*Aria's POV*
Days passed. Weeks passed.
Malapit nanaman bakasyon. Pero bakit ganun? Hindi kami malungkot? Siguro kase sama sama nanaman kami ng barkada hahahaha. Kalokohan nanaman ituu.
So ngayon nga, nandito ako sa lab kase may inuutos si Ma'am computer. Kaso nga lang tapos na kaya nagwwifi na lang ako. Ayoko naman pumasok dahil excused naman ako, hinayaan nalang ako ni ma'am. Haha.
Kaso may biglang nagtext...
Fr: Danielle
Message: Hi Aria! Busy ka?
-pssh. Parang babae to.
To: Danielle
Message: Hellowz. Hindi naman masyado. Ket?
Fr: Danielle
Message: Okay lang ba kung tumawag ako?
Hindi pa ako nakakapagreply, tumawag na nga. -_-
DANIELLE: Hello?
AKO: O?
D: Sungit ah
A: Di naman ah. O musta?
D: Eto. Bored.
A: Ahh. Kaya ka tumawag kase bored ka? Aray ah.
D: Di ahh. Gusto lang kita maka-close. Ilang weeks na din kasi tayong magkatext eh.
A: Ahh ganun? O sige. Close na tayo.
D: Ahh. Haha. Sige. Wala kang klase?
A: Excused eh. Ikaw?
D: Ganun din. Kaso tinatawag na ako ni coach. Okay lang ba kung ibaba ko na?
A: Ahh sige sige. Ingat. Byeee.
D: Sige. Bye.
At yun na nga. Pinatay ko na hahahahaha. Hard ng term. PINATAY xD
Sakto naman tinawag ulit ako ni ma'am.
Ma'am: Oy Ria. Sino kausap mo?
ARIA: Kaibigan ko po ma'am.
M: Asus. Boyfriend mo lang eh.
A: Ay ma'am hindi po!
M: Sige na. Paki-blah blah blah blah.
*DANIELLE'S POV*
Ang ganda pala ng boses nya. Maniwala man kayo o hindi, di ko pa alam kung ano itsura nya. Wala naman kase akong Facebook kasi di ko hilig para tingnan pa acct nya diba? Nahihiya din naman akong manghingi ng picture kasi baka akala nya may masama akong motibo diba? Di ko rin naman sya pwedeng ipagtanong sa barkada kase alam nila di ko hilig ang babae. Kaya nga ako nakikipagclose sa kanya eh. Para kumuha ng tiyempo. Ewan ko rin kung bat gusto ko tong makita. Imposible nman na may gusto ako sakanya eh di ko pa nga siya nakikita diba?
Sa totoo lang, wala pa si coach. Kinakabahan kase ako habang kausap ko sya eh. Pero nung nag-insist ako, trip ko lang talaga. Ayy ewan ko ba!
"Oy pare. Bakla ba yung kausap mo? Bat nakikipagclose ka? Wag mong sabihing..." Si Tim. Narinig pa talaga ako. Tsk.
"Hoy! Anong bakla?! Sapakin kita jan. Bawal na makiclose? Tae ka talaga." Sabi ko tapos tinago ko na phone ko at naglaro sa court.
"Maggirlfriend ka na kaseng totohanan. Pati bakla pinapatulan mo eh. Hahahaha. Babae ba yun? Boses lalake eh. Hahaha." Inagaw nya sakin yung bola sabay shoot.
"Mas maganda na yung single kesa sa pa-iba iba ng babae weekly. Hahahaha. Gago ka eh." Sabi ko habang naglalakad papunta sa bench.
" Asus. Parang ikaw hindi ah. At least hindi timer. Mainggit ka tol. May girlfriend ako. Hahaha. Maggirlfriend ka na kasi. Bahala ka. Ikaw din."
"Ewan ko sayo." Yan nalang nasabi ko.
Hmm...
Girlfriend...
Girlfriend...
Girlfriend...
Wala naman masama kung ittry diba? Kaso matatagalan panigurado. Hayyy. Bahala na nga!
--
Habang nagttraining kame, hindi sya mawala sa isip ko. Hayy taeng Tim kasi to eh. Nakakalake.
Kaya naman yung focus ko ay wala sa training. Kundi sa kung ano ang gagawin ko. Hay nako.
"Dan, okay ka lang ba? Ang pangit ng game mo ngayon. Ano ba iniisip mo?" -Coach
"Coach yung kaisip nya kanina! HAHAHAHA!" -Tim.
Anak to ng apo sa tuhod ng hipon oh.
"Wala coach. Sorry." -Ako
"Kung may girlfriend kayo, use them as an inspiration. Not a destruction. Maliwanag?!" -Coach
"Okay Coach. Sorrry." -Ako
"Okay. Balik sa practice!" -Coach
Sana lang mawala na sa isip ko to. Aish. Badtrip!
~
-em