"The strongest love is the love that
can demonstrate its fragility."
---Paulo Coelho
-----------------------------------------------
This is how you end a love story...
Dalawang taon na ang nakakalipas at masasabi kong masaya na ako, wala na akong sakit na nararamdaman.
There were times na naiisip ko parin ang nakaraan namin ni Jared at napapangiti nalang habang naiisip ko yun, ang dami naming pinagdaanan, ang daming luha ang nasayang, Pero masaya ako dahil sa wakas ay tapos na...
Hindi ko narin kailangan magpakabusy para lang makalimutan sya dahil sa dalawang taon na yun, alam kong okay na ako...
Hindi ko na kailangan sumali sa isang art class para maipinta ang sakit.
Ngayon ay kaya ko nang maipinta sa aking mukha ang saya na dati ay pinagkait sakin...
Hindi ko narin kailangan sumali sa taekwondo class para paghigantihan si Jared dahil nagkaayos na kami...
Hindi ko rin makakalimutan ang mga payo ni Elle, na dapat kapag nasaktan ka dahil sa pag-ibig ay wag kang magpalamon sa lungkot at sakit, bagkus ay kailangan mong harapin ang taong may dahilan kung bakit ka nasaktan para makuha mo ang kalahati ng yong puso.
Noon marami akong tanong sa aking sarili, pero salamat at sa pagdaan ng mga panahon ay unti-unti nang nasagot ang mga tanong na yon...
alam ko narin kung saan papunta ang puso...
kailangan kong magmahal muli...
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Matagal tagal narin kaming di nagkikita ni Theo, huli kaming nagkita noong pang grumaduate sya..
nasaan na kaya sya ngayon? Siguro ay masaya na sya dahil isa na syang engineer, nakamit nya na ang kanyang mga pangarap... at nasaan si Jared? ang huling balita ko sa kanya eh may nililigawan na rin daw... sana lang ay tumino na sya. Hindi kaya madaling ibigay ang puso mo sa iba...
Masaya na ang lahat, Kami nina Tori at Jam ay teacher na sa isang gradeschool...
si Elle... kung nasan man sya, alam kong masaya na sya...
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
ilang buwan na rin akong nagtuturo..
Nag-aayos ako dahil malelate na ako sa aking klase, nakatapat ako sa salamin at nag-aayos...
Pagkatapos nun ay dali dali akong nag-abang ng taxi....
marami nang nagbago sa lugar kung saan ako nag-aral ng college, ang plaza, mas lalo pang gumanda, marami ng tinatayong gusali, nagpatuloy ang aking pagmamasid ng may nakita akong pamilyar na tao, na matagal kong hinanap...
"Manong, teka lang po ibaba mo muna ako.."
Agad na tumigil ang taxi at hinabol ko ang lalake na nakapostura, nakasuot ito ng long sleeves na sky blue, at black slacks na may dala dalang leather bag, sa wakas ay nahabol ko ang lalakeng sabay hatak sa kanya....
"miss? may problema ba?"
Pero nagkamali ako. hindi sya ang taong matagal ko ng hinanap... ang taong matagal ko ng miss...
Hanggang sa marating ko ang paaralan kung saan ako nagtatrabaho eh hindi ko parin maalis sa aking isip ang nangyari...
"Jam, Tori, natotorete na yata ako, kahit sino napagkakamalan kong si Theo..."
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Dragoste(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...