Chapter 11

11 1 0
                                    

CHAPTER 11
 
 
 
 
Zen's PoV
 
 
 
  "What exactly is your plan? Why are you here?" i asked him.
 
 
  "For our school project." kibit balikat na sagot nito sakin.
 
 
  "Tss! Im not informed na marunong ka pa lang magjoke." sarkastiko kong sabi.
 
 
  "Stop asking questions that you already know the answer." Yon lang ang sinabi niya bago ako tinalikuran at maglakad palayo.
 
 
  'I shouldn't asked that question. He's right, I already know why.'
  
 
  Naglakad-lakad muna ako sa labas hanggang mapadpad ako sa playground ng orphanage. Umupo ako sa isang swing at tumingin sa paligid. May mga puno at garden dito. May iilang bata rin doon dahil ang karamihan ay nasa loob.
 
 
  Napatingin ako sa bakanteng swing na katabi ng inuupuan ko.
 
 
  'I miss my childhood.'
 
 
  Inalis ko ang tingin ko sa swing na iyon at tumitig na lang sa mga paa ko. Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng presensyang papalapit sa direksyon ko. Sinalubong ko ng tingin ang paparating na iyon. Hanggang sa tuluyan siyang makalapit.
 
 
  "Nandito ka lang pala." sabi niya at umupo sa tabi ko.
 
 
  "Tapos na kayo sa loob?" tanong ko sa kanya na binalik ang tingin sa mga paa ko.
 
 
  "Hindi pa. Si Vince na muna ang pumalit kay Cloud. Naguilty siguro. Pft." biro niya.
 
 
  "Bakit ka nandito?"
 
 
  'Ilang tao na ba ang natanong ko ng tanong na yan?'
 
 
  "Balik na tayo sa loob." ramdam ko ang paglingon nito saakin.
 
 
  "Magpapahangin muna ako. Susunod rin ako."
 
 
  Napakamot siya sa ulo niya.
 
 
  "Hindi pwedeng hindi kita kasabay pagbalik doon."
 
 
  Napalingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo.
 
 
  "Hindi na ako maliligaw diyan pabalik wag kang mag-alala." sagot ko sa kaniya.
 
 
  "Eh hindi nga pwede kasi inutusan lang ako ni Vince na hanapin ka at pabalikin doon."
 
 
  'Of all the people ang Vince na yon talaga ang nagpapabalik sakin doon?'
 
 
  "Hayaan mo siya. Susunod na lang ako."
  
 
  "Hindi nga pwede eh! Dapat daw kasama kita." Pamimilit niya pa rin sakin.
 
 
  "Edi maghintay ka diyan hanggang maisipan kong bumalik na." Nayayamot kong sagot na hindi ko inakalang gagawin niya talaga.
 
 
  "Okay." yan lang ang sagot niya bago umupo sa katabing swing ng sa akin.
 
 
  Mahabang katahimikan ang dumaan bago niya ito binasag.
 
 
  "Alam mo, nahihiwagaan kami minsan sayo." nagkakamot sa ulong sabi ni Steve.
 
 
  "Really? Kailan naman?" Nababagot na tanong ko.
 
 
  "Basta, may mga pagkakataon lang." sagot niya.
  
 
  "Ganoon ba? Wala namang espesyal sakin para mahiwagaan kayo."
  
  
  Kibit-balikat lang ang isinagot ni Steve sakin, akalain mong marunong pala siyang magseryoso minsan. Katahimikan ulit ang dumaan bago siya muling nagsalita.
 
  
  "Hindi ka pa ba tapos magpahangin?"
  
 
  Napabuntong hininga ako at napailing bago ako naunang tumayo at humakbang.
 
 
  "Let's go!"
 
 
  Sumunod naman siya agad sa paglalakad at nang makarating kami doon ay napakatahimik ng mga bata, nasa harap nila sina Red, Vince at Cloud. Nagtaka naman ako doon.
 
 
  "Nandiyan na po sila." rinig kong bulong ng isa sa mga bata.
 
