"Tulad ng?" finally ay nagsalita rin si Red.
"Alam mo na, yong mga hindi bagay sayo. Gwapo ka kahit papano kaya 'wag mong sayangin." natatawang sabi ulit ni Vince.
Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko yata gusto ang pinupunto ng biro nito sa kaibigan niya kaya sumingit na ako.
"So you're pointing is?"
"Nice dre! Napagsalita mo si Zen ngayon." kunwaring namamangha na sabi ni Steve.
"Wala akong pinupunto Miss Transferee, at isa pa hindi ikaw ang kausap ko."
"So sana hindi niyo ako sinali diyan sa usapan niyo." walang emosyong sabi ko.
"Hindi ako ang nagsali sayo sa usapan."
"Tss. Whatever you say."
'Mayabang ka rin tulad ng pinsan mo.'
Tinalikuran ko na sila at hinintay na lang mag-umpisa ang program. Hindi lang naman klase namin ang nandito kundi buong batch namin. May nakaassign sa feeding program, sa pagbibigay ng donations and sa mga palaro at activities tulad nitong samin.
"Guys do'n na raw tayo, magsisimula na." announce ng isa naming kaklase.
Nagsipuntahan kami sa isang silid at doon inumpisahan ang task namin. Nakaassign sa grupo namin ang pagbabasa ng mga alamat.
"Ikaw nalang ang magbasa Cloud, hindi naman pwedeng sabay-sabay tayong lahat." sabi ni Steve kay Cloud habang nakatingin sa maraming bata sa harap namin.
"Ayoko nga, bakit hindi kayo?" pagprotesta ni Cloud at tsaka nagkunwaring busy sa kung ano.
"Hindi mo ako maaasahan diyan lalo naman si Red eh hindi nga nagsasalita ngayon." Tanggi rin ni Vince na biglang tumingin sa akin kaya napatingin din yong tatlo.
'Gah! Bakit ba laging ako ang napagtitripan nila?'
"What?" naiiritang tanong ko na nakataas pa ang kilay.
Nagkatinginan lang sila bago muling tumingin sa akin so I mentally rolled my eyeballs tsaka ko hinablot kay Steve ang libro at umupo sa harap ng mga bata.
Vince's PoV
Hindi ko maintindihan pero ayokong makipag-usap sa transfereeng ito pero natuwa ako nang makitang napipikon ito sa akin. Tsk! Naasiwa ako sa itsura niya pero gusto kong asarin pa siya at alam kong naiinis ito dahil pinagkaisahan namin siya.
"Hoy dre, crush mo?"
Nagulat ako sa pagbulong na yon ni Cloud pero nilingon ko siya at napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Ha?" tanong ko pabalik.
"Si Zen, kung crush mo?" paglilinaw niya sa sinabi na pabulong pa rin.
BINABASA MO ANG
Everything about Miss Runaway
Ficção AdolescenteMystery... Questions... Love... Pain... Tears... What will be the end? "You will find out soon." ~~Zen Sophia Cruz This story is just a work of my wide imagination. Containing typos, wrong grammar and spelling, so if you're a professional, better ye...