My life is a mess. Can someone be with me?
Napangiti si Michael nang mabasa ang message ni Amaris sa GC nila. Maganda, matalino at may kaya sila Amaris. May pangalang The First ang kanilang group chat dahil lahat ng miyembrong narito ay mga nangunguna sa lahat; sa top, sa sports, sa recitation, sa iba't ibang subject, sa newpaper, at kahit sa ano pa man sa loob ng kanilang eskuwelahan. Basta may nanguna ka, kahit minsan lang, isasama ka na kaagad sa The First. Halos, dawampu pa lang naman ang miyembro nito.
Matagal nang crush ni Michael si Amaris. Ito ang tipikal na nangunguna talaga; sa ganda at talino. Siya naman, sa yaman. Well, guwapo naman siyang maituturing at matangkad. Minsan na rin siyang nahirang na escort nung first year at second year high school sila. Nadaig na lang siya ni Axel na isang transferee, at siyang kasalukuyang boyfriend ni Amaris.
Agad siyang nagpadala ng private message sa dalagita.
Do you need company? I'm free.
Nilagyan niya pa ng please emoticon ang dulo niyon. Sunud-sunod ang notification na natatanggap niya mula sa iba't ibang babaing kaniyang nilalandi, pero hindi niya binigyang pansin ang mga iyon at mas tutok siya ngayon kay Amaris. Ito ang priority niya sa lahat.
"Hi, I'm Michael." Nakangiting inilahad niya ang kamay sa transferee na nakaupo sa kaniyang kanan. Tipid na ngumiti ito at tumango, bago iniabot ang kamay ni Michael at nakipagkamay. "Amaris."
"Nice name." Ayaw pa sana niyang bitawan ang palad nito pero agad nitong binawi iyon. Napakalambot ng kamay ni Amaris, mamula-mula ang pisngi niyang napakakinis, pati na rin ang kaniyang balat. May kabilugan man ang kaniyang mga mata, bumagay iyon sa makipot niyang labi. Napakaganda niya sa paningin ni Michael.
"Thank you." Kasabay ng kaniyang pagngiti ay ang paglabas ng kaniyang dalawang maliit na biloy sa magkabilang gilid ng kaniyang labi. Naisaloob ni Michael, nais niyang maging kaniya ang babaing ito.
Subalit, hindi nagkakatotoo ang nais ni Michael. Nang simulan niya kasing ligawan ang babae, sinabihan siya nito na hanggang kaibigan lang ang puwede nitong maibigay. May mas priority itong iba, lalo pa at sobrang higpit ng ina nito. Nakuntento na lang si Michael at nakipaglapit na lang kay Amaris. Nasaksihan din naman niya kasi ang pambabasted nito sa iba pang nagtangkang ligawan ito.
Sige. Saan tayo?
Dalawang minuto ang lumipas bago ito sumagot. Agad na nagtipa si Michael ng isasagot dito.
Sa bar ni kuya. May VIP room na puwede tayo.
BINABASA MO ANG
I'm Sorry: Amaris's Death
Horor"I'm sorry... " Patatawarin kita, kung sasama ka sa impyerno!