Halos hindi na makagulapay si Amaris sa sobrang kalasingan. Mahina talaga siya pagdating sa alak.
"Hoy, Amaris. Grabe, kahit kailan talaga ang hina mo sa alak." Tinapik-tapik pa ni Pam ang mukha ng kaibigan, pero nanatili na itong tulog sa mahabang sofa. May kalakihan ang VIP room na inookupa nila. Nagkalat na nga ang mga basyo ng bote at ilang upos ng sigarilyo. May videoke pa sa unahan at tanging si Troy lang ang kumakanta. Sound proof ang lugar kaya sila-sila lang din ang nagkakarinigan at hindi rin nila naririnig ang ingay sa labas.
"Hay naku, girl. Hayaan mo na 'yan. Heto o," napaangat ang mukha ni Pam sa pilit na iniaabot na bote ng alak ni Troy. Buti naman at nanawa na sa kakakanta.
"Ikaw, tipsy ka na rin. Tingnan mo nga 'yang lipistik mo, kalat-kalat na." At isang malakas na tawa ang ibinigay ni Pam bago pa man abutin ang bote ng alak at umayos ng upo. Nanatiling nakabaluktot pakanan si Amaris at nakalaylay ang mga kamay sa gilid ng puting sofa. Sa bandang paanan ni Amaris nakaupo si Pam habang sa kanan niya si Troy.
"Gaga! Hinalikan kasi ako ni Michael. Torrid!" pabulong na saad nito bago sinundan ng shhh ang sinabi. Nakangiwing tumungga sa bote si Pam at namumungay ang mga matang pinunasan gamit ang likod ng kamay ang bibig.
"Ilusyunadang bakla 'to! Hoy, kahit maghubad ka sa harap ni Michael, never, never..." umiiling-iling pa at pabiglang sumandal sa sofa si Pam. Napapangisi siya sa inis na itsura ni Troy habang nakatingin sa kaniya.
"'Tsura nito. Akala mo sa voluptuous body ko, pinagkakaguluhan ito, ineng." At tumayo pa ito sa harap ni Pam at inis na nameywang. Ibinalandra pa ang may kapayatang katawan nito sa natatawang dalagita.
"O, nakatulog na si Amaris?" bahagyang yumuko si Kiko para gisingin sana ito. Pero, hinawakan siya sa balikat ni Michael.
"Ako na."
Nagkibit-balikat si Kiko at tumabi para si Michael ang bumuhat kay Amaris. Pinatayo niya si Pam, pero umusog lang ito sa dulo ng sofa. "Saan mo siya dadalhin?" kagyat na napatayo si Pam at binalak na pigilan si Michael na ngayon ay buhat na ang wala pa ring malay na kaibigan.
"Dadalhin ko lang sa kuwarto." Inginuso nito ang isang pintong nasa gilid ng videoke machine. "Masiyadong masikip sa sofa mangangalay siya." At agad na nitong tinungo ang pinto. Pero sumunod si Pam dito, sabay sabing sasama na rin siya sa mga ito. Sumenyas naman si Michael kay Troy na pigilan si Pam.
"Girl naman, ang dami pa nung alak, o. Di keri ng beauty ko ang pagkalasing ng sobra. 'Yaan mo na 'yan si Amaris, safe 'yan kay fafa Michael." Kumindat pa ito at inakbayan si Pam palayo sa pinto. Parang nag-aalinlangan pa si Pam at palingon-lingon pa sa ngayon ay nakasarado ng pinto ng extension room sa VIP room na iyon.
"Your friend is safe with Michael. Well safe." Kumindat pa ito at makahulugan pang ngumisi si Kiko bago tumungga sa bote ng alak.
"Bakit parang kinabahan ako, Kiko sa well safe na 'yan." Biglang tayo ang ginawa ni Pam nang kauupo-upo lang katabi si Troy na napatayo rin nang makitang pasugod na sa pinto ang babae.
"Hep! Nah, huwag mo na silang sundan. Let's party na lang." Humarang ito sa daraanan ni Pam at hinila ang braso nito pabalik sa mahabang sofa.
"Cheers!" itinaas ni Kiko ang hawak na bote na sinegundahan naman ni Troy at siniko pa nito si Pam na matamlay na itinaas ang bote.
Nag-alala talaga siya kaibigan.
***
Nakangiting pinagmamasdan ni Michael ang tulog na tulog na dalagita. Napakaganda talaga nito kahit pa nakapikit ang mga mata. Napadako ang mga mata niya sa medyo nakaawang nitong labi. Parang nahihipnotismong ibinaba ni Michael ang mukha upang abutin ang labing matagal din niyang inaasam-asam. Napakalambot ng labi nito at napakabango ng hininga kaya mas lalong nilaliman ni Michael ang paghalik. Kahit medyo kinakabahan siyang baka magising ito at magalit sa kaniya, kinuha na niya ang pagkakataong iyon para makuha ito.
Napahinto si Michael sa paghalik nang gumalaw si Amaris, umungol din ito at ibinaling-baling ang ulo, pero bumalik din naman sa kaniya paharap. Ilang segundong hindi gumalaw si Michael, pinagmasdan lang ang magandang dalagita at sinamyo-samyo ang mabangong hininga nito. Nang naging payapa na ulit ang pagtulog nito, sinakop na muli ni Michael ang labi nito at mas naging agresibo sa paghalik.
Nang magsawa ay umayos ng upo, nanginginig na sinimulang tanggalin ang butones ng blouse nito. Napapalunok siya at butil-butil na pawis ang nagsimulang mamuo sa kaniyang noo pero pinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa. Tumambad sa kaniyang paningin ang itim nitong bra. Hinihingal sa sobrang lakas din ng tibok ang kaniyang puso, subalit ipinasya niya pa ring lalong ibuka ang blouse nito upang mas masilayan ang kabuuang dibdib ni Amaris.
Hindi iyon kalakihan subalit dahil sa sobrang puti ng dalagita, lalong nasabik si Michael na silipin kung ano ang nakapaloob sa manipis na telang tumatabing dito. Nanatiling tulog na tulog si Amaris, mabini ang paghinga at payapang-payapa.
Mabilis na tumayo si Michael nang mapasulyap na bukas pa pala ang pinto. Sumilip muna siya sa labas, bago isinara at in-lock. Nagsimula na ring maghubad ng pang-itaas si Michael at pantalon. Tanging boxer short na lang ang natira sa kaniya nang lapitan niyang muli si Amaris.
Naka-shorts na sobrang ikli ito kaya hindi na nahirapan si Michael na hubarin iyon. Nakaragdag sa libido niya ang mga alak na nainom at sa isiping ang babaeng pinakamamahal ang makakasiping ngayon.
Lantad ang kagandahan sa kaniyang harap kaya sumampa na si Michael sa kama at sinimulan na ang matagal ng plano kay Amaris.
*pcto*
I'm Sorry:
Amaris's Death
2017
Jhavril
BINABASA MO ANG
I'm Sorry: Amaris's Death
Horror"I'm sorry... " Patatawarin kita, kung sasama ka sa impyerno!