Chapter 3-Gagawin ko lahat ng gusto mo..

443 15 1
                                    

Tatlong araw na ang lumipas. Siguro ay wala na ang mga kawal ng palasyo dito. Nakakapagtaka din na hindi pa kumikilos ang mga Lao.

Teka may nakakapagtaka ba doon?

Siguro ako si Yuri Lao hinanap na ako noong unang araw pa lang kaso si Kara lang ako eh. May pait na namang sumagi sa aking dibdib.

Nagpunta ako sa bayan naiinip kasi ako sa bahay ni Baku. Wala kasi siya ngayon inarkila siya ng isang mayamang bading na samurai na paslangin ang isang gigolo na ninakawan siya pagkatapos bugbugin.
Ang sabi sa akin ni Baku ay madali lang iyon hindi daw iyon aabutin ng hapon hanggang tanghali nga lang daw ay mabubura na ang gigolo na iyon sa mundo ng apat na mandirigma.

Dapat pala ay sumama na lang ako sa kanya para nalibang ako. Tatlong araw na akong hindi nakakakita ng dugo.

Saan kaya makapunta?

Ah! Alam ko na!

Doon pala ako pupunta sa may maliit na bukal dito sa may Achii. Masarap doon maligamgam ang tubig. Magbabayad lamang naman ng tatlumpung pilak para makaligo doon. Madami pa naman akong pera napakinabangan ko din naman iyong pera ni Roujin.

Nang mapansin ko na tila may nakasunod sa akin. Nakataas ang kilay na nilingon ko ito. Isang lalaking samurai na ordinaryo lamang ang suot na damit nakapuyod ang buhok at naksumbrero ng buli. Magsasakang samurai siguro.

Kanina pa ba siya nakasunod sa akin o praning lang ako? Baka maliligo din.

Nakarating ako sa bukal. Nagbayad ako sa nagbabantay sa labas.

"Baka gusto mong ako ang magpaligo sa iyo binibini?"hinawakan noong nagbabantay ang braso ko na tinabig ko.

"Pakyu mo mukha mo! Sarili mo paliguan mo at baka sumabog na itong lugar na ito sa paputok mo!"inirapan ko siya at nagmartsa papasok.

Buti hindi na siya umapela at humabol. Pero parang may nadinig ako na daing ng nasaktan?

Kyahhhh...

Maganda nga dito katulad ng sabi ni Baku. Hiwalay ang liguan ng babae at lalaki pero tanging batong malaki lamang ang nakaharang.

Napatingin sa akin ang mga babae sa bukal. Masyado kasi akong maganda samantala sila ay masyadong mapangit. Hinubad ko iyong kapiraso kong tela at itinira lamang ang panloob ko kaya naman sila ay napanganga may mga saplot kasi sila habang naligo parang manang. Maya-maya nga pag nakalubog na ako ng matagal ay tatanggalin ko na pati panloob ko.

Inirapan ko ang mga naliligo at lumubog na. Ang sarap. Maligamgam iyong tubig nakakawala ng problema,inis at pagod.

Nakapikit na ninamnam ko ang sandaling paglulunoy ko dito sa bukal.

Nagmulat ako ng mata para lang magulat. Literal na nanlaki ang mata ko.

"Natagpuan din kita."

Si Roujin. Nakapuyod ang buhok niya katulad ng sa babae pero bakit hindi pa din siya magmukhang babae? Bakit hindi nabawasan ang gandang lalaki niya? Sa isip ko ay napailing ako. Mas gwapo pa sa kanya ang apat na kapatid ko na lalaki kay Jin pa nga lang ay wala na siyang igagawa.

Hindi ko dapat siyang tawagin na Roujin dahil kunwari nga ay hindi ko siya kilala..eh may hindi ba nakakakilala sa kanya?

"I-kaw?"

Naniningkit ang mata niyang nakatingin sa akin. Malamang Kara sa ginawa mo ba naman sa kanya! Lecheng utak ko nanenermon pa!

"Ako nga kaya ihanda mo iyang sarili mo."ngising demonyo na siya.

Teka bakit ba ako matatakot sa kanya!

"Bakit nandito ka bawal ang lalaki dito doon ka sa kabila!"

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon