"I wish I was a kid again,
because skinned knees are
easier
to fix than broken hearts"
-------------------------------------------------
2 weeks after the break-up...
Mahirap talaga kung ang taong iniiwasan mo ay palagi mong nakikita....
Minsan nagkakasalubong kami sa may corridor... parang Hinihila ang mga paa ko pabalik para iwasan sya pero ayoko namang ipahalata sa kanya na apektado parin ako, dahil sa nakikita ko sa kanya, hindi na sya ganun kadesperado... para bang wala na syang pakialam...
At dahil narin kaklase ko sya karamihan sa mga minor subjects ko, hindi yata talaga maiwawasang magkita kami. Siguro ay kailangan ko nang matutunan na hindi na babalik ang lahat sa dati.
Ng araw ding yun ay naisipan kong umakyat sa rooftop...
alas tres ng hapon...
at naalala ko na baka nandun narin si Elle, ang bago kong kaibigan. . .
Dali dali akong umakyat sa rooftop at dun ko ulit nakita si Elle, nakatingin sa kawalan. Suot suot nya ang dating pink dress. Bago paman ako makalapit eh nakita nya na akong palapit sa kanya...
"Kleng! I'm glad youre here!"
Magkatabi ulit kami sa pag-upo sa sahig habang nakatitig sa kawalan.. dinadama ang hangin..
"Kleng, kamusta na kayo? ng... ex mo?"
"Ganun parin Elle, ang sakit parin eh kahit anong pilit mo na okay ka na... nanghihinayang lang ako Elle sa limang taong pinagsamahan namin..."
"Bat hindi mo ayusin kung nanghihinayang ka? Limang taon Kleng, mahirap talagang kalimutan ang nakaraan..."
May punto sya... tinamaan ang puso ko.. maaayos pa nga ba? kaya pa nga ba? bigla akong natahimik....
wala akong maisagot...
"Uy! naoffend ba kita? Sorry ha, ganito lang kasi ako magsalita, Well, sige iba nalang ang itatanong ko... uhmm... ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Meron kasi kaming project sa philo, Isang research. tungkol sa pag-ibig. Ikaw Elle, kung tatanungin kita, naniniwala ka ba na makakaranas ka lang ng pag-ibig kapag naranasan mo munang maging malungkot?"
Tila nag-iisip sya dahil hindi sya kumibo... di nagtagal eh nagsimula na syang magsalita...
"Oo, naniniwala ako dyan. Kasi kung walang malungkot na tao, walang makakaappreciate ng pag-ibig. Kung lahat lang magagandang bagay ang nararanasan ng tao, sa tingin mo maaappreciate nila ang pag-ibig?"
Sa pangalawang pagkakataon natahimik ako... Siguro nga mas marami nang pinagdaanan si Elle sa kanyang buhay...
"Elle, salamat. Makakatulong ang mga sinabi mo sa project namin, pwede mo ba akong tulungan matapos ang research na to? kapag magkikita tayo sa rooftop na to, kukwentuhan mo ko tungkol sa pag-ibig... eh paano kasi hindi pa pumapayag si Theo--"
"Si Theo?"
"Oo, napakayabang pala nun...Napakamisteryo, ewan ko ba kung anong nangyari dun..."
"Hayaan mo, mapapapayag mo rin sya..."
"Sana nga..."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpasya na akong bumaba, Palabas na ako ng School nang maaninag ko si Theo na naghihintay ng taxi sa labas...
determinado akong makausap sya at mapaoo sya para sa project namin...
Tumabi ako sa kanya, nakakahalata na yata sya kaya naman bigla syang umusog ng konti palayo sa akin. Pero umusog ulit ako palapit sa kanya.. Umusog ulit sya palayo.. umusog ulit ako palapit...
Halatang inis na inis na sya.. dahil magkakasalubong na ang kanyang mga kilay...
"Miss kanina ka pa!! alam mo bang nakakapikon ka na? At teka? pamilyar ka! ikaw yung babae sa botika! Ikaw yung--"
"Oo Theo, ako nga yun, umoo ka na please, para sa research namin? tungkol sa pag-ibig?!"
"Bakit di mo interviewhin sarili mo?
Aba! nakakapikon ang lalakeng to,
"Aba wala namang ganyanan, Kung ayaw mo eh di sumagot ka ng tama hindi yung babastusin mo pa ako..."
"Hindi kita binabastos! sinabi ko ng ayoko ang kulit mo! wala kang makukuha sa akin!"
Bago paman ako makapagsalita eh may tumigil ng taxi at tuluyan na syang sumakay...
Wala na yatang pag-asa na makukunan namin ng impormasyon si Theo para sa research namin...
~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~
Nang umagang din yun ay maaga akong nagising, Meron pa kasi akong gagawing research para sa isang subject kaya maaga akong pumunta ng library...
medyo konti pa lang ang tao, isang student assistant at ang head librarian.
Bago ako hanapin ang libro eh naghanap muna ako ng Pwesto. Pumwesto ako malayo sa Reference section, msyadong maingay kasi dun kapag marami ng estudyanteng pumapasok, kaya sa dulo ko naisipang maupo...
Aayusin ko pa lang ang ang gamit ng makita ko ang isang itim na notebook, maliit lang ito, meron itong lock para hindi mo makita ang nilalaman ng libro.
"Parang diary ito ah, naiwan siguro to.."
Ibabalik ko na sana sa librarian pero nsgbago ang isip ko ng makita ko ang pangalang nakaemboss sa ibaba ng cover ng libro..
~t•h•e•o~
Dun ko lang naisip na sa araw na ito, mapapayag ko na si Theo....
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Romance(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...