Chapter 6 (Mysterious Encounter)

301 4 0
                                    

"you'll be mine and i'll be yours"

---------------------------------------------------

Saturday...

Walang pasok, walang magawa...

ibig sabihin, magkakaroon ako ng maraming oras para maalala na naman ang lahat...

Nagpasya akong maglinis ng kwarto ko habang umalis naman si tita para mamalengke...

Una kong inalis ang mga bagay na magpapaalala sakin kay Jared, mula sa mga old pictures, Love letters, mga regalo nya na nakalagay sa "box" Pero hindi ko yata talaga kayang itapon ang pinakaespesyal na regalong binigay nya...

ang libro...

Hindi ko namalayang hawak hawak ko na ito at binubukas ang unang pahina para basahin ang unang tagpo ng aming kwento...

Sya ang unang sumulat dito dahil gusto nyang ipaalam sa akin ang pinagdaanan nya para lang mapaoo ako..

hindi kagandahan ang sulat nya pero malinaw ko itong nababasa...

ganito nya sinimulan ang kwento...

Sweetest Claire,

Ang una kong nagustuhan sayo ay ang ngiti mo. Sa lahat ng babae, sayo ko nakita ang totoong ngiti, yung walang halong lungkot, o pagpapanggap.

Sa unang pagkakataon na nagkita tayo, yung  malapit na malapit, yung one meter nalang magkakadikit na ating mga mukha, aaminin ko kinabahan ako nun, kaya nga natapon ko ang orange juice na dala ko sa palda mo...

Nagalit ka dahil akala mo Binubully kita..

Hindi ko maamin sa sarili ko noon ang nangyari, natatandaan ko pa, ang buhok mong mahaba, ang mukha mong maamo, ang mata mong mapupungay,

galit na galit ako sa sarili ko dahil di ko maamin sa sarili ko na sa unang pagkakataon, tinamaan ako ni kupido..

Nagpapansin ko nun, lahat ko ginawa, sinusundo kita, kahit ayaw ko. Sa totoo lang nasaktan ako nung sinabi mong kung sakaling magpapaligaw ka hindi ako ang pipiliin mo...

pero hindi yata talaga matitinag ang lalakeng nagmamahal...

Di nagtagal eh nagbunga din ang paghihirap ko at pinayagan mo na rin akong mahalin ka.

Natatandaan ko pa ang unang date nating dalawa...

Sa "Dream carnival",  Napakalawak, at tinuturing na pinakamalaking theme park sa buong Pilipinas. Maraming tao sa Park dahil holiday, Maraming rides at games.

Una nating sinakyan ang paborito mong carousel...

habang paikot ikot ang kabayong sinasakyan natin eh doon ko lang nalaman na sayo na umiikot ang mundo ko...

Sunod nun, sumakay tayo sa Ferris Wheel... ang pinakaromantic na rides sa park....

Doon rin kita hinalikan...

Doon ko natikman ang labi mo...

doon kita mas lalong minahal....

•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•

Tanghali na ako nang magising ng araw na iyon, yakap yakap parin ang libro...

"Kleng kakain na tayo!"

Tinatawag na ako ni Tita, kaya dali dali rin akon bumaba...

"Kleng sya nga pala, mamaya pwede ba kitang utusan, ibili mo sana ako ng mga gamot, ibibigay ko sayo ang reseta ng duktor"

"Sure tita.."

Tutal wala naman akong gagawin kaya pumayag na rin ako sa utos ni tita...

ng hapon ding yun ay nag-ayos na ako, suot suot ang yellow shirt at jeans, nagpasya na akong pumunta ng botika para bumili ng gamot ni tita...

Pagkatapos ng maikling byahe ay nakarating narin ako sa botika. Pagpasok ko ay agad kong napansin ang isang pamilyar na lalake..

si Theo..

Sya yung tipo ng taong ayaw mong lapitan dahil palagi syang nakasimangot...

pero hindi pwedeng hindi kami magkatabi at magkita dahil n

maliit lang ang Botika, pagkakataon ko na siguro to para matanong sya kung pwede syang maimbitahan pars mainterview sa project namin...

Si Theo ay Fifth year college na, sa pagkakaalam ko eh engineering students sya, Dalawang taong ang gap namin dahil ako ay third year pa lamang. First time ko syang makita ng malapitan...

Ang mga mata nya.... napakamisteryoso talaga..

"Miss, bakit mo ako tinitingnan?"

Patay... ang tanga ko naman kasi, bakit ko sya pinagmasdan ng ganon kalapit...

that raspy voice...

"Miss kung wala kang sasabihin pwedeng umusog ka at nakakaharang ka sa dadaanan ko?"

"Ay, sorry....Theo.."

bago paman ako makabili eh sinundan ko muna si Theo palabas ng Botika...

"Theo wait...."

huminto sya...

"Bakit? May gagawin pa ako, kaya siguraduhin mong importante yang sasabihin mo"

Ngayon alam ko na kung bakit walang nakikiusap sa kanya, ang yabang at ang presko magsalita... kung hindi lang talaga para sa project namin.

"Pwede ka ba naming interviewhin? para sa project namin sa philo?"

Hindi sya umimik.. Nag-iisip yata... Hindi nagtagal ay narinig ko na naman ang raspy voice ni Theo...

"Ayoko. Marami akong ginagawa.."

"Theo, please?"

Di nya na ako pinansin at tuluyan na syang naglakad palayo...

Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon