Dumaan ang maraming araw na di namamalayan ni Sabrina. Semestral break na nman nila,mahaba habang bakasyon na nman.
Napagdesisyunan nyang magbakasyon sa province ng Auntie nya. Gusto nyang magbabad sa probinsya nito. Nang sa ganun medyo malayo sya sa anumang temtasyon at makalimutan nya ang sinapit ng kawawang puso. Gugugulin nya na lamang ang mga araw sa pagtulong sa ante nya. May sinimulan daw itong maliit na business ayun sa kanyang ina. Kelangan daw nito ng tulong para mabenta iyong bagong sinimulan na business.
Naexcite syang nagpaalam sa ina na susubukan nyang iapply ang kanyang convincing prowess sa pag sales talk kung gagana ba.
So noong dumating ang time na bakasyon na. Masaya syang bumiyahe patungo sa probinsya ng tita nya although kagagaling nya Lang sa one week na sinat. Ngunit medyo mabuti at maayos na ang pakiramdam nya at kaya nya nG bumiyahe. Pinayagan sya ng kapatid na bumiyahe kaya ayos na iyon sa ina nya. Isang maliit lamang na bag ang kanyang dala. Dahil may naiwanan syang mga damit doon sa ante nya noong last nyang bakasyon doon.
Sumakay sya ng bus patungo sa provinsya. Inaaliw nya ang mga mata sa bawat lugar na madaanan nila. Magaganda ang tanawin lalo na ang kulay ng bundok. May munting water falls pa silang nadaanan.
Nadismaya sya ng huminto ang bus sa isang lugar kung saan maraming restaurant na nakahilera. Need pala talagang magstop ang bus doon para makapagtanghaliaan ang mga passengers nito. Naisip nyang mahaba nga pala ang biyahe kaya kelangan kumain.
Humanap sya ng restaurant na di masyadong matao. Nakahanap nga sya pero nasa dulo na iyon. Nang madaanan nya ng tingin ang isang malaking restaurant na katabi noon. May tindang citrus fruits na may kalakihan. Natakam syang bigla. Namiss nyang kumain noon. At dahil galing sa sakit nais nyang tikman kong maasim ba iyun.
Nagbago ang isip nyang pumasok sa restaurant na hinintuan. Pinili nyang puntahan ang malaking restaurant na katabi niyon.
Pinasadahan nyang mga citrus na nasa plastic bag nakalagay. Di nya malaman kung alin ang pipiliin.
Wala pa nman taong mag-iintertain sa kanya. Nang pag-angat nya ng paningin para sana hanapin ang nakabantay roon nanlaki ang kanyang mga mata.
"Oh my cow! Of all places bakit dito ko pa sya makikita! Is this some kind of joke?! "Ang impit nyang usal sa sarili na napapikit pa ng mata. Biglang napasikdo ang kanyang dibdib parang tinambol iyon ng drum sa sobrang lakas ng kabog.
Gusto nya sanang umatras at magtago kaso nahagip na sya ng paningin ng kausap ni Dylan. Kilala sya nito dahil na met nya na ito minsan sa apartment ni Dylan. Di sya nakita ni Dylan kasi nakatalikod ito ng kunti sa gawi nya. Busy sa kausap nito.
"Hey Sabrina! It's nice to see you here! "Ang di makapaniwalang sabi nito sabay tayo at naglakad patungo sa gawi nya. Agad nmang napalingon si Dylan ng magsalita ang kaibigan at lapitan sya. Napatayo rin ito saka sumunod na lumapit sa kanya.
"Ah eh... bibilhin ko sana itong citrus. "Ang alangan nyang wika rito. Di sya tumingin sa gawi ni Dylan. Kahit alam nyang titig na titig sa kanya ng sandaling iyon.
"Saan ba ang punta mo miss beautiful? "Ang narinig nyang sabi ni Dylan sabay tikhim para kunin ang atensyon nya.
Napabaling ang tingin nya rito ng magsalita ito.
"S-sa province ng Auntie ko. "Tipid nyang tugon rito na kiming binigyan ito ng ngiti.
Medyo awkward ang pakiramdam nya matagal na silang di nagkausap kaya di sya at ease kausapin ito.
"Come inside Sabrina. Join us we're having lunch. I know you'll have your lunch too, right? "Ang magiliw na sabi ng friend nitong si Arman.
"Ah yes. "Ang tipid nyang tugon. Sabay bigay ng matipid ding ngiti rito.
Nagdalawang isip syang paunlakan ang invitation nito ngunit nabigla sya ng walang paalam syang hinawakan ni Dylan sa kamay saka hinila papasok sa loob.
Di nya malaman kung bakit naumid ang kanyang dila bigla. Di sya nakapagprotesta sa ginawa nito.
Na off guard sya. Namalayan nya na lang na nakaupo na sya sa harap ng tatlong lalaki. Di nya kilala ang isang kasamahan ng mga ito.
"Hi.. am Felix. "Saad nito na inabot ang kamay nito sa kanya para kamayan sya.
"Sabrina- "ang kanyang panimulang sinabi na di nya natapos kasi si Dylan na ang nagsalita para dugtungan iyon.
"She's my girlfriend. "Ang nakangiti nitong wika sabay kindat at umakbay sa kanya.
Napanganga sya sa sinabi nito. Di nya in-expect na masasabi iyon ng lalaki sa harap ng mga kaibigan nito.
Natahimik syang napaupo katabi ni Dylan. Nagmamarkulyo tinapunan ito ng masamang tingin. Girlfriend raw. Girlfriend my butt! Ngayong wala doon ang Janice nito bigla sya nitong aakuing girlfriend. Sino ba ito sa akala nya?! Ang inis nyang nahimutok. Dahil muling nagkwentuhan ang mga ito tumahimik na lamang sya sa isang tabi.
Maya maya dumating na ang pagkain na pinahanda ni Arman para sa kanilang lima. Magsisimula pa lang pala ang mga itong kakain.
"Kumain ka ng maigi Sabrina. Nangangayayat ka na oh "ang komento ni Arman sa kanya bigla.
"Huh? Ah eh kakagaling ko lang kasi sa sakit kaya medyo pumayat ako. "Ang wika nya na itinuon ang atensyon sa pagkain.
"Baka naman nagda -diet ka kaya ka biglang nagkasakit at pumayat? "Ang baling sa kanya ni Dylan. Nskangito ito sa kanya.
Diet my ass! Inis nyang sigaw sa isip. Pilit syang nangiti rito bago nagsalita.
"No. Am not dieting! "Ang sabi nya na pinansilikan ito ng mata. Wish nyang bumulagta ito sa kinauupuan nito. Napatawa ito ng malakas na lalong nagpainis sa kanya.
Madali na syang mapikon ngayon. Di gaya dati na nagtitimpi lang sya. Naging irritable sya nitong mga nagdaang buwan.
"Aalis na ata ang bus nyo Sab oh. "Ang agaw pansin na sabi ni felix sa kanya. Napalingon silang tatlo sa direction ng bus. Nagsibalikan na nga ang mga pasahero sa bus. At papaalis na iyon.
Di nya tinapos ang pagkain nya. Napatayo sya sa upuan at akmang aalis ng pigilin sya ni Dylan.
"Can you stay for one night? "Ang mahinang sabi nito sa kanya.
Napaawang bigla ang kanyang labi. Tinaasan nya ito ng isang kilay, hinahamon ang lalaking eh pursue syang manatili doon kasama ito. Nakuha pa nitong pakiusapan syang magstay doon sa kabila ng lahat ng ginawa nito at ibinigay na sakit sa puso nya? Huh! Kapal naman ng apog nito anu?!. Well maybe wala pa rin itong kaalam alam kung bakit nya ito nilayuan at iniwasan. Dahil guilty ito kaya di na rin sya nito muling kinuntak uli.
"I can't. "Ang tanggi nya rito. Iniiwas ang mga mata sa lalaki.
"Oo nga nman Sabrina. Isang gabi lang nman pagbigyan mo na.si Dylan. Samahan mo munang pumasyal si sir dito sa lugar nmin. Ipapasyal ko kayo sa cave mamaya. "Susog ni Arman sa kanya.
Pakiramdam nya pinagkakaisahan sya ng mga ito. Ayaw nya ng magkasala muli sa wife nito ngunit bakit nakasunod palagi sa kanya ang temptation.
Napahugot sya ng malalim na hininga bago napatango sa mga ito. Bahala na si batman sa kanya iyon lang ang pumasok sa isip nya ng sandaling iyon.
Di na talaga sya nadala sa kabila ng nangyari sa kanila ni Dylan. Paano ang puso nyang sutil ang nagingibabaw sa kanyang isip. Gustuhin nya mang paganahin ang tamang pag-iisip di nya pa rin magawa. Nabubulagan sya sa pagmamahal kay Dylan na di nawala sa nakalipas na mga buwan na di sila nagkita at nagkausap.

BINABASA MO ANG
THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)
Romantizm#1-cheating #1-truestory #1-givenup #2-giveup #3-loveaffair #4-infidelity "Halika ka nga Sabrina, mahiga ka sa damuhan at ide-demostrate ko ang tamang paghawak sa partner nyo."ang untag na wika nito sa kanyang tabi. Kahit nakapwesto na ang kanyang p...