Chapter 2-Hanapin si pula..

476 16 1
                                    

"AYYY!! ANONG NANGYARI SA'YO TEH?!?! SINONG PUMUDPOD NG KULORETE MO SA MUKHA?!"

"SR lang?"

[yuki_tin13's note:SR? Sobrang Reaksyon..bawal ang OA kasi tagalog to' kaya ayan nag-imbento si author,hahaha]

"SR agad eh nagulatski lang naman aketch sa matsura mo..Ano ba kasi ang nangyari at wala kang ayos tsenes ngayon ha bakla? Si Kara ka ba talaga??"

"Ano ka ba Baku Lao Xa ako ito talaga! "

"Kara Lao ilang ulit ko ba sasabihin sa iyo na wag mo akong tawagin ng buo sa mabantot kong pangalan!"

"Baku Lao Xa!"

"Napakapasaway mo talagang babae ka!"inirapan ako nito napahalakhak naman ako. Ang sarap talaga asarin ni Baku. Pinakaayaw niya talaga sa lahat ay tinatawag siya sa buong pangalan niya.

"Halika na dali!"umabrisete na ako sa kanya at hinila na siya paalis sa bahay aliwan. Paglabas ko kasi doon sa bahay aliwan ay inabutan ko siya sa labas na papasok pa lang. Halos isang oras huli ang bakla ha!

"Hinahabol ka ba ng mga naagrabyado itech mo o noong mga kaluluwa ng pinaslang mo??"

"Dali na ang dami pang satsat! Kinse minutos lang te ha!"

"Ahah! May ginawa kang kalokohan doon ano?! Ginamit mo ang kapangyarihan ng iyong halik?! May pinutulan ka ng kaligayahan! Ay sayang bakla sana ibinalato mo na lang sa akin para pinaligaya ko muna bago ko pinutulan!"

Kung anu-anong sinasabi ng baklang to!

"Halika na sa bahay mo!"

"Kailan pa natutong tumakbo ang isang Lao?"

"Baku Lao Xa!"

"Oo na nga tayo na!"

Iniuwi na nga ako ni Baku dito sa bahay niya sa Achii. Pati pangalan ng bayan na napili niyang tirahan ay pang bakla din.

Habang nakaupo ako sa sopa ni Baku ay hindi mawala ang ngisi ko. Naisahan ko ang isang Roujin Rashida. Akala niya makukuha niya lahat porke anak siya ng emperador ng bayan ng Subeta? Pwes hindi ang isang Lao na katulad ko. Akala niya ba gwapo siya sa mahaba niyang asul na buhok? Akala niya lang iyon!

Pero teka..kaya nga ako umalis dahil ayoko na muna maging Lao gusto kong maging si Kara muna walang Lao na kakabit ang pangalan.

Pero nakakatawa talaga iyong si Roujin.

"Hoy teh nababaliw?"

"Masaya lang baliw agad? Akin na nga iyang meryenda ginutom mo ako! Tumirik na ang mata ko kakahintay sa'yo!"hinagip ko ang meryenda na inihanda niya pati inumin.

"Bakit naisipan mong puntahan ako dito?"

"Masama bang dalawin ka?"

"Wag nga ako!"

"Oh sya!sya! Oo na,ayoko muna sa bahay..papangit ako doon."

Natigilan ako noong maalala ko na naman ang nakakabwisit na mukha ni Zamara.

"Ano na? Sasabihin mo ba o sasabihin mo?"

"Oo na,atat lang? Ang kulit ng lahi mo bakla!"

"Magkalahi tayo gaga!"

Sinabi ko sa kanya ang natuklasan ko at katulad ng inaasahan ko ay ang reaksyon niya.

"HANOH?! HOWMAYGAD!!"

[yuki_tin13~~tinagalog ko na yung Oh My God..hehe..]

******

"Roujin boss,bakit ka nagpadala ng kawal? May nakalaban ka ba?"tanong sa akin ni Hiroku na nakasakay sa itim na kabayo kasama iyong ibang kawal na sakay din sa makikisig na kabayo at panay nakasuot ng mga baluti.

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon