Princess' POV
1am na pero wala pa rin si Tom. Kanina pa ako hindi makatulog dahil hindi pa siya dumarating.
Chineck ko ang cellphone ko pero wala man lang text o tawag mula sa kanya.
Arrrggg. Nag-aalala ako para sa kanya. Baka naman kasi may nangyari nang masama sa kanya tapos hindi pala namin alam.
Nag-aalala?
Oo. Nag-aalala ako. Ewan ko basta nag-aalala lang ako.
*pit* *pit*
Nakarinig ako ng magkasunod na busina ng kotse.
Lumabas ako para silipin kung sino yon, hindi kasi yon ang busina ni Tom eh.
"Vince?"
"P-princess. Pasensya ka na*hik, ngayon lang uuwi *hik ang asawa mo." lasing na ata tong si Vince.
"Ha ah eh... Nasaan na siya?"
"Nandito sa loob. *hik. Pakikuha na lang. Uuwi na rin ako."
Inalalayan ako ni Vince habang binababa namin si Tom mula sa kotse.
Ang bigat naman nitong kumag na ito. Sakit na ng braso ko habang inaakyat namin siya sa taas ng kwarto.
"Oh, paano ba yan Princess, uwi na ako ha? Maiwan ko na si Tom. Lasing na *hik lasing talaga yan." pamamaalam ni Vince.
"Ah ohsige. Ingat ka ha. At salamat sa paghatid kay Tom."
"Sige, bye."
Pagkaalis ni Vince ay kumuha ako ng palanggana na may malamig na tubig at bimpo. Pinunasan ko si Tom kasi amoy alak na kasi siya eh.
Ang gwapo niya. Binuksan ko na ang polo niya. Wow. Six pack! Ang ganda talaga ng katawan niya. ulalam...
"Tom, kahit na sinasaktan mo ako. Ang gwapo mo pa rin. Pahalik nga." At hinalikan ko siya sa labi. " Mahal na mahal kita!" nagulat sa sinabi ko kung kaya't dali dali akong bumaba sa kama at nahulog.
Ouch. Sakit ng balakang ko.
Huhuhuhuhhuuh. katakot takot na pasa ang aabutin ko....
Matapos kong palitan ng damit si Tom ay pinunasan ko pa siya hanggang sa nakatulog na pala ako.
A/N: Thank you sa mga nagbabasa. Iba pala talaga ang feeling kapag may nagbabasa ng mga gawa mo. Kayo po ang inspiration ko. :) :)