Makes me feel like I can't live without you, it takes me all the way I want you to stay"
-Rihanna- - - --------------------------
"Kleng let me explain!"
I was running before him habang tinatawag nya ako pabalik ng room nya..
"Kleng! please stop running!"
Hindi ko sya pinapansin, takbo lang ako ng takbo, Wala na akong masyadong nakikita dahil sa mga namumuong luha sa aking mga mata...
"Kleng! waittttt!"
Shit! Ang sakit! ang sakit sakit, para akong nadaganan, nabundol, sinakal, binaril...
lahat na yata ng sakit naramdaman ko na dahil sa nakita ko.... Pero mabilis ang parin ang takbo nya kaya nahatak nya ang mga braso ko bago pa ako makalabas ng dorm..
"Kleng please--"
bago pa sya makapagsalita ay sinampal ko sya ng sobrang lakas! Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang galit.
"ugh, right, I deserved that slap, but please Kleng let me explain..."
Pasigaw na sabi nya sakin..
"You know what jared? FUCK YOU! isusurpresa pa naman kita pero, ang galing mo! ako ang nasurpresa mo! salamat sa regalo mo!"
"Kleng i'm sorry, i was really drunk last night, hindi ko alam ang mga nangyari.."
"At naisip mo na maniniwala ako? Magkatabi kayo sa kama, hubad ka pa nga diba? so ano yun? hindi mo gusto? Jared please stop making alibi..."
hindi ko na napigilan at tuluyan na muling umagos ang luha sa aking mga mata, hindi ko alam kung bakit nya nagawa sakin to...
"Kleng, please give me another chance..."
Paawang sabi ni Jared habang hinahawakan nya ang aking kamay na para bang nagpapaamo...
"Ayoko na" ang tangi ko nalang nasabi Sabay bitaw sa kanyang mga kamay at tumakbo papalayo kay Jared....
Wala na akong ibang magawa kundi tumakbo, tumakbo palayo sa taong minahal ko ng limang taon, maraming pumapasok sa isip ko..
mga tanong na dati ay wala naman sa isip ko...
anong naging problema? Bakit nya ako niloko? Limang taon? wala lang ba sa kanya yon?
Takbo ako ng takbo hanggang sa makalayo na ako sa Topaz street...
hindi ko alam kung saan ako pupunta?
Sa apartment? kung saan mahahalata ni tita na umiyak ako at marahil isumbong nya ako sa aking mga magulang?
sa mga friends ko? may pasok sila, ayoko na muna silang istorbohin...
Di nagtagal eh nagpasya na akong sumakay ng taxi..
"Miss saan tayo?"
"Diretso lang kuya...."
Ang bilis talaga magbago ng pangyayari, kanina lang eh nakasakay ako sa taxi na sobrang saya, pero ngayon eh puno ng luha ang aking mukha....
unti unting bumabalik ang dati....
ang nakaraan...
natatandaan ko pa nung high school pa kami ni Jared, yung tipong nagpapakipot palang ako sa kanya...
pareho kami third year, Palagi nya akong sinusundo dahil gusto nya daw akong ligawan., hindi naman ako naniniwala noon sa kanya dahil baka ginugoodtime nya lang ako..
"Hi Kleng...alam mo ang nickname mo katunog nang sinasabi ng kampana sa simbahan, alam mo ang ibig sabihin non? pwede na tayong magpakasal"
aaminin ko natuwa ako nun kahit baduy, pero syempre nagpakipot parin ako...
"Ang baduy mo Jared, Umalis ka na nga! hindi ako nagpapaligaw, at kung sakali man na magpapaligaw ako, hindi ikaw ang pipiliin ko!"
Hindi doon natapos ang pangungulit sa akin ni Jared, Kasama ang kanyang Pasaway na kaibigan eh naisipan pa nila akong Kidnapin at dinala ako sa gitna ng gym, at doon naghihintay si Jared na nakapostura, nakasuot sya ng grey long sleeves, black slacks at leather shoes, meron syang dala dalang bouquet of roses at chocolates...
"Kleng, please.... hindi ako nagbibiro sa feelings. ko para sayo, pwede ba kitang ligawan? pwede mo ba kitang maging girlfriend?"
sa mga oras na yun, habang sinasabi nya yun,aaminin ko, meron parte ng aking puso na gusto ko syang paniwalaan, pero kaya ko na ba? Is this the right time to be vulnerable? because of love?
"Kleng please? payagan mo na akong ligawan kita!? pleeeaaasssee???"
anong gagawin ko? lahat ng pakiramdam na to ay bago sa akin... paano kung masaktan ako?
"Oo na! Jared! oo na!"
"YEEEESSSSSS!!!! I LOVE YOU I LOVE YOU. I LOVE YOO!! promise Kleng, I will make you happy, at hindi kita lolokohin....
hindi kita lolokohin...
hindi kita lolokohin...
hindi kita lolokohin....
siguro nga alam ko na, "promises are meant to be broken" Hindi nya daw ako lolokohin, binigo nya lang ako.
"Miss saan ka ba talaga pupunta?" tanong ni manong driver..
nagmasid masid ako at dun ko nalaman na nasa Centro na pala ako, malayo na nga ito sa Dorm ni Jared, at medyo malapit na rin sa school namin...
"kuya ibaba mo nalang ako sa Pearl of the orient Academy..."
pangalan ng school namin, kailangan kong makausap mga kaibigan ko.. kailangan madivert ang atensyon ko...
Bumaba na ako ng taxi, Medyo malaki ang school namin, tatambad agad sayo ang malaking pillars kung saan nakalagay ang logo at name ng school. agad akong pumunta sa Education Bldg. para puntahan ang mga kaibigan ko, Dahil sa araw na to eh nagskip ako sa isang subject, hapon na ako nakabalik sa school. Hindi pa ako kumakain ng lunch.
Nahihilo na ako...
pagod na pagod na ako...
Papasok na sana ako ng Room namin ng....
<black out>
bigla nalang nagcollapse ang aking katawan...
Wala na akong matandaan....
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Romans(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...