Natutulalang napatitig si Michael sa galit na mukha ni Amaris. Parang balewala naman sa dalawang katabi nito dahil mukhang hindi nila ito napapansin.
"Dude, okay ka lang?" Sinundan ni Kiko ang tinitingnan ni Michael, pero sina Pam at Troy ang nakikita niya na pawang tahimik sa magkabilaang gilid ng kotse.
Napalingon si Michael sa bandang kaliwa niya at nang ibalik niya ang paningin sa kinaroroonan ni Amaris, wala na ito roon. Umiling lang siya bilang tugon kay Kiko at walang salitang tinungo ang driver's seat. Tahimik lang silang apat. Ibinalik niya sa bulsa ang baril at huminga ng malalim. Sinubukan niya muling iistart ang sasakyan. Wala pa ring ipinagbago, ayaw umistart nito.
Ilang subok pa pero bigo si Michael. Inis na kinuha niya ang cellphone at idinayal ang numero ng kanilang driver. Subalit, tanging busy tone lang ang kaniyang naririnig. Nakasimangot na tsinek niya ang cellphone at basta na lang inihagis sa kandungan nang nagulat na si Kiko nang makitang walang signal. Napapahawak sa batok na inutusan niya si Kiko na siya na ang tumawag sa driver nila.
"Wala na tayong kawala pa. Kasalanan mo ito!" At galit na tiningnan ni Pam si Michael gamit ang rear mirror. Galit ding gumanti ng tingin si Michael kay Pam at itinaas ang gitnang daliri patungkol sa dalagita. Hindi na nagkomento si Pam at bumalik na lang sa puwesto; nakasandal sa salaming bintana at sa labas nakatingin.
"Ano?! Nakontak mo ba?" Binalingan ni Michael si Kiko na kanina pa dayal nang dayal. Umiling ito at sumenyas ng sandali lang. Binuksan nito ang pintong nasa gilid at lumabas. Itinaas niya pa ang cellphone at naglakad-lakad. Nagbabakasaling makasagap ng signal.
Hayop ka!
Napaangat na muli ang paningin ni Michael sa salaming nasa bandang uluhan at galit na tiningnan si Pam. "Anong sabi mo? Sinong hayop?!" may kalakasang saad niya.
Nakakunot-noong sumulyap ang dalawa sa galit na si Michael.
"Anong pinagsasabi mo? Nananahimik ako!" saad ni Pam at napalingon sa gawi ni Troy na nagkibit-balikat lang.
Inis na iginalaw ni Michael ang rear mirror kay Troy kahit pa sigurado siyang babae ang boses na narinig niya. Subalit, sa pagdaan nito sa gitna ay nakita na naman niya si Amaris. At sa pagkakataong ito, nakangiti ito nang malawak. Tumutulo pa sa gilid ng labi nito ang pinaghalong laway at dugo. Kita rin ang hiwa sa leeg nito at umaagos din ang masaganang dugo, pababa sa dibdib nito.
Kahit nanginginig sa takot ay matapang na nilingon ni Michael ang likuran, subalit, blangko iyon.
"Ano bang problema?" Hindi na nakatiis na saad ni Troy. Kita niya ang takot sa mukha ni Michael. Nagkakatinginan sila ni Pam ng hindi inaalis ni Michael ang pagkakatingin sa pagitan nila.
Napaigtad pa sila ng biglang pumasok si Kiko at isinara ang pinto ng may kalakasan.
"Walang signal." Inis na ibinalik niya ang cellphone ni Michael sa dashboard at nagtatakang nagpasalit-salit nang tingin sa tatlo. "Bakit?"
"Lumabas kayo ni Troy. Maghanap kayo ng taong tutulong sa atin." Balewalang sumandal ito sa upuan at humawak nang mahigpit sa manibela gamit ang dalawang kamay.
"Jusko! Sa'n naman kami hahanap ng tutulong sa atin sa..." Sinulyapan pa ni Troy ang orasang nasa hawak na cellphone, "alas dos ng madaling-araw?" may inis sa boses nito at parang nagdabog pa sa pag-ayos ng upo.
"Oo nga, dude. Halos puro puno at gubat ang narito at..." inilibot pa ni Kiko ang paningin sa labas ng bintana.
"Wala akong pakialam kung saan kayo makakakita! Basta, maghanap kayo! Labas na!" Sinasabay pa ni Michael sa malakas na boses ang paghampas niya nang paulit-ulit sa manibela.
"Sumosobra ka na! Kung gusto mo, ikaw ang humanap ng mag-aayos." At mabilis na lumabas ng kotse si Kiko at pabalibagbag pang isinara ang pinto.
"Aba't... Gago! Magpapahiram ka lang kasi ng kotse, bulok pa!" At inis na binunot nito ang baril at lumabas. Nagkatinginan naman ang nahihintakutang dalawa kaya napalabas na rin sila para awatin ang maaaring mangyari.
Nakapameywang sa gilid ng kalsada si Kiko habang palapit naman sa kaniya si Michael na nakatutok ang baril. Ikiniling pa nito ang ulo sa kanan at maangas na nag-utos.
"Maghanap na kayo! O, kung gusto mo, isusunod kita kay Amaris, pati pamilya mo!" ngumisi pa si Michael at parang may sa demonyong naningkit ang mga mata pagkatapos.
"Ahm... guys! Puwede namang ano... dito na lang natin itapon si Amaris. Sa gubat? Or somewhere out there?" alanganing saad ni Troy at nakakapit nang mahigpit sa braso ni Pam.
"Or, sumuko na lang tayo! My god, di ba kayo nakukunsensiya? Kaibigan natin si Amaris!" Nagsisimula na namang bumalong ang luha ni Pam. Naaalala na naman niya ang ginawa nila sa kaibigan.
Sa kaniyang matalik na kaibigan.
*pcto*
I'm Sorry:
Amaris's Death
2017
JhavrilBukas na lang po ang kasunod. 😉
BINABASA MO ANG
I'm Sorry: Amaris's Death
Horror"I'm sorry... " Patatawarin kita, kung sasama ka sa impyerno!