Chapter 3 (Only reminds me of you)

452 5 1
                                    

“ The only thing a boyfriend was

good for was a shattered heart.

       --Becca Fitzpatrick

-----------------------------------------------------

Nagising nalang na nakahiga sa infirmary ng school, sa tabi ng kama eh nakita ko ang dalawa kong matalik na kaibigan, si Jam, Mahaba ang kanyang buhok, medyo chubby,maputi, suot nya ang paborito nyang floral blouse na bigay ko sa kanya nung last birthday nya. Katabi nya si Tori, Ang kaibigan kong beki.

"Girl! anong nangyari sayo??" tanong sakin ni Tori...

"Eh kasi--"

"Kamusta? adiba anniversary nyo ni Jared?"

Sa pagkakarinig ko ng pangalan nya ay tumulo ulit ang aking luha, ramdam ko pa rin ang sakit, malinaw pa sa aking mga isip ang nakita ko kaninang umaga....

"What's wrong? Nag-away ba kayo ni?"

Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako..

"Walangya talagang lalakeng yan! Pigilan nyo ko at Papasabugin ko ang pagmumukha nyang lalakeng yan..."

"tumigil ka nga bakla! Hindi ka nakakatulong...."

"Ang lutong naman ng "Bakla" talagang may emphasis Jam? kaibigan ba tlga kita?"

Patuloy sila sa pagbabangayan, ayoko silang pigilan dahil masaya ako pagkasama sila, kahit papaano eh nawawala ang sakit...

"Tumigil ka na Tori.! Kleng, ano ba talagang nangyari?"

Wala rin akong maitatago sa kanila kaya napagpasyahan kong ikwento na sa kanila.

kinuwento ko ang mga paghahanda ko sa araw na ito, na bumili pa ako ng canvass at paint para iportrait ang mukha namin dalawa, Na nagising p ako ng maaga at hinatid ang regalo pero ako ang nasurpresa, nakita ko si Jared na may kasamang iba sa kama.

"Anong plano mo? kakausapin mo ba sya?"

Sa totoo lang, wala pa akong alam, wala pa akong plano kung paano ako kikilos, same school, 3 subjects na magkaklase kami, maliit lang ang mundo ko, at hanggang ngayon umiikot parin yun sa kanya...

"Hindi ko alam Jam... hindi ko alam..."

"Ihahatid k nalang namin sa apartment nyo?"

"Ayos lang ako Tori..salamat"

Di nagtagal eh lumabas narin kami sa infirmary, nagpasya na rin akong pumasok sa PHILOSOPHY class ko nung hapon ding yun para madivert ang attention ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Goodafternoon class!"

bati ni Mrs. Sabater, ang Philo teacher namin, medyo may kapayatan si Ma'am, maikli ang buhok at nasa 30s na yata ang edad nito.

"Good afternoon ma'am!"

Magkakatabi kami ni Jam at Tori.

"Today, we are going to tackle about the phenomenology of love, sabi nila we have the tendency to equate love as romance, sex, friendship, and familial love, but class kung tatanungin ko kayo, do you believe that the experience of love begins with the experience of loneliness???"

Wrong move.. Hindi na dapat ako pumasok. Marami namang topic na pwedeng idiscuss pero bakit eto pa?

This is crap!

"this is bullshit!!!"

"What are you saying Miss Claire?"

anong sinabi ko? eh hindi nga ako kumikibo dito....

"girl! bakit mo sinabi yun?"

Tanong sakin ni Tori na halatang halata sa mukha nya na naguguluhan din sya...

"alin? ano bang sinabi ko?"

" Yung, that'S BULL---"

bago pa nya tapusin ang sasabihin nya eh sumigaw na si ma'am.

"Diba alam mo Miss Claire na I dont tolerate trashtalk in this room, sige papatulan ko yang THATS BULLSHIT mo, sige tumayo ka, bakit mo nasabing mali at bullshit ang statement na to?"

agad akong tumayo. hindi ko alam ang sasabihin ko... kinakabahan ako at nagsisimula na namang mamuo ang luha sa aking mga mata...

"Bakit kailangan mo munang masaktan para makahanap ng pagmamahal? hindi ba pwedeng sa umpisa palang ng buhay eh makahanap kana kaagad ng pagmamahal?*iyak* Bakit ganon? mali ang sinabi mo mam*iyak*dahil pagnagmahal ka, you make yourself vulnerable to other people kaya ka nasasaktan, at kapag nalungkot ka, mawawalan ka ng gana magmahal...

Walang kibo lahat, maliban sa mga naglukwentuhan sa labas ng corridor..

"Okay, I guess, you.... you have a point, with that being said, magkakaroon kayo ng research, at patunayan nyo, na kung tama o mali ang statement na to, Kailangan nyong maginterview ng dalawa o tatlong tao to share their stories about love, this will be your final requirement, to be passed on the first week of March, and be ready din sa oral presentation on that day, thank you.. class dismissed.

"Girl, ayos ka lang ba?"

Tanong ni Jam habang papalabas kami ng room.

"I'm....hopeless..."

sabay iyak...

"Girl, alam mo wag mo syang iyakan he doesnt deserve that tears..."

"True. Tama si Jam! Kleng, alam mo, ang kailangan mo lang ay distraction! make yourself busy, divert your attention! kaya eto girl, basahin mo ang librong....

Divergent"

"Alam mo Tori,waley talaga ang joke mo! wag mo na syang pansinin Kleng, alam mo kailangan mo lang tanggapin na, hindi na babalik ang lahat sa dati..."

"True ka dyan Jam! at higit sa lahat, closure! linawin lahat ng issue! para walang bagaheng maiiwan.."

Lahat na yata nila sinabi sa akin, pero di ko alam kung kaya ko na, hindi pa nga natatapos ang araw na to...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hinatid ako nina Jam at Tori sa apartment, hindi ko na rin sila napigilan kahit anong pagpupumiglas ko sa kanila. Agad akong sinalubong ni tita....

"Kleng, bakit ngayon ka lang? may naghihintay sayo sa loob..."

at biglang bumilis ang tibok ng aking puso..

Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon