CHAPTER 1
(Not a good way to start a story)
"Where do broken hearts go?
Can they find their way home?
Back to the open arms
Of a love that's waiting there"
-Whitney Houston
---------------------------------------------
"KKKKRRRRIIIIINNNNNNNGGGG!!!"
Ang aga naman yata ng alarm na---
Shit! anong araw ngayon? agad kong tiningnan ang cellphone ko...
REMINDER:
Fifth anniversary!!!!
yes! this is the day! today is our anniversary. Nakaready na ang regalo ko sa loob ng cabinet, 2 months ang ginugol ko para magawa ang regalo ko para sa kanya..
this is the first time na ako ang susurpresa kay Jared...
"KLENG!!!!' WAKE UP NA! MAY PASOK KA PA"
Tinatawag na ako ni tita, maliligo na ako at mag-aayos dahil ngayong araw ay anniversary namin! Hindi na ako makapaghintay na ibigay sa kanya ang regalo ko...
naalala kaya nya? syempre oo, mahal ako nun...
ano kayang regalo nya sa akin? hmm? kahit ano basta special! shit! hindi na ako makapaghintay talaga!
"Kleng! may pasok ka pa!"
"Andyan na po!"
pagkataposckong maligo eh bumaba na ako, nasa Apartment ako ni tita, malayo kasi ang bahay ko sa school kaya nakikitira muna ako kay tita..
"Kleng ano ba yan dala? parang ang laki nyan ah?"
"Ah Anniversary po kasi namin ni Jared, at ito po ang surpresa ko sa kanya"
hindi ko pala nabanggit sa inyo na medyo malaki ang regalo ko kay Jared...
"Wow! Im very happy for the both of you Kleng, sabihin mo dyan sa boyfriend mo na dumalaw dito at magluluto ako.."
"Ugh, thanks tita pero baka meron din kaming plano ni Jared, pero sasabihin ko rin sa kanya ang idea nyong yan, "
"right, well anyway, kumain ka na muna ng almusal"
"hindi na po tita, pupunta pa po kasi ako sa dorm ni Jared, doon nalang ho siguro ako mag-aalmusal, sorry talaga tita ha, next time po babawi ako!"
"Ano ka ba, dont worry, alam ko nararamdaman mo, sige na at parang puputok ka na sobrang excitement!"
Mabuti nalang at maaalalahanin si tita, agad akong lumabas ng gate at naghintay ng taxi...
di nagtagal eh meron na ding dumaan ng taxi, dali dali akong sumakay...
"Kuya sa Topaz Street ho, Sa Dex dormitory"
Hayy, ang bilis ng panahon. natatandaan ko pa nung una kaming magkita, Third year Highschool ako nun, Hindi ako ang pinakamaganda sa section namin pero tandang-tanda ko pa ang sinabi nya sakin ng una syang magtapat....
"Alam mo, kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha mo, kasi, makita pa lang kita, buo na araw ko, I'm Jared, Will you be my girlfriend?"
tawang-tawa ako nun dahil akala ko nag-uumpisa ka na naman magjoke. Ikaw kasi yung tipo ng tao parang walang gagawing tama, considering na may bad reputation ka sa school na pasimuno ng mga pranks at bullying sa campus. And to be honest with you Jared, I didn't like you..
pero nagbago lahat yun...
"Miss nasa Topaz na tayo"
Sa sobrang Pagrereminisce eh hindi ko namalayang nasa Dorm na ako ni Jared, agad akong nagbayad at bumaba na ng taxi para surpresahin si Jared.
Medyo malaki ang dorm nina Jared. Hanggang fifth floor ito, pinapalibutan ng mga halaman ang labas, na nagcocomplement naman sa light green paint ng building. sa groundfloor nito ay may receptionist na nakasuot ng dark green blouse at black slacks.
"Ma'am Kleng! Goodmorning--"
"Pwede ko bang puntahan Si Jared sa room nya?"
most of the time dito ako tumatambay kaya kilala na ako ni Sam, ang receptionist, maikli lang ang kanyang buhok, nakaheadband, parang si dora.
"eh, ma'am, kasi ho...eh ano..."
"Sam, wala ba si Jared sa room nya?"
"Nandyan ho, kaso ayaw magpaistorbo. may exam daw?"
"tapos na ang exam namin, sam. anyway ako nalang ang pupunta sa kanya tutal alam naman nya na pupunta ako ngayong araw dahil anniversary namin"
"ma'am ang bilin ho kasi ni Sir--"
"Please.. ang bigat ng dala ko, ibibigay ko lang to sa kanya"
Wala rin nagawa si Sam sa pangungulit ko kaya pinaakyat nya rin ako. nasa third floor si Jared room 314. Excited na talaga ako kaya ng tumungtong na ako sa ika tatlong palapag eh agad akong tumakbo kahit hirap na akong kargahin ang aking dala dalang regalo..
"knock'knock"
walang sumasagot...
pinihit ko ang door knob, nabigla ako dahil naiwan ni Jared na bukas ang kanyang pinto, siguro eh lasing sya..
pero nagpapaalam si Jared kung iinom sya.... agad kong pinihit at binuksan ang pinto..
ako dapat ang magsusurpresa sa kanya pero.....
"Kleng..."
nabigla ako sa aking nakita, Si Jared at...
"Jared it's too early sino ba yang---"
Si Jared na walang ibang suot kundi ang kumot mula sa kanyang tiyan, at isang babae na nakahubad at nakahiga sa iisang kama kasama ang boyfriend ko...
"Happy Anniversary! Mga walang hiya kayo!!'"
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Romansa(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...