Chapter 13 ( Where do broken hearts go? )

291 6 0
                                    

"It is only with true love and

compassion that we can begin to

mend what is broken in the

world. It is these two blessed

things that can begin to heal all

broken hearts."

--------------------------------------------------

Pagkatapos nun ay nagpasya na kaming umuwi ni Theo pero bago paman kami makatungtong sa hagdan ay tinawag muli ako ni Elle....

"Pwede ka bang magpaiwan? Mag-uusap pa tayo..."

Wala akong nagawa at umupo sa tabi nya sa dating pwesto, sa sahig ng rooftop

"Elle, sorry...galit ka ba dahil dinala ko dito si Theo?"

"Hindi, it's time para magkausap kami.. Kleng salamat... Siguro nga hindi coincidence ang pagpunta mo dito sa rooftop nung tinataguan mo si Jared. Siguro ikaw ang ginawang tulay para matapos na ang paghihirap namin ni Francis. . . Maraming taong pumupunta dito pero hindi nila ako nakikita, Ikaw lang Kleng. Siguro nakikita mo ko dahil pareho tayong pinagdaanan... Kleng sobrang nagpapasalamat ako sayo... pwede na akong umalis sa mundong to.."

"Elle..Mamimiss kita..wala na akong makakausap..."

"Kleng huhupa rin ang galit mo, Natakot akong harapin sya noon at ngayon nagsisisi ako.. Kleng wag mong hintayin na mawalan ka na ng oras para ayusin ang lahat... Kausapin mo na si Jared, ayusin nyo na an problema nyo..."

Siguro nga tama sya... panahon narin siguro para magkausap kami ni Jared. Para magkaayos kami ni Jared...

"Kleng, Noon hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko, pero ngayon alam ko na...

alam ko na ang rason kung bakit kami naghiwalay...

alam ko na kung bakit hindi kami para sa isat-isa..

at alam ko na kung saan papunta ang puso ng mga taong nasaktan...

Minsan kasi Kleng nabubulag tayo ng mga pangyayari, nabubulag tayo ng sakit at lungkot,kaya hindi natin alam kung saan tayo papunta.. Pero sana matuto tayong magpatawad dahil yan ang magsisilbing paningin natin sa tuwing tayo'y nasasaktan, Natatandaan mo ba Kleng yung kwento ko tungkol sa aking kaibigan? ako yun Kleng, sorry at nagsinungaling pa ako...

Noon hindi ko alam kung saan papunta ang puso ko..

Pero ngayon alam ko na...

Kleng diba pagnagmahal ka binibgay mo ang kalahati ng yong puso sa taong minamahal mo? o kadalasan, buong puso pa nga ang binibigay natin... at pagnaghiwalay at nagkasakitan kayo ng taong mahal mo, naiiwan ka...

naiiwan ang puso mo sa kanya kaya ka nalulungkot...

Minsan tinanong ko sa sarili ko....

WHERE DO BROKEN HEARTS GO?

At ngayon Kleng ito lang ang masasabi ko..

dalawa lang ang pinupuntahan ng pusong sawi, una sa maling direksyon, kung saan napupuno tayo ng galit at lungkot, masakit man isipin pero dun ko mas piniling pumunta noon.

at ang pangalawa, sa direksyon kung saan naiwan ang ating puso. Hindi ito madaling puntahan Kleng... pero ito ang pinakamabisang paraan at lugar para sa taong sawi...

kailangan nating balikan ang tao na kumuha sa ating puso Kleng, kailangan nating balikan ang taong nanakit sa atin ng sa gayon makuha ulit natin ang kalahati ng ating puso...

Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon