Chapter 10-Biglang nagbago ang lahat..

408 14 0
                                    

May nakita ako na magandang lugar kung saan pwede kaming mag-piknik. Si ina mahilig iyon magpiknik lagi kaming naggaganoon kapag may oras. Ayos lang naman sa akin pero si kuya Yasu ayaw na ayaw magpiknik pang bata lang daw iyon at nasusuya siya.

"Ganda saan ba tayo pupunta? Bakit ba may dala pa tayong mga pagkain at panlatag?"

"Basta pogi."kinindatan ko siya.

Hindi ko alam kung ano ba kami ni Roujin pero masaya ako sa nangyayari sa amin.

Pogi at ganda ang tawagan namin kahit pa sino ang kaharap. Iyong mga mandirigma ng Subeta panay kantyaw ang inaabot namin kapag nadidinig kami.

"Marunong ka mangabayo?"

"Oo."sumampa kasi ako sa isa pang kabayo. Hindi naman siguro masama na matuto ako mangabayo ano?

"Bakit hindi ka na lang dito sa kabayo ko sumakay?"

"May dala ka hindi na ako kakasya."

"Eh di kakalungin kita."

Napalabi ako.

"Alam ko iyang iniisip mo pogi..mamaya na iyan."

Pinatakbo na namin ang kabayo.

"Malayo pa ba Kara?"

"Malapit na."

Hanggang sa matanaw ko na ang mataas na damo. Hinawi iyon ng kabayo noong dumaan at bumungad sa amin ang isang paraiso. Isang lugar na puno ng bulaklak.

"Tsarannnn! Nandito na tayo pogi!"tumalon ako sa kabayo.

Nagulat pa ako sa ginawa ko. Namumutla akong tumingin kay Roujin na sa pag-aakala ko ay nakatingin din sa akin pero sa paligid naman siya nakatingin. Tulala at blangko ang ekspresyon.

"D-ito.."

Baka nalayuan lang siya sa pinuntahan namin.

"Ang ganda dito ano?"

Iba't-ibang klaseng bulaklak ang nasa paligid. May malaking puno sa may gitna.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"seryoso niyang wika.

"Noong isang umaga isinama ako ng mayordoma na manguha ng bulaklak dahil nga dadating pala iyong si Dina nauso ang ganda!"

Sinamyo ko ang hangin.

"Ang bango dito! Halika na ilatag na natin ang dala nating blanket pati iyong mga pagkain.."

Hinila ko na siya sa ilalim ng puno. Tumulong ako sa pagluluto ng mga dala namin na pagkain kahit hindi ako marunong nagpaturo na lang ako kaya gusto ko ng matikman niya ang luto ko.

Pagkalatag ay inilabas ko kaagad ang pagkain. Naglagay ako sa plato pati na din kutsara at tinidor.

"Tikman mo na! Ako ang nagluto niyan.."

Iniabot ko sa kanya ang pagkain pero tinitigan niya lang. Ang seryoso ng mukha niya.

"Ayaw mo ba?"

Hitsura pa lang ba kaayaw-ayaw na ang luto ko?

"Subuan mo ako."

Ahah..iyon naman pala ang gusto.

"Okay..ah na pogi.."ikinutsara ko siya ng pagkain at itinapat sa bibig niya.

Isinubo naman niya ang pagkain at tipid na ngumuya. Magkadikit ang kilay niya.

"H-indi ba masarap?"

Ang tagal niyang hindi sumagot.

"Masarap."nakahinga ako ng maluwag.

"Eh bakit hindi ka man lang nangiti? Hindi ka ba masaya na kasama ako?"

Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon