Chapter 11-Gusto niya ako at gusto ko siya...

355 10 0
                                    

yuki_tin13

Hey guys..super ikli po itong chapter na ito...

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanap-hanapin si Kara.

Tangna ano bang mayroon siya? Eh tulad lang din naman siya ng ibang babae..

At tulad nila aalis din siya at mang-iiwan..

Sabi ng puso ko puntahan ko siya pero ang sabi ng isip ko ay huwag. Sa huli ay nanalo ang puso ko.

Pupuntahan ko siya. Pero may rason ako ha..kailangan ko ng rason. Alam ko na..uutusan ko na lang siya para hindi ako magmukhang gago na pagkatapos siyang iwasan ay lalapitan naman.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Wala siya.

"Si Kara nakita nyo ba?"tanong ko sa isang tagasilbi na nakasalubong ko.

"Umalis po."

"Namalengke ba?"

"Hindi po. Umalis na po siya dala ang mga gamit niya."

Tang ina. Anong ginawa ko?

******

Bitbit ko lang ang maliit kong maleta. Nandito ako sa bayan ng Xera. Tinanaw ko ang palasyo na abot tanaw pa din mula sa Xera. Nasa mataas na bahagi kasi nakatayo ito.

Napahawak ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko. Nakakaramdam ako ng lungkot.

Itinago ko sa sumbrero ang mahabang pula kong buhok pati na ang mukha ko para hindi agad ako makita ng mga bobong tauhan ni Zamara.

Nagsalubong ang kilay ko noong may makita ako na isang papel na nakapaskil. Nilapitan ko ito at marahas na hinablot sa poste. Nagtagis ang bagang ko.

Takte. Larawan ko ang nasa papel at wala akong kahit anong kulorete. Paksyet ang ganda ko pa din!

Pinunit punit ko ito hanggang sa hindi na makita ang mukha ko. Sinuyod ko ng tingin ang paligid.

Madami pa kayang ganito?

Hindi ako maaring bumalik sa bahay ni Baku.

"Saan naman kaya ako pupunta nito.."wala sa loob na naisatinig ko.

"Sa puso ko."

Nahigit ko ang hininga ko at literal na nanigas sa kinatatayuan ko.

Si Roujin??

At teka~~? Ano ba iyong sinabi niya?

"A-nong ginagawa mo dito?"

Sa harap ko ay nakatayo si Roujin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Papanain ko ang puso mo."

"Naka-droga ka ba? Kung ano-ano ang  pinagsasasabi mo?"

Nagbibiro ba siya? Pero bakit parang umaasa ako na sana ay totoo ang sinasabi niya.

"Tss,akin ang lupang tinatapakan mo kaya natural na nandito ako."

"Ah..okay. Alis na ako."

Napahiya ako doon. Tumalikod na ako. Nagulat pa ako noong pagtalikod ko ay kaharap ko na naman siya.

"Ano ba nakakagulat ka!"

Ngumiti si Roujin sa akin. Bakit pinapansin niya ako ngayon?

"Hindi ka na mabiro."

"B-iro lang ba iyon?"

"Alin iyong paggulat ko sa'yo at iyong sinabi kong akin ang lupang ito kaya ako nandito?"

"Hindi...i-yong sa puso.."hindi ako makatingin sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ako sa kanya. Seryoso na ang mukha niya.

"Totoo iyon. Kaya ako nandito dahil sa puso ko na nasa iyo kasintahan ko."

"K-asintahan? Kailan pa?"

"Tss,noong may nangyari sa atin kasintahan na kita."

Namula ang mukha ko.

"Nandito ako para iuwi ka sa palasyo."

"Bakit pinapansin mo na ako ngayon?"

Iniangat niya ang mukha ko.

"Ayokong umalis ka."

Bumuntong-hininga siya.

"Iniwasan kita dahil ayokong masaktan tulad ni ama..ayokong maiwan katulad ng ginawa ni ina.."

"Ikinalulungkot ko kung namatay na siya.."

Nangunot ang noo ni Roujin.

"Hindi pa siya patay."

"Eh? Pero sabi ni Lira patay na siya."

Nagbuntong-hininga siya ulit.

"Buhay pa si Aria hindi lang namin alam kung nasaan siya."

Napatanga na lang ako. Kita ko ang galit sa mata niya. Ni hindi niya magawang banggitin ang salitang 'ina' patungkol sa babaeng iyon. Mukhang ayaw niya siyang pag-usapan. Doon ay naisip kong may pagkakatulad kami ni Roujin. Sinaktan ng aming ina.

"At ayaw mong masaktan kung iiwan din kita?"

Sumeryoso ang mukha niya. Napaigtad ako noong hapitin niya ang beywang ko.

"Iyon ay kung papayag akong iwan mo ako..hindi ako papayag Kara."

Bumaba ang labi niya sa labi ko. Naglapat ang labi namin. Kusang lumambitin ang mga braso ko sa leeg niya.

Saglit siyang humiwalay.

"Gustong-gusto kita Kara Krus.."

Gusto kong masamid noong sabihin niya ang apelyido ko. Nakokonsensya ako,gusto kong sabihin na isa akong Lao pero alam kong magagalit siya. Namumuhi siya sa mga Lao at isa ako sa mga kinamumuhian niya. Minabuti kong ipagwalang bahala na muna ang lahat.

"Gusto din kita Roujin Rashida.."

Siguro ay sapat na muna iyong gusto namin ang isa't-isa.

Nakita kong madami ng nanunuod sa amin. Dinig ko ang pagsinghap nila, maghalikan ba naman kami sa gitna ng madaming samurai.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Wala akong pakialam. Ang mahalaga lang ay si Roujin..

At ang katotohanan na...

Gusto niya ako at gusto ko siya..

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon