AD 10

2.7K 116 110
                                        

May lamp post malapit sa kinatatayuan ni Michael kaya kitang-kita niya ang mga garbage bag na kinalalagyan ng pinagpira-pirasong katawan ni Amaris ang naroon. Parang hindi tinanggal at kung ano ang ayos noong inilagay nila iyon doon, ganoon na ganoon ang itsura.

Hindi inalis o walang bahid ng pagtanggal.

Napasigaw si Michael at walang sabi-sabing pinagbabaril niya ang loob ng trunk. Ubos na ang bala pero hindi niya pa rin tinitigilan. Nang mapagtantong wala ng bala ay ibinato niya ang baril sa kung saan at binalak tanggalin ang mga plastik sa sasakyan. Subalit nang hawakan niya ang isa, isang kamay ang pumigil sa kaniya mula sa loob niyon. Binalak niyang tanggalin subalit lumitaw sa isang plastik ang ulo ni Amaris habang masama ang tingin sa kaniya. Puno man iyon ng dugo ay kitang-kita niya ang nanlilisik nitong mata habang mahigpit na hawak ang isa niyang braso.

Saglit na hindi nakahuma si Michael nang makitang nagbago ang aura ni Amaris, lumambot iyon at isang mahinang bakit ang sinambit nito.

Biglang nag-flashback sa utak ni Michael ang lahat ng pinagsamahan nila ni Amaris. Mula ng magkakilala sila hanggang sa maramdaman niyang mahal na niya ito. Mga ngiti nito at tawa, ang mukha nitong napakaamo na sobra niyang minahal.

Hindi namalayan ni Michael na tumulo na ang kaniyang luha. Napailing-iling siya at nakaramdaman ng pagsisisi sa kaniyang ginawa sa kaibigan at babaeng mahal.

"Michael!"

Isang malakas na pagtawag ang nakapagpalingon kay Michael sa kinaroroonan nina Pam. Nanlalaki ang mga mata nila at pilit siyang pinaalis sa kinatatayuan sa pamamagitan ng pagwasiwas ng kamay at pagtingin din sa kaniyang likuran.

Paglingon ni Michael sa likuran, isang nakasisilaw na liwanag ang palapit sa kinalalagyan niya kasabay ng sunod-sunod na pagbusina nang malakas. Parang bumagal ang paligid sa kaniya at isa iyong truck na mukhang nawalan ng preno. Sinesenyasan siya ng driver na umalis na siya roon.

Hinawakan niya ang kamay ni Amaris na mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang braso. Subalit, imbes na tanggalin iyon ay napahinga siya ng malalim at mas lalo pang hinigpitan ang pagkapit sa kamay nito. Tinitigan niya si Amaris na ngayon ay matalim nang nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry..." mahinang sambit ni Michael.

Kasabay ng pagpikit ni Michael ay ang pagtulo ng kaniyang luha. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagbangga ng isang matigas na bagay sa kaniyang likuran.

At ang pagkawala na rin ng kaniyang buhay.

***

Tulala ang tatlo nang masundo na sila ng kani-kanilang pamilya. Halos wala rin salitang namutawi sa kanila habang tinatanong sila ng mga kapulisan na pumunta rin doon. Panay tango at iling lang ang kanilang tugon. Pinayagan na muna silang magpahinga at sa susunod na araw na lang ulit sila tatanungin.

Bago sumama sa kaniya-kaniyang pamilya, nagkatinginan pa ang tatlo, at parang iisa ang nasa isip; huwag ng ipaalam ang kamatayan ni Amaris.

Nang tanggalin mula sa ilalim ng truck ang katawan ni Michael, walang bakas ng kahit plastik ng garbage bag doon. Tanging sasakyang yupi at walang buhay na si Michael.

Madali ng sabihin na naligaw sila at nakarating dito. Naubusan ng gas ang sasakyan kaya itinirik sila sa gitna ng daan. Nawalan ng preno ang truck at hindi na nakaalis si Michael na nasa tabi ng sasakyan sa mga oras na iyon. Kaya siya lang ang namatay.

Pagal na sumandal sa kani-kanilang sasakyan ang tatlo. Umupa ng taxi ang tita ni Pam na katakot-takot na mura at palihim na kurot ang ibinibigay sa kaniya bago pa man siya makaupo sa likod. Nagbingi-bingahan na lang siya sa mga sinasabi nito at pilit na pinamamanhid ang pakiramdam sa mga nangyari.

Napasulyap siya sa orasang nasa dashboard ng taxi; pasado alas sais na ng umaga. Maliwanag na ang paligid pero ang kanilang pakiramdam at utak ay sadyang napakadilim.

Tikom din ang bibig ni Troy na pilit na inuusisa ng kaniyang pamilya, subalit, pinili niyang pumikit at palihim na umiyak. Dalawang kaibigan ang nawala sa kaniya.

Hindi rin makausap ng matino si Kiko. Nagbanta naman ang kaniyang ama na kakastiguhin siya pagdating sa bahay lalo pa at pinagbantaan din sila ng ama ni Michael na ipakukulong sila kahit pa aksidente at menor de edad silang lahat.

Hindi kasi nito matanggap na wala na ang bunso nilang anak na si Michael. At sa malagim na kamatayan pa nagtapos ang buhay nito.

Hiling ng kanilang puso, matahimik na ang kaluluwa ng dalawang nasawing kaibigan. Lalo na si Amaris.

At ang akala nilang wakas na ay siya palang umpisa ng kanilang kalbaryo.

---end---

---end---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*pcto*

I'm sorry:
Amaris's Death
2017
Jhavril

Yay! Sunod na ang kuwento ng I'm Sorry: Puzzeled Out. Sana masubaybayan n'yo rin!

Maraming tenkieeeee! Muah! Muah!

---jhavril is now signing-off---

I'm Sorry: Amaris's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon