CHAPTER 4

4.1K 82 0
                                    

Nang sumunod na week ginanap ang STUDENTS BODY ORGANIZATION election sa kanilang school campus. Kasunod niyon ang officers election by courses department then ang classroom officers.
Dahil nahati sa dalawang department ang HRM course. Nag-elect din ang mga night classes ng kanilang department officers. At isa si Sabrina sa mga officers noon. Natalaga sya bilang P.I.O sa night class department ng HRM.
Pagkatapos ng event na iyon balik sila sa kanilang regular classes.
"Hayy! Ito na nman kami sa nakakabagot na subject na ito. Haisst! Naiinis akong pumasok sa P.E. subject na ito. Urggh!"Ang iritadong sabi nya sa sarili habang papunta sa kanilang classroom. Na nasa building ng BS Math department.
"Guys! Isuot nyo na ang mga uniform nyo sa P.E dahil am sure di na nman tayo sasantuhin ni Mr Suarez mamaya. "Malakas na sabi ng kaklase nilang si Mark na agad isinuot ang P. E shirt nito.
"Huh?! Ganun ba? Naiwanan ko pa nman iyong uniform ko sa kakamadali kanina. "Ang sabi ng isa nyang kaklase, nataranta bigla.
"Try mo mamaya pacute na lang kay sir baka papasukin ka nya. "Ang nakangising pang -aasar ni mark dito. Napasimangot ito at napahalukipkip sa inuupuan nito dahil sa pagkabahala.
Natawa na lamang si Sabrina sa mga ito. Masayang kasama ang kanyang mga classmates. Di nya akalain na magugustuhan nya ang set up nila sa night classes. Di nakakabagot ang mga itong kasama sa klase nila kahit nga inaabot sila ng hanggang alas dyes ng gabi.
Noong nakaraang araw sa Economics subject nila. Dinalhan sila ng kanilang Prof ng isang pack ng candy para daw di iingay ang kanilang mga bunganga. Naaliw si Sabrina sa tactics ng newly graduated na guro nila sa Economics.
New hired kasi ito at sila ang first class na nahandle nito pagkatapos nitong magkolehiyo. Kaya di pa nito alam kung paano sila pakisamahan.
"Guys! Guys...! Andyan na sya. Madali kayo, punta agad sa mga upuan nyo!"Ang sigaw na sabi ni Jason sa kanila habang papasok sa class room.
"Andyan na ang sino? "Ang tanong ni mark na bilang naintriga sa ginawi ng kaklase nila.
"Andyan na si sir Suarez! "Ang sabi nito na agad humanap ng mauupuan.
"Asus! Si Mr sungit lang pala eh akala ko si Agbayani na! "Ang palatak na wika ni Sabrina sabay tawa.
"Antayin mo na lang dumating si Bayani rito para makita mo ng harapan. "Sansala nmang wika ni Marlon. Agad silang natahimik ng bumungad ang kanilang guro.
Napalingon ang mga classmates nyang nagkukumpulan sa tabi kasama sya. Biglang nataranta at napaupo sa mga bakanteng upuan ang iba dahil di agad umupo ang mga ito.
Tahimik sila ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng silid-aralan.
"Good evening class! "ang magiliw nitong bati sa kanila. Nakangiti pa nitong pinasadahan ang mga mukha ng students nito.
Si Sabrina ay nakaupo sa likod ng mataba nyang kaklase kaya di sya agad mapapansin sakaling hanapin sya.
"Where is Sabrina? "Ang agad nitong tanong ng di nito nasilayan ang mukha ng dalaga na sinundan ng pagkunot ng noo nito.
"Hoy! Sabrina daw oh. "Ang untag na sabi ni Jason sa kanya.
"Andito ako bakit ba?! "Ang nairita at nakasimangot nyang sabi kay Jason.
"Hanap ka ni sir oh!!"Ang sabi nito.
"Y-yes sir?"ang sabi nya na napatayo bigla at napatitig sa mukha nito. Agad sumilay ang ngiti nito sa mukha ng makita sya nito.
"Come. Sit here in the front."ang sabi nito na biglang pinapormal ang kanyang aura.
"Iyon lang nman pala ang kelangan sa akin akala ko kung anu na! Hmmmp!" Ang bulong nyang sabi sa isipan habang kinukuha ang kanyang mga gamit.
Umupo sya sa tabi ng kaklase nyang bakla na si Marla.
"Type ka ni sir noh? Kasi ikaw parati ang hinahanap ng mata nito eh."ang sabi nito na may halong panunudyo sabay bangga sa kanyang balikat at napangiti ng mapang-akit sa kanya.
"Sabihin mo kamo mainit ang dugo nyan!"pairap nyang sabi na tinapunan ng matalim na tingin ang nakatalikod na guro. Natahimik silang dalawa ng bigla itong humarap uli sa kanila.
"Ok. Everybody, go out now and we will do some basic exercises."sabi nito na nagpatiuna ng naglakad palabas.
"Huh? Anu raw? Ganitong oras ng gabi magpapainit tayo ng katawan?!"ang naiskandalong sabi ni marla. Nakatikwas pa ang mga kamay nito sa ere.
"Ayaw mo noon? Sa kalaliman at kalamigan ng gabi papagpawisan ka?"ang napapangiting sabi ni Sabrina rito.
"Hmmmp! Masisira ang beauty ko baby!"ang sabi pa nito na kunway nilugay ang mahaba at transparent na buhok nito sa ere.
"May ganun talaga huh?!"ang nakatawang sabi nya sa baklang kilos nito sa kanyang tabi saka nagtawanan silang dalawa.
"Girls! Hurry up! Ipapa-push-up ko kayo mamaya ng fifty times kapag di nyo pa binilisan ang mga kilos nyong lahat."ang nainis na sabi ng guro mula sa labas dahil di pa silang lahat nakalabas ng class room.
"Ayyy! Girl na pala ako ngayon sabi ni sir!"ang patiling wika ni Marla sa kanya.
"NAku, Marla huh, bawas -bawasan mo nga iyang kalandian mo bakla at baka tutuhanin nyan ang sinabi nito kanina."paalala nyang wika sa sinabi ni Mr Suarez sa kanila.
Sinunod nila ang sabi ng kanilang guro na gumawa ng six lines. Three lines ang boys at ganun din sa girls.
"Marla and Sabrina come in the front. Now!"ang narinig nilang sigaw ng Prof nila sa harapan.
"PAtay! Ayan na sabi eh paparusahan na talaga tayong dalawa nyan!"ang bulong nya kay Marla. Saka hinila sya patungong harapan. Napalapit silang dalawa sa kay Mr Suarez. Sumensyas itong gawin ang ginagawa ng mga kaklase nila na agad nmang sinunod ni Marla dahil sa takot na baka mabigyan sila ng punishment.
"Halika ka nga Sabrina, mahiga ka sa damuhan at ide-demostrate ko ang tamang paghawak sa partner nyo."ang untag na wika nito sa kanyang tabi. Kahit nakapwesto na ang kanyang partner sa damuhan.
PInahiga sya nito at hinawakan nito ang kanyang dalawang tuhod na pinagsiklop nito sabay pigil sa kanyang tuhod. Mahigpit nitong hinawakan ang nakasiklop nyang mga tuhod para di sya ma-out of balance.
"Ok,do the curl up this way"utos nito sa kanila.
Asiwang inangat nya ang kanyang katawan patungo malapit sa kanyang tuhod. Dahil nakahawak ito sa tuhod nya ng may kahigpitan, di nya maiiwasang magkalapit ang kanilang mga mukha sa tuwing ilalapit nya ang katawan sa kanyang tuhod. Nalalanghap nya ang mabangong perfume nitong gamit na nanunuot sa kanyang ilong patungo sa kanyang lalamunan. Wala sa loob na napatitig sya sa mga mata nito na parang nangungusap sa kanya.
Namula ang kanyang mukha sa eksenang iyon. Di kayang salubungin ang mga nitong tila nanunuot hanggang buto.
Nainis sya bigla rito kung bakit ba nman sya pa ang napili nitong pagdemostrehan ng ganoon.
Nakasampong curl-ups sya bago sya nito pinakawalan at pinatayo matapos nitong pagawin sa mga kaklase nya ang curl-ups exercises nila sa gabing iyon.
Tila sya sinilaban sa puwet na agad napalayo rito matapos syang makatayo. Pinanindigan pa sya ng balahibo sa batok sa tuwing maaalala nya ang mga hawak nito.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon