Chapter 4-Ang gusto ng kamahalan...

476 14 0
                                    

Nandito na kami sa palasyo ng Subeta. Nagbigay pugay sa kanya ang mga kawal at mga tagasilbi.

"Ihahatid po ba namin ang binibini sa magiging silid niya?"wika ng isang tagasilbi.

"Hindi na,ako na."

Yumukod na lang ang tagasilbi at iniwan ako kay Roujin. Sigurado ay sa isang magarang silid niya ako dadalhin. Isa akong bisita. Mas maigi din na nandito ako sa palasyo dahil bukod sa hindi iisipin ng mga Lao na nandito ako ay hindi pa din mawawala ang luho at karangyaan na nakasanayan ko bilang nag-iisang prinsesa ni Takano Lao.

"Dito ang magiging silid mo."

"ANO?! Nasaan ang malaking kama?! Malaking salamin?! Karpet na sahig?! Malalaking tyandelyer?!"

"Hahaha! Hahaha!"

Naningkit ang mata ko kay Roujin.

"Hoy Roujin dalhin mo na ako sa silid ko! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

Napailing siya.

"Pinapahanga mo talaga ako Kara..tsk,tsk. Anong akala mo prinsesa ka dito? Mula ngayon magiging katulong ka dito,tagasilbi."

"TAGASILBI?!"

Nakakaloko siyang tumango.

"Hindi ako si Sarah baka nagkakamali ka..si Kara ako! Hindi si Sarah munting prinsesa na naging katulong!"

Sumeryoso si Roujin.

"Ang sabi mo ay gagawin mo ang lahat ng gusto ko."

Napipilan ako. Sinabi ko nga iyon at pinalaki kaming may isang salita ng mga nuno namin.

"May atraso ka pa sa akin hindi sapat na humingi ka ng tawad. Ngayon kung ayaw mo ipapakaladkad kita sa mga kawal palabas ng palasyo."

Grr! Nakakainis!

"Oo na nga! Leche to!"

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Mula ngayon personal kitang tagasilbi at lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo."

Nakikita ko ang pagdiriwang sa mata niya na tila nanalo sa isang digmaan.

Lumabas na si Roujin sa pinto pero biglang sumilip din.

"..at magbihis ka..gustuhin ko man na wala kang saplot ay hindi ko naman gustong makita iyan ng iba.."tiim ang bagang niya."Iaakyat ng tagasilbi ang mga damit na isusuot mo."

Manyakis talaga!

Noong tuluyan na siyang makaalis ay ibinato ko ang suot ko sa paa na may takong sa may pintuan.

Napasimangot ako sa magiging kwarto ko. Ang liit ng higaan,papag na may manipis na kutson tapos wala man lang makinang naglalabas ng hangin. Mayroon namang maliit na pamaypay tapos nakatanaw ako ng salamin na kasing laki lng ng palad ko iyong salamin ng pangkolorete sa mata. Ang ilaw isang malabong bombilya.

Tss!

Lumapit ako sa bintana para makahinga ako ng malalim. Maya-maya pa ay natanaw ko na ang hukbo ng mga kawal ng palasyo sa pamumuno noong mandirigmang samurai na si Hiroku na manyakis din na mana sa amo niya. Hinarap kaya nila ang mga Lao?

Walang ideya ang mga Rashida na nagkukupkop sila ng Lao dito sa palasyo ngayon..

*****

" Ano ito?!"mataray na wika ko sa tagasilbi.

Damit pang-katulong at ilang mga damit na pang mahirap ang dala sa akin.

Mukha naman itong nahintakutan. Sa tingin ko ay wala pang desiotso ang naatasan na dalhan ako ng damit.

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon