CHAPTER 2

5.4K 100 0
                                    

Na meet na lahat ni Sabrina ang mga professor nya sa mga minor at major subjects maliban sa isang minor subject na Physical Education.
Lahat sila ay nag-aantay ng pagdating nito. Ito na lamang ang huling subject nya sa gabing iyon.
"Hmmp! Kung bakit ba ang tagal- tagal dumating ng Prof na iyon. Kalahating oras na oh ang nakalipas. Ni anino nito ay wala pa rin!"ang inis nyang himutok sa kinauupuan.
Marami silang night classes students. Iyong iba ay mga working students pa pala kaya night class talaga ang kinuhang schedule hindi kagaya nya na late enrollees kaya napunta sa panggabing schedule.
Wala pa sya masyadong kakilala sa mga classmates nya kasi bago pa lang nman nagstart ang pasukan.
Marami pala silang HRM students almost 1500 students in two department. Hinati sa dalawang department iyong HRM. Ang Night at day classes department.
Kanya kanyang umpukan ang mga bagong classmates nya. Mayroon din silang kaklase na irregular students at iyong iba ay nag-shift sa kurso nila.
"Good evening class! Am sorry for being late tonight. I had a important meeting outside the campus. "Ang narinig ni Sabrina na wika ng Prof na kadarating lang at may baritonong tinig.
Bigla lang napabilis ang tibok ng puso nya gaya ng naramdaman nya kanina sa may labas ng campus gate.
Mula sa pagkakayuko dahan dahang nyang inangat ang kanyang paningin patungo sa nagsalitang guro na agad pumunta sa harapan at nakamasid na sa kanilang lahat. Nakangiti ito na lalong nagpakaba sa kanya. Di nya tuloy napigilang mapatulala rito.
Moreno ito at may tantalizing eyes pa. Tila ba nangungusap ang mga tingin nito kung matitigan na. Matangkad na katamtaman lamang ang pangangatawan. Pero halatang maganda ang hubog ng katawan nito sa suot nito. Na ikinalunok nya ng kanyang laway.
Nakasuot ito ng Polo shirt na naka tuck in sa jeans nito.
Ang mga mata nito ay tila nakangiting sa kanila kahit di nman ito nakangiti.
Di nya malaman kung bakit in-assess nya ito ng ganoon na lamang.
"OK class. Am your new Prof on P.E. Am Mr Dylan Suarez... "ang pakilala nito sa sarili. Bahagya pang napangiti na ikinalabas ng biloy nito sa pisngi.
Nalaglag bigla ang panga ni Sabrina ng marinig ang sinabi nito. Ito iyong lalaking nagpapasok sa kanya sa gate kanina kung di sya nagkakamali.
Di nya inalis ang pagkakatitig rito. Bawat kibot ng bunganga nito or compass ng kamay nakasunod ang kanyang paningin.
Kaya nman nagulat pa sya ng may biglang kumalabit sa kanya.
"Miss tinatanong ka ni sir kung bakit ayaw mong magpakilala. Ikaw na lamang ang di pa nagpapakilala. "Ani ng isa sa student na nakaupo sa harapan nya.
"H-huh? "Ang napautal nyang sabi rito na ikinapanlaki agad ng mata nya ng magrehistro sa kanyang utak ang sinabi nito.
"Shit dahil sa kagagahan ko di ko tuloy napansin ang mga nangyayari sa aking paligid! "Ang inis nyang usal sa sa kanyang isipan sabay napatayo at napatindig ng tuwid. Ramdam nya ang panginginig ng kanyang tuhod at magkahalong kaba. Isama pa ang kahihiyang nadarama nya ng mga sandaling iyon.
"Oh am so sorry sir.. By the way am Sabrina Reyes ,18 years old. "Ang sabi nya na di makatingin sa Prof na nakapako ang mata sa kanya. Kimi syang napangiti sa kanyang mga kaklase na nakapokus nman ang paningin sa bagong guro nila.
"OK. Thanks Sabrina. "Wika nito na ipinagpatuloy ang iba pang sasabihin sa kanila matapos nitong ialis ang paningin sa kanya.
Natapos ang mga sinabi nito na wala syang naintindihan. Nainis sya sa kanyang sarili.Tila ba nasa alapaap sya at bigla na lang na mental block. Nabagabag ang kanyang damdamin dahil doon.
"Shit! Stagnant brain ata meron ako ngayon ah! "Sabi nya habang papalabas ng classroom.
Sya ang medyo nahuli sa paglabas kasi nakaupo sya sa hulihang bahagi ng class room.
"Pardon miss? What did you say? "Ang wika ng Prof nila sa nasa kanyang likuran pala nakasunod.
Nagulat sya ng malingunan ito. Bigla syang pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Di nya man lang na sense na nasa likuran nya na pala ito at tinatanong sya.
"Huh? Ah eh wala po sir. "Ang napapahiya nyang wika rito sabay napangiwi.
"I thought I heard something. You're murmuring."sabi nito na napatitig sa kanya. Pilit itong umaagapay sa kanyang paglalakad.
"Am s-singing s-sir. "Ang bigla nYang palusot na sabi rito. Saka medyo binilisan nya ang kanyang mga hakbang palabas ng university.
Di nya alam na malalaki rin pala ang mga hakbang na ginawa nito. Sinasabayan sya sa paglalakad.
"Are you in a hurry? "Ang napakunot noo nitong tanong sa kanya.
"Huh? Ah yes sir. Gabi na kasi baka wala ng papayag na driver na ihatid ako sa amin. "Ang bigla nyang naipaliwanag rito.
"Bakit? "Ang patuloy pa rin nitong sabi sabay agapay sa paglalakad nya hanggang marating nila ang labasan ng campus.
"Ewan ko ba sir di ko alam sa mga driver motors na nakapili sa labas kung bakit ayaw nila akong ihatid. Sya dito na po ako sir. Mauuna na akong umuwi. "Paalam nya rito at nag-abang ng ibang masasakyan.
Nagtaka pa sya kung bakit di agad ito sumakay, nilapitan nito ang isa sa mga driver ng tricycle na nakahelira sa labas ng campus. Kinawayan sya nito, pinapalapit sa kanya na agad syang napatalima.
"Dito ka na sumakay. Ako na ang bahala sayo. "Nakangiti nitong wika sabay baling sa driver noon. Walang salita syang pumasok at naupo sa loob ng sasakyan matapos syang magpasalamat rito.
Kinausap nito ang driver, di nya marinig masyado ang pinag-uusapan ng mga ito kasi umaandar na ang sasakyan.
Maya maya nakita nyang sumakay na ito sa ibang tricycle at kinawayan sya. Napilitan syang kawayan din ito sabay ngiti dito ng matipid.
"Manong ito pong bayad ko oh "sabi nya sabay abot rito ng pera.
"Ay bayad ka na miss. Binayaran na ako ng lalaking kausap ko kanina. "Wika ng driver.
"Ayy ganun po ba.. "ang tangi nyang nasabi rito.
Wala syang nakita kanina na may inabot ito sa driver habang kausap ito. Bakit kaya binayaran nito ang pamasahi nya? Ang nagtatakang tanong nya sa isip.
"Eh di thank you. Bayad na ang sasakyan ko ng di ko man lang nalalaman! Hayyy what a day! "Ang napabuga nyang wika sa kawalan.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon