Chapter 8

5 2 0
                                    

Third Person's PoV
 
 
 
  Nagtataka si Zen kung bakit siya pinatawag ng admin, iniisip niya na dahilan siguro nito ay ang pagpunta nina V, C at L at pagkausap sa admin ng school nila. Tuloy ay pinagsisisihan niya sa isip niya na hayaan ang mga ito na gawin ang gusto.
 
 
  Kasalukuyan silang naglalakad sa hallway ng secretary at nasa likod siya nito. Naiirita pa siya sa tingin ng ilang estudiyanteng nakakakita sa kanila. Para bang may isa siyang malaking kasalanan na ginawa, ganon ba talaga ang mga ito magreact kapag nakakita ng estudiyanteng naglalakad kasama ng admin's secretary? Napaismid sa isip si Zen.
 
 
  "We're here." the secretary said that made her to look at the huge old style of wooden door infront of them.
 
 
  Binuksan ng secretary ang pinto at naunang pumasok kaya sumunod agad siya. Bumungad sa kaniya ang malinis na loob nito, lahat ng gamit ay nakaorganize ng tama. May mga sofa ito na magkakaharap at may lamesang salamin sa gitna, ito ang tila living room ng opisina. May pinto naman papasok kung saan naroon ang apat na magkakahiwalay na table. Ang pinakauna ay puno ng mga papeles at may nakadisplay na pangalan na Fatima M. Lorcan at sa ibaba ay secretary ang nakasulat. Ang pangalawa naman ay sa Admin na puno rin ng mga folder at papel sa kung anu-ano. Dalawang magkatapat na bakanteng lamesa naman ang nasa dulo na sa likod ay malaking pinto ng isang malaki ring kwarto.
 
 
  Naupo si Zen sa isa sa mga sofa at hinintay ang admin. Napatingin siya sa malaking salamin na nasa tabi ng pinto at nakita ang repleksiyon tapos ay bumuntong hininga, kailangan niya na talagang mahanap ang taon iyon dahil naiinis na siya sa ganitong ginagawa niya. Sa repleksiyon ay nakita niya ang pagbukas ng pinto mula sa opisina at ang paglabas ng isang magandang babae kasunod ang secretary nito.
 
 
  "Thank you Fatima but can you leave us for a while?" rinig niyang tanong nito sa secretary kaya inalis niya na ang tingin sa salamin at tumingin sa direksiyon ng mga ito.
 
 
  "But----" magpoprotesta pa sana ito ng tignan ito ng masama ng admin.
 
 
  "O-okay Ma'am. Excuse me." at dali-dali itong lumabas ng opisina. Bumaling naman ang tingin sa kaniya ng admin na may gulat sa mukha.
 
 
  "Sophia? Oh... my god! So it's true, you're really here." sabi nito at lumapit sa kaniya saka siya niyakap.
 
 
  "Yeah." Yon lang ang sagot ni Zen sa sinabi nito at walang nagawa kundi yakapin na lang rin ito pabalik pero ito rin ang unang bumitaw.
 
 
  "How are you? Why you didn't tell me? And err~ what happened to you? I really didn't recognize you!" Nakangiwing sabi nito matapos tignan ang kabuoang itsura ni Zen na napatingin rin sa sarili.
 
 
  "What's wrong about me?" balik tanong nito sa kausap.
 
 
  "Look at your get up. Is that really necessary?" tanong muli ni Chairo na nakakunot ang noo at hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
 
 
  "Yeah, para magawa ko ang mga dapat na walang sagabal. Atleast hindi nila alam na nandito ako."
 
 
  "Ow... kay! By the way how are you? Ano bang nangyari matapos mong umalis sa Japan?"
 
 
  "Im fine. Dito ko talaga plinanong pumunta matapos ng kahihiyang ginawa ko." walang emosyong sabi ni Zen habang ang isip ay inaalala ang mga nangyari bago siya umuwi rito.
 
 
  "Stop saying that, hindi naman iyon kahihiyan. Kahit naman ako siguro gagawin ko rin ang ginawa mo. Ayoko na pinipilit sakin ang mga ayaw ko kaya naiintindihan kita." sincere na sabi nito sa kaniya habang nakangiti.
 
 
  "Thanks ate Cha! Anyway bakit mo nga pala ako pinatawag? Dapat hindi naman sa oras ng klase, nagtataka ang iba eh." Pag-iiba ni Zen sa usapan at umupo ng matuwid at pinagkrus ang mga braso.
 
 
  "Pumunta dito sina V at ----"
 
 
  "At sinabi nila sayo ang nangyari sakin na pambubully?" pagputol niya sa sinasabi ng kausap at tinapunan ito ng nababagot na tingin.
 
 
  "Yup. And why is it that you're letting them to do that?" taas kilay na tanong nito sa kaniya.
 
 
  "Like I have a choice!" sarkastikong sagot niya. "I can't just do whatever I want, I have my identity to protect with and for now bullies are least of my concern." pagpapatuloy niya sa sinasabi.
 
 
  "Least of your concern? If I know your hands are now itchy to wring their neck." Hindi kumbinsidong sabi naman nito sa kaniya habang nakatitig ng mariin.
 
 
  "That's why I told you that I dont have a choice. I just can't let out the devil side of me. Just not yet." sagot dito ni Zen.
 
 
  Bumuntong hininga naman si Chairo bago ito nagsalita.
 
 
  "Oo na. Alam kong may mga plano ka na hindi dapat masira. Ako na ang bahala sa mga bully dito sa school." Pagsuko nito pagkuwa'y ngumisi ng kakaiba.
 
 
  "Anong gusto mong gawin ko?" tanong ni Chairo kay Zen na hindi nawawala ang ngisi sa labi.
 
 
  "Ano bang iniisip mo? Lalo akong pag-iinitan ng mga iyon at baka hindi na talaga ako makapagtimpi pa." sabi ni Zen at tumayo para tumungo sa vending machine na nandoon at kumuha ng kape.
 
 
  "That would be great para malaman nila kung sino ang inaapi nila." Chairo said then rolled her eyeballs.
 
 
  "Fine, give them a suspension. 3 days is fine with me para manahimik ang buhay ko kahit ilang araw lang. Could you make it possible?" Pagsuko ni Zen dahil isa ring mapilit si Chairo. Bumalik sya sa sofang inuupuan habang dala ang kape.
 
 
  "Ofcourse, hindi naman mahirap yon dahil hindi naman ako mag-iimbento ng dahilan and besides narinig ko rin na matagal nang bully ang mga bitch na yon."
 
 
  "Siguro naman okay na sainyo yon?" tanong ni Zen matapos sumimsim ng kape at napatango naman si Chairo.
  
 
  "For now, yeah! Alam mo namang lagot kami kapag napabayaan ka namin. Hahahah." natatawang sabi nito kay Zen.
 
 
  Zen rolled her eyes then raised from her seat.
 
 
  "Gah! You all treated me like a child." Zen said in annoyance.
 
 
  "Nah-uh. Child can't kill even a single fly." her ate Chairo said at her with a smirk then laughed again.
 
 
  Zen just shook her head before holding the door knob.
 
 
  "You're crazy. Im leaving, thanks to your vendo for the coffee." aalis na siya nang magpahabol pa ito ng salita.
 
 
  "Thanks to your time Sophia, take care and see you. Ipapatawag na lang kita ulit next time." natatawang pahabol nito.
 
 
  "Hey! Don't you dare." nakalingong sabi niya sagot niya na may masamang tingin bago siya muling humarap sa pinto. Lalo namang natawa ang admin.
 
 
  "Bye! And oh-- if you need some make over, just call me." narinig niya pa ang paghalakhak nito bago siya tuluyang lumabas. Napailing siya ulit at binalik sa dati ang expression ng kaniyang mukha.
 
 
 
  Habang naglalakad sa hallway ay isang classroom ang nadaanan niya na maiingay. Vacant yata ang mga ito kaya mga walang magawa at nag-iingay. Mukhang nakita siya ng mga ito dahil nagsimula na naman siyang pagtinginan ng mga estudiyanteng nandon at pinagbulungan pa.
 
 
  "Diba siya yon?"
 
 
  "Oo siya nga, yong panget na transferee."
 
 
  "Tol, kamukha niya yon."
 
 
  "Patingin nga nung picture tol. Teka-- siya nga yan hahahahaha."
 
 
  "Yung nagcostume party mag-isa sa cr. Grabe nakakatawa ang itsura niya."
 
 
  "Hahahahahahahahahahaha!"
 
 
  Napuno ng tawanan ang classroom na iyon kaya't dali daling naglakad paalis doon si Zen. Hindi siya nagkakamali na iyon ang larawang kinuha nina Hailey at ng mga kaibigan nito noong pinagtripan siya sa cr at hindi na rin siya nagtaka na iyon ang dahilan kaya siya pinagtitinginan nang dumaan sila ng secretary.
 
 
  Dali-dali siyang naglakad papunta sa mini forest at bumaba muli sa bangin. Ibinaba niya sa damuhan ang bag na dala at humiga rin doon. Hindi naman siya apektado kung pagtawanan siya o ano pero ayaw niya ng atensiyon kaya minabuti niyang magcut nalang ng klase. Hindi rin siya sanay na binubully dahil sa dating school niya ay ginagalang siya ng lahat, isa pa ay nawawalan na siya ng ganang mag-aral dahil mukhang wala naman siyang mapapala sa pananatili niya sa school kung saan may ilan pang nakakakilala sa kaniya.
 
 
  Binura niya lahat ng nasa isip at pinikit ang mga mata, hinayaan ang sariwang ihip ng hangin na pakalmahin siya at hindi pinansin ang presensyang nararamdaman niya na nakatingin lang.
 
 
 
 
  Samantalang sa classroom ay patuloy ang discussion ngunit si Vince ay hindi mapakali sa hindi niya malamang dahilan. Hindi siya makapagfocus sa pakikinig at ipinagpapasalamat na hindi nagbibigay ng quiz ang teacher o kaya'y recitation dahil baka wala siyang maisagot.
 
 
  "Okay class, ipagpapatuloy natin ang discussion bukas at 'wag niyong kakalimutan na asikasuhin ang proyekto ninyo, sa sabado na iyon kailangan, okay?" paalala ni Miss Santos na nag-aayos ng gamit bago tumayo at tumingin sa wristwatch.
 
 
  "You can take your lunch class after the bell. Goodbye." at lumabas na ito.
 
 
  Dali-daling inilagay ni Vince ang kaniyang mga gamit sa bag at nalaglag pa ang kaniyang ballpen na pinulot ni Cloud.
 
 
  "Teka nga Vince, kanina ka pa kating-kati na tumayo sa upuan mo, nagmamadali ka ba?" puna sa kaniya ni Cloud matapos iabot ang ballpen niya.
 
 
  "H-huh? Anong sinasabi mo?" hindi niya alam ang isasagot dahil hindi rin niya alam ang nangyayari sa kaniya.
 
 
  "Tsaka bakit ka rin nagmamadaling magligpit ng gamit, hindi pa nga nagbebell eh." Dagdag naman ni Steve na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
 
 
  "May problema ka ba Vince?" tanong naman ni Red kaya napatingin naman siya dito pero automatic yata na dumapo rin ang mata niya sa bakanteng upuan sa tabi ni Red. Agad niyang inalis ang tingin dito at hindi ipinahalata sa mga kaibigan.
 
 
  "A-ah, nagugutom na kasi ako, k-konti ang binili ko kaninang snack time diba?" pangungumbinsi niya sa mga ito at halos iuntog na ang sarili sa pader dahil sa pagkautal niya.
 
 
Nagpasalamat siya dahil nagbell na at hindi na nakapag-usisa pa ang mga kaibigan dahil agad niya itong niyaya sa cafeteria.
 
 
  Maingay na naman sa Caferia pagpasok nina Vince, hindi nila ito pinansin kahit ang mga babaeng sobra kung titigan sila dahil hindi man halata ay ayaw nila ng atensiyon.
 
 
  "Dati lang ba?" tanong ni Steve na ang tinutukoy ay ang pagkaing bibilhin nila. Tumango sila ni Red at agad namang pumunta sa counter si Steve at Cloud para umorder.
 
 
  Lalong umingay ang cafeteria ng pumasok si Hailey at ang dalawang kaibigan nito na masama ang tingin sa lahat ng nadaraanan. Binati ito ng ilang nandon.
 
 
  "Hi Hailey babe! Naikalat ko na ang picture na ipinasa mo." salubong ng isang lalaki dito na agad pinulupot ang braso sa beywang ng babae. Umupo ang tatlo sa table na inuukupa ng lalaki at ng mga kaibigan nito.
 
 
  "Good." tipid na sagot ni Hailey dito.
 
 
  "Hailey, sayo ba galing yong picture nung transferee? Astig ah! Kayo ba may gawa?" sabat ng isa sa mga estudiyante doon.
 
 
  "Wala pa ba kayong narereceive? Kakapasok lang sakin nung kumakalat na picture." pagsasalita ni Cloud na nakatingin sa cellphone niya na hindi agad napansin ni Vince dahil ang atensiyon ay nasa pinsan.
 
 
  "Ano ba yan?" tanong dito ni Red.
 
 
  "Wait, forward ko sainyo." si Cloud.
 
 
  Maya-maya ay tumunog ang mga cellphone nina Vince, Red at Steve na sabay-sabay tinignan ang pinasa ng kaibigan.
 
 
  "What the? Ito siguro ang pinag-uusapan nila." hindi makapaniwalang sabi ni Steve matapos makita ang larawan.
 
 
  "Si Zen yan. At mukhang si Hailey ang may gawa." napapabuntong hiningang sabi ni Cloud habang nakatingin sa larawan ni Zen sa girl's cr na puno ng balahibo sa katawan.
 
 
  "Kailan pa 'to?" tanong naman ni Red kay Cloud.
 
 
  "Hindi ko alam, baka kanina. Kaya siguro hindi na pumasok." sagot ni Cloud na nagkibit balikat.
 
 
  "Eh hindi rin naman siya pumasok nung friday afternoon diba?" singit ni Steve na parang may inaalala.
 
 
  "Madalas naman yang mangyari dito diba? Bakit ganiyan kayo magreact ngayon?" basag ni Vince sa kanina niya pang katahimikan.
 
 
  Binaling niya ulit ang tingin sa pinsan kaya't hindi na rin sumagot ang mga kaibigan niya at sinundan rin ng tingin si Hailey na ngayon ay masama ang tingin sa babaeng nagtanong sa kaniya. Tumayo ito at lumapit sa isang nananahimik na nerd sa isang gilid.
 
 
 "Hoy ikaw. Namumukhaan kita, nasa section A ka diba? Kasection mo ang freak na Zen Cruz na yon diba? Where is she?" gagalaiting sabi nito sa nerd.
 
 
  "H-hindi k-ko po a-alam." Natatakot na sagot nito.
 
 
  Kinuwelyuhan naman ito ni Hailey at lumapit naman sina Jazmin at Fiona para hawakan sa magkabilang braso ang nerd.
 
 
  "Nasaan.Ang.Freak.Na.Iyon?" madiing pag-ulit nito sa tanong tsaka kinuha ang isang bote ng juice sa table.
 
 
  "H-hindi ko po t-talaga a-alam." naiiyak na sagot ng kawawang nerd at napasinghap ang lahat ng walang sere-seremonyang binuhusan ito ni Hailey sa ulo ng hawak na juice.
 
 
  Agad namang lumapit si Vince kasunod ang mga kaibigan para awatin ang pinsan.
 
 
  "Sumusobra ka na Hailey. Ayaw mo naman tong makarating kina tito diba?" pagsasaway dito ni Vince na hindi pinansin ng pinsan.
 
 
  "Kayo, classmate niyo siya diba? Tell me where she is para makita niya kung sino ang binabangga niya." Galit na tanong ni Hailey kina Vince.
 
 
  "What do you want from me?"
 
 
  Napahinto ang lahat sa napakalamig na boses na iyon.
 
 
 
 
 
  ---------*----------*----------*-----------*-----------

Hi?? Annyeong! Konnichiwa! Masyado bang maikli mga ud ko? Pagpasensyahan readers, next time hahabaan ko na kahit mukhang ang panget ng story. Enjoy the next chapter.
 
~~PrettyMaldita(◕‿◕✿)

Everything about Miss RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon