"And maybe that was love. Being
so vulnerable and allowing
someone else in so far they could
hurt you, but they also give you
everything."
--Christine Feehan
----------------------------------------------------
Busy na ang lahat sa nalalapit na graduation, Since kasama si Theo sa mga gagraduate ngayong March eh hindi ko pa sya nakakausap matapos nung araw na pumunta kami sa rooftop, busy siguro sa pagpractice para sa graduation...
Salamat at naayos na ang lahat, salamat at nagkaayos na rin kami ni Jared... Natuldukan na ang away, at wala naring sakit at lungkot sa aking puso...
buong buo na ito ngayon...
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
Sa araw ng graduation ay naimbitahan ako ni Theo na manood..
malaki rin ang pinagbago nya, ang dating bugnutin at misteryosong pagkatao ni Theo ay napalitan ng maamo at mapagmahal na katauhan, ang dating Francis na minahal ni Elle.
Napakaraming tao sa covered court, lahat ng graduates ay nagpupugay sa kanilang pagtatapos..
Nagsimula ng umakyat ang mga graduates sa stage isa-isa at nagbigay sa kanilang diploma, bakas ang saya sa mga magulang nila dahil sa wakas ay tapos na ang kanilang mga anak...
Pagakyat ni Theo ay kumaway ako sa kanya, bilang pag-alala na sa loob ng maikling panahon ay naging magkaibigan kami ni Theo...
siguro nga ay hindi coincidence ang lahat, lahat ay may kahulugan, lahat ng taong nakikilala natin ay magbibigay satin ng leksyon sa buhay na ating dadalhin hanggang sa tayo'y tumanda...
Natapos ang seremonya sa isang napakagandang fireworks display, hanggang sa ang lahat ay kumuha ng litrato para maging magandang alaala..
Hinanap ko si Theo para icongratulate sya pero hindi ko sya mahanap...
hanggang may biglang humatak sa akin palayo at paglingon ko ay doon ko nakita na si Theo na pala iyon...
"Saan tayo pupunta?"
"basta..."
Hanggang sa marating namin ang Educ Bldg. at doon ko lang naisip na pupunta kami sa rooftop...
pupunta kami kay Elle...
pag-akyat namin agad syang sumigaw
"Elle! natapos rin ako sa wakas! Para sa yo ang tagumpay na to Elle! Para sayo ang lahat ng to!"
Tuwang tuwa ako kay Theo dahil marami syang natutunan sa mga nangyari.. pagkatapos nun ay muli kong nakita si Elle, suot ang dating pink dress at doll shoes na kanyang suot nung una kaming magkita...
"Nandito sya Theo..."
Mas lalo pang sumaya si Theo nang malaman nya na nagpakita si Elle..
"Elle! Para sayo to! matutupad ko na ang mga pangarap ko Elle... kung nasaan kaman ngayon...sana masaya ka na Elle.. sana walang ng galit ang puso mo..."
"Francis, masaya ako dahil nagbunga rin ang paghihirap mo, may mabuti rin palang naidulot ang paghihiwalay natin, natupad mo na ang pangarap mo... masayang masaya ako... ito ang babaunin ko pagtawid sa kabilang buhay..."
Sinabing kong muli ang mga salitang sinabi ni Elle para kay Theo...
"Elle..salamat at paalam..."
"Paalam Francis, paalam Kleng, salamat."
Pagkatapos nun ay bigla nalang naglaho si Elle...
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
Maraming tao ang dumalo sa selebrasyo ng pagtatapos ni Theo, dumalo ako maging si Jam at Tori..
Masaya ang lahat...
Dahil sa isang pagtatapos, may bagong magandang simula...
Di nagtagal nagsialisan na ang mga tao, hanggang sa magpaalam narin si Jam at Tori, hanggang sa kami nalang ni Theo ang taong gising sa kanilang bahay...
"Kleng Salamat... kung hindi dahil sa kakulitan mo.."
"Wala yun, salamat din sainyo ni Elle,.dahil sa kwento nyong dalawa, natauhan ako!"
"Kamusta na pala kayo ng gagong Jared na yun?"
"Wala na kami, pero nagkaayos narin kami kahit papano.."
"Sabihin mo sa kanya wag syang magpapakita sakin at sisirain ko talaga ang pagmumukha nya..."
"Ano ka ba, kalimutan mo na ang lahat, tapos na yun.."
"Sige, para sayo.."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa lumalim ang gabi, hanggang sa abutan ako ng antok...
"Kleng ihatid na kita sa sakayan ng Taxi..."
At hinatid nya nga ako sa sakayan, nagkwentuhan pa kami habang naglalakad, tawanan... at di namalayan na nakarating na kami...
"Kleng, salamat, medyo matagal tagal din tayong hindi magkikita.. salamat at sa maikling panahon ay nagkakilala tayo.. paalam Kleng, hanggang sa muli...."
"Salamat Theo, hanggang sa muli...."
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
Bakasyon kaya umuwi ako sa Probinsya kung saan kami nagkakilala ni Jared, kung saan kami parehong nag-aral, kung saan pareho kaming nagmahalan...
habang nasa bus ako ay inalala kong muli ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko kasama si Jared pero hindi ko alam kung paano pero iba na ang pumapasok sa isip ko..
pilit kong binabalikan pero ibang alaala ang pumapasok, hindi na sya ang pumapasok sa isip ko..
~••~••~••~••~••~••~••~
Nang marating ko ang bahay ay agad akong kinamusta ng aking mga magulang, kung paano ko nakayanan, kung paano ako nilabanan ang lungkot, at kinuwento ko na rin sa kanila na nagkausap na kami ni Jared na bago pa matapos ang pasukan ay nakapagusap na kami...
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
Nang gabing yun ang nagkausap kami ng masinsinan ni mommy sa aking kwarto...
"Anak, ok ka na na talaga?"
"Mom, oo, okay na ako.."
"Talaga? Hayaan mo at uuwi yan dito si Jared, pagsasabihan namin!"
"Mom wag na, ayos na ang lahat...."
"Mabuti naman kung ganoon, ngayon Kleng, meron na bang bago--"
"Mom! hindi pa ako ready, hindi pa to ang tamang oras mom..."
"Im proud of you Kleng, nagmature ka na talaga... Pero may bago na nga ba? i mean, bagong nagpapatibok? bagong crush?"
"Hm..actually m-meron?"
"Sino anak?"
Nagpatuloy ang kwentuha namin ni mom hanggang sa di namin namamalayan na maghahating gabi na..
Nagpasya nang pumasok si mom sa kanilang kwarto ni dad habang ako naman ay humiga na sa aking kama...
Naghihintay ng antok, habang iniisip sya...
Habang iniisp ka....
![](https://img.wattpad.com/cover/13846718-288-k27775.jpg)
BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? (Completed-NEW COVER)
Romantizm(Every side of the story will be heard... paano nga ba nagiging broken ang isang tao.. at ano ang kwento sa likod ng mga tao na syang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig?) This is not how you start a love story.... Ito ay kwento ni Kleng...