 
  "So ready? Ehem! Go." sabi ni Vince na hindi ko maintindihan kung para saan.
 
 
  "We're sorry Ate Zen!" sabay-sabay na sabi ng mga bata, hindi naman ako nabigla pero gumaan ang pakiramdam ko.
  
 
  "That's fine. Im okay!" yon lang ang sinagot ko sa kanila.
 
 
  "Hmm Zen, sorry kanina." sabi ni Cloud nang humarap naman ako sa kanila.
 
 
  "Sanay naman ako sa gano'n kaya wala lang yon sakin." malamig ang boses na sabi ko.
  
  
  "Siguro naman hindi na masama ang loob mo?" tanong naman sa akin ni Vince na sinagot ko lang ng malamig na tingin kaya siniko naman siya nina Red at Steve.
  
 
  "Ah hehehe, pagpasensyahan mo na 'to Zen. Teka nga pala, tapos na ba kayo?" pag-iiba ni Steve sa usapan.
  
  
  "Syempre kami pa ba? Ang gwapo ko kaya." pambabara ni Cloud na nag pogi sign pa.
  
  
  "Yabang mo Ulap, gwapo ka lang kanina kasi wala ako." sagot naman ni Steve na binatukan pa si Cloud.
  
 
  "Hoy Steve, anong ibig mong sabihin ah?" singit naman ni Vince sa usapan.
 
 
  Napailing nalang ako at tumingin sa mga bata.
 
 
  "May natutunan ba kayo sa mga kwento?" tanong ko sa kanila sa mahinahong boses.
 
  
  "Marami po." Magalang na sagot nila.
 
  
  'Hmm, mukhang magagaling naman tong mga kasama ko.'
 
 
  Hapon na natapos ang pagbisita namin sa orphanage na success naman daw ang mga activities. Pero pag uwi ko sa bahay ay bagsak agad ako sa sofa.
  
  
  "Iha, you look so tired. How's the day?" salubong na tanong sakin ni Mama Linds.
  
 
  "Tiring, anyway where's the three?" naalala ko bigla sina V.
  
 
  "Umalis sandali, importante daw."
 
 
  "I'll just go upstairs, tell them na pumunta sa room ko kapag dumating na sila." sabi ko bago tumayo at tumungo sa hagdan.
 
 
  "I will. Magpahinga ka muna."
 
 
  Tango lang ang sinagot bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ko. Nagbihis na muna ako ng pantulog bago sumalampak sa kama ko at pumikit, hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
  
  
  
  
 
Vince's PoV
  
 
  Pagdating ko sa bahay ay wala si Tita kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko. Pagkatapos kong magtanggal ng sapatos ay lumundag ako sa kama.
  
  
  "This is relaxing." pagkausap ko sa sarili ko.
  
  
  Nang maalala ko ang mga nangyari kanina ay naalala ko rin si transferee. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang naging madilim ang aura nya kanina nang ibagsak nya ang libro at magwalk out. Naguilty tuloy ako dahil pinagtawanan namin sya kaya habang wala siya ay kinausap namin nina Cloud at Red ang mga bata.
  
  
 
  Flashback
  
  
  Mahabang katahimikan ang nangibabaw pagkalabas ni Transferee, maging ang mga bata ay natahimik.
  
 
   "Lagot ka Vince." basag ni Steve sa katahimikan sa pagitan naming apat.
  
  
  "Wait! Why me? Nakitawa lang naman ako ah?" pabulong na tanong ko.
  
  
  "Ikaw kaya may pinakamalakas na tawa." sagot ni Steve.
  
  
  "Nakitawa rin lang ako ah!" singit naman ni Cloud.
  
 
  "Hoy Cloud, anong nakitawa? Sayo nga nag-umpisa eh." sabi ko habang nakaturo pa kay Cloud.
  
 
  "Wala akong kinalaman diyan." sabi lang ni Red tapos ay tumalikod sa amin.
  
  
  "Hindi ka ba nagiguilty Ulap?." maya-maya ay tanong ni Steve kay Cloud.
  
  
    "Nagiguilty nga eh, PINAGTAWANAN KO KASI SI ZEN NG MALAKAS."sagot ni Cloud na nilakasan ang pagkakasabi ng mga huling salita niya.
 
 
  'Pinapakonsensya na naman ako ng mga 'to'
  
  
  "Ako rin, gusto ko nga magSORRY. Ikaw kaya ang pagtawanan? Diba hindi maganda?" sabi ni Steve.
  
 
  "Dapat talaga tayong magsorry, diba Vince?" sabay siko sa akin ni Cloud.
  
 
  Effective yata ang ginagawa nila dahil naalala ko bigla ang walang emosyong mukha ni transferee kanina.
 
 
  "Oo na. Psh!"
  
  
~End of Flashback~
 
 
  "Aish! Bakit ba siya iniisip ko? Tsk." pagkausap ko ulit sa sarili ko habang ginugulo ang buhok ko.
  
 
*Tok Tok Tok Tok*
  
  
  Napabangon ako agad dahil sa katok na yon at napatingin sa pinto.
  
  
  "Vince?"
  
 
  Lumapit ako para buksan ang pinto ng marinig ko ang boses ni tita.
  
 
  "Hi tita! I thought late ka na makakauwi?" Tanong ko agad sa kaniya pagkabukas ko ng pinto.
 
 
  "Nacancel kasi ang meeting namin sa isang investor so nakauwi kami agad." sagot niya tapos ay nagbeso sa akin.
  

  "I see."
  
  
  "Anyway, i heard you speaking. Are you talking to someone? Is it your girlfriend? Oh my god! You're dating someone?" sunod sunod na tanong nya habang pinupulot ang nakakalat kong sapatos tapos ay lumingon sa akin na may nanunuksong mga tingin.
  
 
  "Nope tita, Im just talking to myself. I just can't believe how handsome I am." natatawa kong sabi sa kaniya na ikinataas lang ng kilay niya.
 
 
  "Err~ It's okay my nephew, I know you're just hungry. So let's eat downstairs." sabi niya naman tapos ay tumawa ng tumawa bago naglakad palapit sa pinto.
 
 
  "You're very supportive Tita." sarkastiko kong sabi habang nakapout bago sumunod sa kaniya pababa at napailing nalang ng maalala ang tanong ni tita kanina.
 
 
  'Girlfriend? Dating? Nah, I don't have any of that."
 
 
 
   
 
  Zen's PoV
 
 
 
*Knock*
*Knock*
*Knock*
  
 
  Nagising ako sa pagkatok na iyon, napatingin agad ako sa orasan at nakitang alas otso na pala ng gabi.
 
 
  'Apat na oras din pala ang naging tulog ko.'
  
 
  Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto at agad akong napailag.
 
 
  "Psh, buti nga sayo. Sinabi ko na kasing 'wag kang sumandal diyan sa pinto."  sabi ni L kay C na nakaupo sa sahig at iniinda ang pagkakabagsak ng pwet.
  
  
  "Hindi ko naman kasi alam na biglang bubuksan ni Lady Z ang pinto." sabi na lang ni C tapos ay dahan-dahang tumayo.
 
 
  Si V ay nakasandal lang sa pader sa tabi ng pinto at magkakrus ang mga braso habang si L naman ay nakaupo sa sahig.
 
 
  "Tutunganga na lang kayo diyan?" walang emosyong tanong ko sa kanila kaya naman dali-dali silang umalis sa mga pwesto nila at nag-unahan papasok sa kwarto ko.
  
  
  Sinara ko ang pinto at nilock. Dumiretso ako sa kama ko at may pinindot sa ilalim para bumukas ang pinto sa likod ng walk in closet kung nasaan ang office ko. Naunang pumasok ang tatlo bago ako sumunod.
  
  
 
 
  ~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry kung maikli! Sabaw ang utak ko ee!
~PM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything about Miss RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon