Chapter 1-Mapailalim sa isang halik..

664 20 2
                                    

Kanina pa tumataas ang kilay ko kakahintay kay Baku Lao Xa. Pinsan ko siya sa panig nina ama. Ang nanay ni Baku ay si Takimiya,ang nag-iisang kapatid na babae ni Takeshi,Takano at ni Takuga na matagal ng nawawala.

Nandito ako ngayon sa bayan ng Achii kung saan may bahay si Baku. Medyo malayo ito sa Yuhan kung saan ang lupain mismo ng mga Lao. Ang mga magulang ni Baku ay sa karatig o kalapit bayan lang ng Yuhan nakatayo ang mansyon..sa bayan ng Kyohan. Gusto nila magkaroon ng sariling kuta habang si Baku naman ay gustong magkaroon ng sarili niyang pagupitan,pakulutan,patuwidan ng buhok,paayusan ng kuko at kung ano-ano pa..hehe..echos! Pero gusto niya talaga magkaroon ng sariling buhay sa kabila ng isa siyang tagapaslang..tagapaslang na bading. Oo,si Baku Lao Xa ay bading.

Bakit ba naman dito sa bahay aliwan napili ng bading na iyon na magkita kami kanina pa tuloy naglalaway ang mga mabahong barakong samurai dito. Palibhasa lalaki ang tipo ay dito sa madaming lalaki gusto magkita. Pinipigilan ko lamang na paslangin ang mga gunggong na samurai dito na kanina pa nakatingin sa hita ko.

Trenta minutos na ang lumipas ay wala pa din ang bading na iyon! Nakalimang baso na ako ng alak ay wala pa din kahit dulo ng kulot niyang buhok. Naku gagawin ko siyang lalaki eh!

Natigil sa ere ang pagsimsim ko sa alak nang makita ko ang pamilyar na bulto ni..

Roujin Rashida..

Teka..anong ginagawa dito ng anak ng emperador ng Subeta? Medyo malayo din ito sa palasyo ah.

Lumakad ito palapit sa akin.

Kilala ko siya dahil nga tanyag siya at mula sa kilalang angkan dito sa Emperyo ng Subeta pero ako..? Sa tingin ko ay hindi niya ako makikilalang tagapaslang na Lao..

Sa tuwing sasabak kasi ako sa pagpaslang ay sobrang kapal ng palamuti ko sa mukha samantala ngayon ay napakasimple lang ng ayos ko..wala ako ni kahit anong borloloy sa mukha maliban sa pulbos..natural naman na mamula-mula ang labi ko. Ang hindi ko lang talaga maiaalis sa akin ay ang pananamit ko na halos bulgar na. Hindi ko kaya maging Maria Clara ano!

Kaya sa tingin ko hindi niya makikilala ang simple kong ayos maliban na lamang kung makikita niya ang magkapatong na pabaliktad na tatak ko bilang tagapaslang na Lao..nasa talampakan ko iyon at nakasuot ako ngayon ng botang may takong.

"Babae.."

Bastos,hindi man lang Binibini.

"Bakit,anong kailangan mo?"

May inilapag siya na bungkos sa ibabaw ng lamesa ko.

"Ano iyan?"

Hindi kaya nakilala niya ako at inaalok ako ng trabaho? At bayad ang bungkos ng pera na ito?

"Malabo ba ang mata mo? Ano pa kundi salapi."

"Oo nga salapi alam ko!"umangat tuloy ang boses ko at napatayo ako sa kinauupuan ko. Umangat naman ang gilid ng labi niya habang hinahagod ako ng tingin. Taas noo naman ako. Maganda ang katawan ko walang tapon ano!

"Bayad iyan para sa gabi mo..labis-labis pa iyan sa isang gabi mong kasama ako."parang wala lang na sabi niya.

Ano daw?

Kaagad na umakyat ang dugo sa ulo ko.

Tang ina!

Ang inakala ko na may ipapapaslang siya sa akin ay hindi naman pala! Sabagay kung alam niya na isa akong Lao ay malamang na nagwala na siya. Galit na galit ang Rashida sa mga Lao.

Napagkamalan niya pala akong babae na nagbebenta ng laman! Babaeng kaiyutan ngayong magdamag! Babaeng bayaran!

Aba'y punyeta pala siya!

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon