"Tang ina lumaban ka!!"
Sumama ako kay Zamara pabalik sa Yuhan sa lupain ng mga Lao. Muli siyang pinapasok sa mansyon dahil kasama niya ako. Noong umalis kasi ako at nalaman ni Take ang tungkol sa akin at sa sirkumstansya ng lahat ay pinalayas niya si Zamara. Si Takeshi naman ang nawala sa mansyon siguro sa kadahilanang hindi pa niya kayang harapin ang asawa.
Katulad ng hindi ko pa ulit kayang harapin si Roujin..
Inis na inis ako ngayon. Kanina ko pa kasi inaatake si Zamara ng suntok at sipa ay hindi naman siya lumalaban. Wala siyang ginawa kundi ang ilagan ng ilagan ang atake ko. Kanina pa masama ang tingin ko sa kanya habang siya naman ay walang emosyon ang mukha.
Si Jin ay walang magawa kundi manuod. Sinabihan siya ni Zamara na wag makialam pero dahil matigas ang ulo niya at pilit akong inaawat ay gumawa si Zamara ng dalawang Zamara na siyang napigil ngayon sa magkabilang braso ni Jin. Hindi basta Zamara iyon dahil sumasabay iyon sa lakas ng tunay na Zamara. Kaya ni Zamara na doblehin,triplehin o higit pa ang sarili niya katulad ni Naruto. Si Ren na nandito din kanina ay mabilis na nakatakas sa isa pang Zamara. Wala si Ryuu dito at nasa Libre. Hindi ipinapaalam sa kanya ang nangyari dahil tiyak na uuwi siya at ayaw namin na matapos ang kaligayahan niya.
"Hindi kita lalabanan."
Pwes,kung ayaw niyang lumaban gagawin ko ang lahat para labanan niya ako. Kailangan ko lang siyang galitin at alam ko kung gaano kaiksi ang pasensya niya.
Ngumisi ako.
Inilabas ko ang pula kong aura. Kailangan kong bilisan ang kilos ko kung gusto kong magtagumpay. Sinugod ko siya. Sa bilis ko ay nawawala na ako sa hangin. Nilagpasan ko siya. Paglagpas ko ay daing niya ang madidinig.
"Arghh..ang mukha ko."
Ayaw na ayaw ni Zamara na magalusan ang mukha niya. Umaagos ang dugo sa pisngi nito na kinalmot ko ng matulis kong kuko. Nanlilisik ang mata niya sa akin. Ngumisi naman ako lalo. Ipinilig ko ang ulo ko at tiningnan siya ng nanghahamon.
Nagulat ako nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Sa lakas ng pwersa ng enerhiya niya ay bumagsak ako at napaupo sa damuhan. Habang walang emosyon na nakatingin sa akin si Zamara ay may isa pang Zamara na nasa likudan ko at nakatutok sa leeg ko ang mahahabang kuko.
Malakas siya at alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya. Pagpapakamatay ang paglaban sa isang Zamara Lao. Naiinis ako sa katotohanang iyon pero hindi ako susuko.
"Sumuko ka na."malamig niyang wika.
"Hindi ako kahit kailan susuko sa iyo."madiin kong sabi.
"Anak nga kita hindi ka tumatanggap ng pagkatalo."ramdam ko ang pagngisi niya.
Lalo naman akong nainis.
"Hindi mo ako anak!"
Ang kapal ng mukha niya! Hindi pa nga niya ako ipinapanganak ay itinatakwil na niya ako tapos ngayon ay sasabihin niyang anak niya ako!
Nakita ko ang isang sibat na may pilak na talim na nakasabit sa isa sa mga poste ng pasilyo. Mabilis ko iyong kinuha. Iwinasiwas ko paikot sa ere at sinugod siya. Panay ang ilag niya at kung minsan ay sasanggahin ng mahabang kuko ang talim ng sibat. Inipit niya pa ito sa pagitan ng gitna at hintuturong daliri niya pagkatapos ay hinawi palayo. Nawalan ako ng balanse sa paghawi niya sa sibat ko. Hindi ako tumigil. Sinugod ko siya. Umilag na naman siya. Tss,nasa likod ko siya. Kung marunong kang manlinlang ay marunong din ako. Sinugod ko siya pero nawala ako sa hangin. Sumulpot ako sa likod niya pagkatapos ay sinipa ko siya ng malakas sa likod. Natumba siya ng patihaya sa lupa. Itinutok ko sa kanya ang sibat.
"Katapusan mo na Zamara."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Zamara.
"Kung buhay ng iyong ina ang magiging kabayaran ng kapatawaran mo...kunin mo na anak.."pumikit siya tanda din ng pagsuko.
Ina..anak..
"Tang ina! Bakit?!!"
Inis na inis kong itinapon ang sibat na hawak ko.
Humakbang ako palayo sa kanya.
Bakit hindi ko siya kayang paslangin?! Sa lahat ng sakit na idinulot niya sa pagkatao ko bakit hindi ko kaya?! Siya ang dahilan kung bakit naging matigas ang puso ko pero bakit hindi maging sapat iyon para tapusin ko siya?!
Bigla ay nahilo ako. Nakaramdam ako na tila matutumba ako. Pagtingin ko sa binti ko ay may dugo ako.
Tinamaan ba ako ni Zamara? Siguro nga..ang talas naman kasi ng kuko niya..
Natumba ako sa lupa.
"Anak!"hiyaw ni Zamara.
"Kara!"iyong boses na iyon.
Si Yasu iyon. Napangiti ako at tuluyang pumikit. Nadinig ko din ang boses ni Ren marahil ay tinawag niya si Yasu sa bahay namin.
Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko..
BINABASA MO ANG
Muryou:WANTED Hot Killer[Complete]
ПриключенияAng pinaka-hot at sexy na myembro ng pamilya ng tagapaslang na Lao.. Sa maganda niyang mukha kayo ay maaakit... Sa sexy niyang katawan kayo ay mahuhumaling... ..higit sa lahat... Sa mapusok niyang halik kayo ay mapapasailalim... ..ngunit... Sa likod...