Mabilis na pinaharurot ni Michael ang sasakyan sa kalaliman ng gabi. Maluwang ang kalsada at mukhang napakalayo na nila sa Maynila.
"Fafa Michael, where we're going ba? Kanina pa tumatawag ang mommy ko sa 'kin. Puwede bang umuwi na tayo?" Alanganing sumulyap si Troy kay Michael na madiing nakahawak sa manibela at sa hawak na cellphone na patuloy sa pagri-ring. Halos nakaka-sampung tawag na ata ang mommy at ate niya pero hindi niya sinasagot. May mga text na rin ang mga ito at mga nag-aalala na kung nasaan na ba siya sa madaling-araw na iyon.
"Oo nga, Michael. Kanina pa rin ako tinatawagan ni Dad, saan ba tayo pupunta?" Ramdam ni Kiko ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kanang bulsa. Pero, tinext niya naman ang daddy niya na kasama niya si Michael. Pero, pagkalipas ng isang oras, tumatawag na ito at halos nakakalimang tawag na pero di niya pa rin sinasagot.
Hindi naman umiimik si Pam sa kaniyang puwesto. Hindi na siya umiiyak, pero tulala lang na nakatingin sa kawalan. Rinig na rin niya ang ringtone ng kaniyang cellphone, pero hindi niya sinasagot. Alam naman niyang ang mommy ni Amaris iyon. Wala namang pakialam ang tita niyang nagpalaki sa kaniya. Hindi niya alam ang sasabihin sa mommy ni Amaris. Mag-iisip pa siya dahil ayaw niyang magsinungaling dito.
"Tahimik! Kailangan maidispatsa muna ang katawan ni Amaris bago..."
Hindi naituloy ni Michael ang sasabihin dahil isang malakas na kalabog ang kanilang narinig. Parang malakas na pagpukpok ng isang bagay. Napasigaw si Troy, samantalang halos sabay na napalingon sina Pam at Kiko sa likurang bahagi ng sasakyan. Nagkatinginan pa sila na parang sa trunk galing ang kalabog. Ilang saglit pa at dalawang sunod na kalabog muli ang kanilang narinig kaya napahiyaw na si Pam at Troy. Nasigawan naman ni Kiko si Michael na ihinto muna ang sasakyan.
Kinakabahan na rin si Michael kaya nagmenor siya at tuluyang inihinto sa gilid ng daan. Iniwan niyang bukas ang makina at headlights ng kotse. Bukas ang ilaw sa loob at walang nais magsalita isa man, nagpapakiramdamdaman sila. Napalunok si Troy at napalingon sa likuran, mga nakatingin din si Pam at Kiko sa bandang likuran; bukas ang tail lights at wala naman silang makitang kakaiba. Napakadilim sa bahaging iyon at mukhang hindi daanan ng sasakyan. Masukal din ang magkabilaang gilid at naririnig pa nila ang kuliglig at ilang panggabing insekto.
"Ano 'yun? Guys, may... narinig tayo, 'di ba?" naiiyak na si Troy sa sobrang kaba. Walang ibang laman ang trunk kung hindi ang pira-pirasong katawan ni Amaris.
"Oo, tatlong beses pa. Imposibleng nagalaw lang 'yun dahil masiyadong siksik na. Puwera na lang kung..." Nahihintakutan ang histura ni Pam nang tumingin sa tatlo. Bakas din sa mukha nina Kiko at Troy ang takot.
"Puwera na lang kung ano, Pam? Si Amaris ang may gawa? Ano, 'yung kamay niya kusang pumukpok sa trunk?" Nakuha pang ngumisi ni Michael at napailing.
"Gago ka talaga kahit kailan!" akmang sasampalin ni Pam si Michael ng isang kalabog na naman ang kanilang narinig sa likurang bahagi ng sasakyan. Sa pagkakataong ito, malakas at parang galit ang may gawa niyon.
Kasabay ng sigawan ay ang paglabas ng tatlo sa kotse. Naiwan si Michael na pinatay muna ang makina pero iniwang bukas ang mga ilaw. Kinuha ang baril sa bulsa at ang flashlight sa dashboard. Pinindot niya ang open button para sa trunk bago lumabas.
Diretsong tinungo ni Michael ang trunk habang sina Troy at Pam ay magkayakap na umiiyak sa isang gilid at sinasambit ang pangalan ni Amaris. Sumunod si Kiko kay Michael na inihagis sa kaniya ang flashlight, sinenyasan na ilawan siya. Hawak nang mahigpit ni Michael ang baril sa kanan at hinawakan na ng mahigpit ang handle ng trunk. Nagkatinginan sila ni Kiko at itinutok nito ang flashlight sa trunk habang ang baril naman ang kay Michael. Isang mabilis na pagbukas ang ginawa niya at sabay nilang itinutok ang kanilang hawak sa loob ng trunk, subalit, tanging mga itim na garbage bag ang naroon. Marahang hinawi ni Michael ang mga iyon at tsinek ang bawat sulok ng trunk, subalit wala namang kakaiba roon.
"A-ano, may nakita ba kayo?" may kalakasang saad ni Pam. Nanatili silang may kalayuan sa sasakyan.
Hindi sumagot si Michael, bagkus ay pabiglang isinara ang trunk. Muntik pang maipit si Kiko, buti na lang at nailayo na niya ang kaagad ang kamay na may hawak ng flashlight.
"WALA! Kaya bumalik na lang kayo sa loob!" at isa-isa niyang tinutukan ng baril ang tatlo. Umiling-iling si Troy at Pam.
"Hindi! Narinig mo, narinig nating lahat ang malakas na pagpukpok kaya imposibleng wala lang 'yun!" saad ni Pam. Pumuwesto naman si Troy sa likuran niya at nahihintakutang humihikbi.
"E, 'di ikaw ang tumingin! Nagmamagaling ka pala!" At habang nakatutok dito ang baril ay lumalapit siya sa kinaroonan nina Pam at Troy.
"Dude, tama na 'yan. Halika na, kung itatapon ang bangkay ni Amaris, itapon na natin para matapos na at makauwi na tayong lahat," mahinahong saad ni Kiko. Lumapit siya sa likuran ni Michael subalit isang dipa ang layo.
Nakatiim ang bagang na sinenyasan ni Michael na pumasok na ang dalawa sa loob ng kotse gamit ang baril. Lumunok ng paulit-ulit si Pam at naniningkit ang matang napaigtad nang sigawan sila ni Michael ng bilis! Napipilitang bumalik sila sa loob ng kotse habang salit-salitang itinututok sa kanila ni Michael ang baril. Nang makapasok na ang tatlo, saka lang siya pumuwesto sa driver's seat.
"Hindi ko naman talaga gustong gawin ito sa inyo. Basta pagkatapos nating maitapon si Amaris sa malayo, kalimutan na natin ang lahat ng ito. Parang walang nangyari." At nilingon niya si Kiko na siya nang nasa passenger's seat at sina Kiko at Pam ang nasa likuran. Bago iistart na muli ang sasakyan, inayos niya pa ang rear mirror at para bigyan na rin ng babalang tingin ang dalawa. Parehong nakasiksik sa magkabilaang gilid ang dalawa; si Troy na patuloy sa paghikbi, samantalang tahimik lang si Pam, pawang sa bintanang salamin nakatingin ang dalawa.
Paismid na inistart na ni Michael ang kotse at tumingin pa sa gilid na bintana. Subalit, nakailang subok na siya ay hindi pa rin iyon gumagana. Nakakunot ang noong sinubukan niya ulit, subalit ayaw pa rin iyong mag-istart.
Naiinis na himapas niya ang manibela kasabay ng pagsambit ng buwiset.
"Bakit, dude?" nakakunot na rin ang noong sinulyapan ni Kiko ang meter gas, mayroon pa naman ito. "Ayaw mag-istart?"
Yamot na sinubukan muli ni Michael subalit, ayaw talaga.
"Ayaw tayong paalisin ni Amaris." Walang emosyong saad ni Pam. Nanatili siya sa puwesto samantalang nayakap ni Troy ang sarili dahil nahihintakutan sa narinig.
"Tumigil ka nga, Pam! Ite-tsek ko ang makina." Inihagis niya ang flashlight kay Kiko. Naiiling na sumunod ang huli pagkatapos na bumaba si Michael.
"Marunong ka ba?" saad ni Kiko habang iniilawan ang makina na sinisilip-silip naman ni Michael. Umiling si Michael kaya napaismid si Kiko. "E, paano mo malalaman kung alin ang sira?" patagilid na sumandal si Kiko sa bandang kaliwa ni Michael.
"Basta. Itutok mo nga rito!" yamot ang boses na saad ni Michael.
Napapailing-iling si Kiko. Mayamaya pa ay bumuntong-hininga si Michael. Lumayo si Kiko dahil isasara na iyon ng huli. Pabagsak na isinara ni Michael ang hood. Inis na sinabihan ni Kiko itong magdahan-dahan dahil kotse iyon ng tatay niya. Hindi naman iyon pinansin ni Michael bagkus ay napaatras ng bahagya habang nakatingin sa windshield, partikular sa loob.
Kitang-kita niya si Amaris na nakaupo sa gitna nina Troy at Pam. Duguan ang mukha nito at galit na nakatingin sa kaniya!
*pcto*
I'm Sorry:
Amaris's Death
2017
Jhavril
BINABASA MO ANG
I'm Sorry: Amaris's Death
Horreur"I'm sorry... " Patatawarin kita, kung sasama ka sa impyerno!