Chapter 12-Date sa gusali ni Batosai..

372 12 1
                                    

Lumipas ang dalawang araw na nasa palasyo akong muli. Isinama ako dito ni Roujin pabalik. Hindi na niya ako pinagsuot ng uniporme ng tagasilbi.

"Saan ka na naman galing ha Kara?"nakasimangot na sabi ni Roujin na nakaabang na sa akin.

"Doon sa lugar na puno ng mga bulaklak. Inaaya kita doon pero ayaw mo naman sumama na naiintindihan ko naman."nakatingin siya sa mga bulaklak na hawak ko.

Ayaw niyang pumunta doon dahil doon niya daw huling nakita ang kanyang ina na pabor naman sa akin. Alam ko may hindi pa siya sinasabi sa likod ng pagkawala ng kanyang ina pero hahayaan ko na lang na siya ang kusang magsabi sa akin noon.

Ang totoo ay paraan ko lang na doon ako galing sa taniman ng mga bulaklak kahit ang totoo naman ay sa bayan ako galing tapos ay saka ako pupunta doon para kumuha ng bulaklak.

Sinusuyod ko ang buong bayan kung may nakapaskil pa na larawan ko. May ilan lang akong nakita at sinigurado ko na wala na. Noong unang araw na bumalik ako dito sa palasyo ay nag-aalala ako na baka nakita na ng mga tagapalasyo ang larawan ko na may mukha ko at nakasulat na..

'Ang makakapagturo ng kinaroroonan ni Kara Lao ay gagantimpalaan ng limandaang pilak'

Tss,may patong sa ulo ko.

"Sigurado kang hindi mo kasama si Hiroku?"

"Hindi ko siya kasama. Naku naman napakaseloso ng pogi ko..eto oh pampaganda ng araw mo..."ibinigay ko ang bulaklak sa kanya na tinanggap naman niya.

"Ako dapat ang nagbibigay nito sa iyo."napasimangot siya.

"Ang laki ng problema mo,amuyin mo na lang nga iyan ng mawala ang init ng ulo mo."ngisi ko at idinuldol ang bulaklak sa ilong niya. Ikinawit ko iyong kamay ko sa beywang niya.

"Iyan ang gusto kong amuyin..tiyak wala ang init ng ulo ko.."inginuso ni Roujin ang ibaba ko.

Nanlaki ang mata ko sabay hampas sa kanya.

"Aray! Ang bigat ng kamay mo ganda! Minsan naiisip ko siguro dati kang kargador sa barko.."

"Ay grabe ka.."

Nanghaba iyong nguso ko na agad niyang hinalikan ng mabilis.

"Tsansing!"

"Kinikilig ka naman."

Inirapan ko siya pero nangingiti naman ako.

Ilang araw ang lumipas,ilang linggo ng pagiging magkasintahan namin.

"Hmmm..."

Naalimpungatan ako noong may naramdaman akong nahalik sa labi ko. Hindi na ako nagprotesta dahil alam kong si Roujin iyon. Saulado ko na ang labi niya. Malambot at masarap. Iyong amoy niya lalaking-lalaki na masarap singhutin.

Tinapos niya iyong halik.

"Ang aga mo naman..alas singko y media pa lang ah..."nakabukas iyong isang mata na sinipat ko ang relo.

Ikinawit ko ang kamay ko sa leeg niya. Nakatitig siya sa akin. Iyong tingin niya gandang ganda siya sa nobya niya.

"Antok pa ako...pero eto yung halik mo..."

Kinabig ko ang leeg niya at sinakop ko ang kanyang labi. Mapusok na halik. Hinihingal na inilayo niya ako sa kanya. Nangunot ang noo ko.

"Ayaw mo?"

"Gustong-gusto ko.."alam ko naman din iyon nagiinarte lang ako."Kaya lang may oras para dyan..gusto muna kitang batiin ng maligayang isang buwan nating magkasintahan ganda."

Isang buwan na kami. Alam ko naman iyon gusto ko lang na siya ang unang bumati.

"Maligayang isang buwan sa atin!"niyakap ko siya ng mahigpit niyakap niya din naman ako pagkaano ay inilayo.

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon