"Heaven doesn't ignore cries of a
broken heart."-----------------------------------------------
Siguradong sigurado ako, mapapapayag ko na si Theo...
Pagkatapo ko mag-aral eh nakipagkita ako sa aking mga kaibigan na sina Tori at Jam sa Cafeteria...
"Girl! Kamusta? napapapayag mo na ba si Theo? meron na rin akong konting naresearch pero kailangan natin ng mga tao na iinterviewhin..."
Pag-aalalang sabi ni Tori..
"Wag kayong mag-alala Tori alam ko na kung pano mapapapayag si Theo"
Sabay pinakita ko ang nakita kong maliit na notebook na pag-aari ni Theo...
"Girl--Oh my Gahd! Saan mo yan nakita?"
"O.A ka naman bakla! notebook lang yan paano ba natin mapapapayag si Theo sa isang kapirasong notebook na yan?"
pagtatakang tanong ni Jam kay Tori...
"Alam mo maganda ka sana tanga ka lang! Ang notebook na yan ay kay Theo, ngayon gagamitin natin yang pangblackmail para mapapayag sya Gets!? Tonto!"
"Sakit mong makapagsalita ah!"
Ayan, nagbabangayan na naman sila...
"Guys, wag kayong maingay nandito si Theo..."
sa dating pwesto kung saan ko sya unang nakita sa Canteen.
Si Theo na mahaba ang buhok na medyo natatakpan na ang noo ang bahagyang natatakpan ang mga mata..
"pupuntahan ko sya..."
Agad akong tumayo ,at lumapit kay Theo..
Bago paman ako makalapit eh nakita nya na ako, kaya naman bigla syang tumayo para lumayo sa akin...
"Theo Teka...."
Lumabas na sya na ng canteen pero hinabol ko parin sya...
"Theo may sasabihin ako saiyo! Teka!"
pero hindi nya ako pinapansin, malapit na kami sa engineering buildng pero hindi parin ako tumitigil sa paghabol sa kanya...
"Theo kapag hindi ka huminto hindi ko to ibibigay sayo..."
At sa unang pagkakataon napahinto ko rin sya.. bigla syang lumingon sa direksyon ko, tiningnan nya ko na may halong pagtataka....
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko sasabihin hanggat hindi ka pumapayag sa gusto ko...."
"Mukha namang matalino kang tao pero bakit di mo maintindihan ang salitang ayoko?"
Mayabang na sabi ni Theo..
"Sige, naiintindihan kita, hindi na kita kukulitin pero hindi ko ipapakita sayo ang nahanap ko..."
Sunod nun ay tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik ng Cafeteria....
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
Theo's Pov:
That girl is psycho!
Bakit ba kinukulit nya ako? para isama sa project na walang kwenta?
Agad akong pumasok ng Room kung saan pagpasok ko eh nagsisimula na ang Sociology subject ko...
Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ng babaeng yun..
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Romance(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...