Chapter 4

7 2 0
                                    

Third Person's PoV
 
 
 
  Habang naglalakad sa hallway sina Vince ay tulad ng dati, kinikilig at nagtitilian ang mga babaeng nadadaanan nila.
 
 
  "Ang wafu talaga nilang apat."
 
 
  "I know right. Wala silang kupas."
 
 
  "Pero grabe 'yong transferee kahapon! Classmate ko siya, ang gwapo rin."
 
 
  "Talaga? Hottie? Anong section mo ate? Pupuntahan ko yan kyaaaaaah."

 
  "Uii, may gwapong transferee daw, diba panget tsaka babae 'yong Zen na classmate natin?" tanong ni Steve sa mga kasama dahil sa narinig na mga bulungan.
 
 
  "Hoy Cloud, ikaw nga makipag-usap diyan kay Steve. Tutal matalino ka naman, hindi ka magiging bobo kapag 'yan ang kausap mo." imbes na sagutin si Steve ay binalingan ni Vince si Cloud.
 
 
  "Hindi ko alam dre pero parang sinasabi mo na hindi ako magiging bobo dahil kauri ko 'tong si Gabi pero salamat sa papuri. Ikaw naman Gabi, gwapo ka sana lamang nga lang ako pero ang bobo mo. Malamang lalaki ang tinutukoy nila." mahabang sagot ni Cloud sa sinabi ni Vince at sa tanong ni Steve.
 
 
  "Pero bakit hindi ko alam 'yan? Hindi ko nabalitaang may isa pang transferee bukod don sa panget." Vince said.
 
 
  "Ako din eh. Hoy Pula, wala ka bang alam?" tanong ni Cloud kay Red.
 
 
  "Kahapon ko pa nalaman." tipid na sagot ni Red.
 
 
  "Na ano?" pag-uusisa ni Steve.
 
 
  "Tch, dalawa nga daw ang transferee. Parehong matalino pero ayaw daw nung isa sa section natin kaya nasa lower section siya."
 
 
  "Pahumble ang putcha! Hahahah pero matalino pala 'yong Zen? Hindi halata." komento ni Steve.
 
 
  "Hoy nandito na tayo na room, baka isumpa kaya no'n kapag narinig kayo." pagpapatigil ni Vince sa mga kaibigan.
 
 
  "Wushooo! Oo na, maraming babaeng iiyak kapag sinumpa ang ganito kagwapong mukha." nakapogi sign na sabi ni Steve na binatukan lang ni Cloud.
 
 
  "Kapal mo bro." si Cloud.
 
 
  ~~~~~~~~~~~~~~~~
 
 
  "Good morning class. Like I've said yesterday I will give you a long quiz. Since announced quiz na 'to sana naman makapasa lahat so get one whole sheet of paper." sabi Miss Lopez sa klase.
 
 
  "Uy mga dre, nakadaan ba kayo sa locker?" pabulong na tanong ni Steve sa mga katabi.
 
 
  "Shit! Nawala sa isip kong kunin 'yong ibang gamit ko don. May papel ba kayo? Hoy Red meron ka ba diyan?" tanong rin ni Vince.
  
 
  "Sa sobrang daldal niyo nakalimutan ko rin." sagot rin ni Red.
 
 
  "Ang yayaman niyo tapos wala kayong mga pa--- teka nasaan na ba 'yong mga papel ko dit--- damn! Hindi nga pala 'to 'yong bag na gamit ko kahapon." natatarantang sabi na rin ni Cloud.
 
 
  "Boys at the back, Is there any problem?" mataray na tanong ni Miss Lopez nang mapansin ang ingay nila sa likod.
 

  "Ahmm Miss, wait lang po! Naiwan kasi namin sa locker ang mga papel namin." sagot ni Cloud sa teacher nila.
 
 
  "Lahat kayong apat?" hindi naniniwalang tanong ni Miss Lopez.
 
 
  "Yes Miss!" nakayukong sagot ni Cloud.
 
 
  Nagsimulang mag-ingay ang mga babaeng kaklase nila sa classroom.
 
 
  "Kyaaaaaah! You can have my papers if you want."
 
 
  "Marami ako dito Prince Cloud. Sainyo na!"

 
  "Itong sakin nalang ang kunin niyo, binili ko pa 'to from States."
 
 
  "Prince Vince, libre na 'tong papel ko para sa'yo. Basta bigyan mo lang ako ng papel sa buhay mo. Waaaaaah!"
 
 
  Napapailing naman ang mga boys dahil kung literal lamang na magheart shaped ang mata ng mga girls ay malamang na nangyari na. Lalo namang uminit ang ulo ni Miss Lopez.
 
 
  "SHUT UPPPPPP GIRLSSSSS!"
 
   
   Natahimik naman ang buong klase sa sigaw na iyon ni Miss Lopez.
 
 
  "Miss Cruz, ikaw na ang magbigay ng papel diyan sa mga katabi mo okay? Number 1..."
 
 
  Napilitan nalang si Zen na dali-daling bigyan ng papel ang mga katabi niya.
 
 
  "Here." abot ni Zen ng apat na papel kay Red.
 
 
  "Thanks." sagot ni Red at inabot ang papel kay Steve.
 
 
  "Thank you." Steve and Cloud mouthed.
 
 
  Inabot ni Cloud ang papel kay Vince na hindi agad tinanggap nito.
 
 
  "Sa iba na lang ako hihingi." tanggi ni Vince.
 
 
  "Anak ng tinapa! Mag-uumpisa na si Miss oh! Mag-iinarte ka pa ba? Tsaka mo na isipin ang sumpa pagkatapos nito."
 
 
  "Tch, oo na." napipilitang sabi ni Vince tsaka kinuha ang papel.
 
 
  "Number 1, define mutation." pag-uumpisa ni Miss Lopez.
 
 
  "Number 2..."
 
 
  "Miss!" angal naman ng mga estudiyante.
 
 
  "Give the difference of DNA and RNA."
 
 
  "..." students
 

Everything about Miss RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon