Pa-victin

1 0 0
                                    

Finally, nakahanap siya ng lalaking tatratuhin siya nang maayos.
Kami pa nung pumayag siya mag-paligaw sa lalaking yun. Hindi ko naman siya masisisi kung naagaw niya sa 'kin ang girlfriend ko eh. Hindi ko rin naman siya sisisihin kung nagpa-agaw siya. Basura kasi ako. Basura ko siya itrato. Palagi ko siyang pinapaiyak, sinasaktan, ginagago, etc. Sariling kasiyahan ko lang ang iniisip ko. Nagagawa ko pang mag sinungaling para lang magawa ko ang gusto ko. So ano pang ieexpect ko, diba?
Actually, ilang beses na niya akong binigyan ng chance para magbago, hindi na siguro mabibilang sa kamay, pero lahat yun sinayang ko. So alam kong deserve ko 'to. Deserve kong iwanan.
Enough with the bitterness. I mean, may mga taong pavictim kapag iniiwanan ng taong mahal nila, sila pa yung may ganang magalit at manira. Feeling alone kasi wala na yung taong umiintindi sa mga katarantanduhan nila. Though, alam nila sa mga sarili nilang basura sila sa relasyon (kagaya ko). Hindi man natin gustuhin, tayo rin ang nag push sa kanila na makahanap ng taong makakaappreciate sa kanila at hindi sila itatrato na parang tae.
Kaya kung ayaw niyo iwanan din kayo dahil sa mga kashitan ng ugali niyo, umayos kayo.

Random stories Where stories live. Discover now