Prologue

1.1K 26 1
                                    

"Anong ginagawa mo dito Kara?"seryosong wika ni Zamara sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa libro na dala ko.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi si Takeshi."

Hindi ko ito tinapunan ng tingin at basta na lang tinalikudan.

"Pch,walang galang na bata talaga."

Naulinigan ko pa na sabi nito na ikinaismid ko.

Pch,may pinagmanahan lang naman ako.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa silid ng pinunong tagapaslang.

"Tiyo..."ito ay natatawag ko na tiyo samantalang si Zamara ay Zamara lang talaga kahit na noong hindi ko pa alam ang totoo.

Nag-angat si Takeshi ng mukha mula sa binabasa. Sa silid aklatan kasi siya itinuro ng kawaksi.

"Oh Kara..ano ang atin at napadalaw ka?"

Ngumisi ako.

"Parang ang layo naman ng mansyon namin sa inyo.."

Ang mansyon kasi namin ay nasa lupaing ito mismo nauna lamang itong mansyon nina Takeshi. Ang amin ay nasa may palikod may ilang kilometro lamang ang layo pero tanaw pa din itong mansyon ni Take.

Ngisi din ang isinagot ni tiyo Take sa akin. Napatingin siya sa libro na hawak ko.

"Para sa inyo.."ipinatong ko sa lamesa ang libro.

"Ano ito?"

"Kayo na ang tumuklas..."

Nangunot ang noo nito marahil ay nang mabasa ang pangalan ni ama.

Takano Lao..

Ilang sandali pa ay umalis na ako sa silid aklatan.

Tatlong araw ang mabilis na lumipas pero hindi nangyari ang kaguluhan na inasahan ko.

Natuklasan ko na anak ako ni Zamara sa aking ama na si Takano na kapatid ni Takeshi. Ginahasa ni ama si Zamara at nagbunga iyon kaya mas matanda ako kay Ryuu ng isang taon. May asawa na si Takano noong panahon na iyon at anak na niya si kuya Yasu sa babaeng kinalakihan kong ina pero napaibig siya sa kasintahan ng kapatid niyang si Takeshi. Sa laki ng pagnanasa niya dito ay ginahasa niya ito. Nawala si Zamara na halos ikabaliw ni Takeshi pero bumalik siya makalipas ang isang taon. Kasabay ng pagbalik ni Zamara sa buhay ni Takeshi ay ang pagkatagpo sa akin sa labas ng mansyon ni Takano Lao. Napagtagni kaagad ni Takano na ako ay anak niya pero para makasiguro ay ipinasuri muna niya ako sa doktor at positibo nga na ako ay ang bunga ng kapangahasan niya kay Zamara. Pinagsisihan na niya iyon kaya minabuti niya na manahimik at ilihim na lamang ang pagmamahal sa babae. Hanggang sa nagpakasal si Zamara kay Takeshi. Natagpuan na patay si ama sa silid aklatan nasa edad tatlo na ako noon at si Yasu ay lima.

Nabasa ko lahat ng iyon sa librong talaan ni ama. Para sa isang tagapaslang at isa pang lalaki ay hindi kapanipaniwalaang isipin na ang isang Takano Lao ay may "diary o talaan". Kasabay ng pagkatuklas ko ay
pagkatuklas din ni Yasu. Nahuli niyang binabasa ko ang talaan ni ama habang tulala at lumuluha.

Kapatid ko si Ryuu,Ren at Jin sa ina habang si Yasu ay kapatid ko sa ama. At iyong si Yuri? Tss,isa siyang sampid! Kaya pala hindi kami naging malapit masyado noon dahil isa siyang kaaway. Ampon lang siya matagal ko na iyong naulinigan at ngayon ko lang napatunayan lalo at may relasyon sila ni Ryuu. Ang ikinagagalit ko pa ay pilit siyang hinahabol ni Zamara. Kung hindi lang dahil kay Takeshi ay marahil hinabol ni Zamara at ginulo ang nagtanan na si Ryuu at Yuri.

Galit ako kay Zamara. Kahit na bunga ako ng panggagahasa sa kanya ni ama ay hindi niya dapat ginawa iyon. Kaya naman para makaganti ay ibinigay ko ang libro kay Takeshi. Hinihintay ko ang hakbang niya pero tila hindi ko na kaya manatili dito sa lupain ng mga Lao..

Gusto kong makahinga..

Kailangan kong lumayo..

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon