Chapter 13-Kara Lao

374 10 1
                                    

yuki_tin13

Maiksing kabanata..Masakit na kabanata kaya dapat ay hindi na pinapahaba..^_~

Magkahawak kamay kami ni Roujin. Nagsalubong ang kilay ko noong mamataan ko si Dina nauso ang kagandahan na makakasalubong namin.

Ano na namang ginagawa ng babaeng pangit na ito dito?

"Kamusta Rouj?"

"Mali ka ng pinuntahan kung magpaparetoke ka."inis kong sabi noong makaharap namin siya.

Ang sama ng tingin niya sa akin pero agad din naman siyang ngumisi.

"Hindi ako ang may kailangan sa iyo.."putol niya sa sasabihin niya pero bakit pakiramdam ko hindi maganda ang kasunod noon? Syempre kasi hindi siya maganda!.."Kara Lao.."idiniin pa talaga niya ang apelyido ko.

Ibinato niya sa akin ang papel kung saan nakalagay ang larawan ko. Bumagsak ito sa sahig.

"Kaya pala pamilyar ka dahil nakita na kita sa larawan. Nasa labas si Zamara Lao. Nagbanta siya na papasukin ang palasyo kung hindi ka lalabas."nakahalukipkip na wika ni Dina.

Bigla ay sumulpot ang mga kawal ng palasyo at pinalibutan kami.

Si Zamara nandito. Tiyak na ang babaeng ito ang nagturo sa kanya na kinaroroonan ko.

Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nanlalambot ang pakiramdam ng tuhod ko. Hindi dahil sa kaalamang nandito si Zamara kundi sa katotohanang alam na ni Roujin na isa akong Lao.

"Isa kang Lao..isa kang tagapaslang..."nangangatal ang kamay ni Roujin noong bitawan niya ang kamay ko.

Noong tingnan ko siya ay tila siya natuklaw ng ahas na nakatanga sa larawan ko. Nagbaling siya ng tingin sa akin. Kita ko ang pagkamuhi sa kanyang mga mata.

"Roujin mali ka ng iniisip~~

"Wag ka ng magpaliwanag tagapaslang! Bakit mo ako nilinlang? Ano ang balak mo sa palasyo?!"

Hindi ko kayang tagalan ang ganoon niyang tingin sa akin. Hindi siya makikinig sa punto na ito kaya bakit pa ako magsasayang ng laway? Inipon ko ang buong lakas ko para humakbang kahit na tila mabubuway ang tuhod ko. Humakbang palayo sa kanya..

"Akala mo ba ay palalagpasin ko na lang basta ang kapangahasan mo babae?"malamig na wika ko kay Dina.

Walang emosyon na mababakas sa mata ko ngayon alam ko. Ito na ang tunay na Kara Lao,ang tagapaslang na tumapos ng madaming buhay. Kita ko ang takot sa mata ni Dina na napaurong siya. Ginamit ko ang bilis ng kamay ko at haba ng kuko ko. Pagkatapos ang huling bira ko ay sinampiga ko ang bibig niya.

"Arghh! A-nong ginawa mo sa buhok ko? Ahh..a-ray..dugo! Dugo! Roujin! Dugo!"

Nadinig ko ang pagdalo sa kanya ni Roujin. Huh! Putok lang naman ang labi niya at kinalbo ko. Ginamit ko ang matatalas kong kuko sa mabilis na paraan para putulin ang mga hibla ng buhok niya.

"Hindi ko maisip na nagpapasok ako ng kaaway sa palasyo!"

Hiyaw ni Roujin. Bingi ang tenga ko pero hindi ang puso ko dahil nasasaktan ito.

Muli akong humakbang palayo. Nakalagay ang kamay ko sa bulsa ko. Humarang ang mga kawal sa daan ko.

"Alam nyo naman siguro na isa akong Lao oh gusto nyo pang makakilala ng demonyo? Kapag hindi kayo umalis sa daan ko at sa oras na alisin ko ang kamay ko sa bulsa..."ngumisi ako ng mala-demonyo."..tapos ang buhay nyo.."

Awtomatikong nahawi sila sa daanan ko ng nangangatal pa. Paano sila naging isang kawal? Mga duwag na mga tanga pa dahil kung papaslangin ko sila ay hindi na ako magsasalita pa.

Hinarap ko na lang sana ang lahat..

Hindi na sana umabot ng ganito. Hindi na sana ako nasasaktan..

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon