HIS POV'
6:30a.m. Nandito na ko sa school. Kase may practice pa kame sa Basketball. Nakaka-bore nga ehh. Wala akong magawa. Yung mga tao naman sa room puro nerd. Tss. Libro mga hawak. Di man lang iPod, cellphones, o kahit ano pa man. :s
Nga pala, ako si Danielle Gonzales. 15 years old.
Hindi naman sa mayabang pero, OO. Gwapo ako.
Maraming nagkandarapa sa kanila. Marami na rin akong niloko at pina-asa.
Hindi ko naman gusto yun ehh. Sila naman kasi yung humihingi dun.
Pinagbibigyan ko lang. Inuulit ko, HINDI NAMAN SA PAGMAMAYABANG, yung iba kasi sila ng yung nagbibigay ng cards, letters, gifts, at kung ano pa man.
At ako? Aba, tatanggihan mo ba ang grasya? :D Ayoko din naman kasing manloko eh. Oo, nang-timer na ako. Pero agad ko naman silang hinihiwalayan.
Kung tutuusin, 1 month or wala pang month ang pinaka-matagal. Yabang ba? Ganun talaga ehh.
--
6:45 na. Wala pa rin sila. San na mga yun? Ma-tawagan nga.
Oh what the?! CANNOT BE REACHED?! Tulog pa kaya? Tsk. Buti di ako sumama sa inuman kagabi. Kung hindi, ahaay..
--
Punta na lang akong room. Nung pagdating ko naman, busy ang mga nerd. Tsk. Yan ang hirap sa star sections ehh.
Nag-vibrate naman ang phone ko. Buti naman nagtext na sila.
Pero mali ang akala ko. Akala ko kasi text nila. Hayss.
From: GF ko daw
''. hi bhabe .. good morning .. nasa school ka na ba ?? hintayin mo ako ah .. i love you bhabe <3 muahpssxx :** .."
EEEWWWWW.... Actually, di ko siya gf. nanligaw yung barkada ko. tapos yun, ako daw ang gusto. Kaya ginawa akong boyfriend niya. Ewan!! Magulo. Pinagpustahan lang kasi namin siya eh. Tsk. I don't like this girl.
To: GF ko daw
Excuse me ahh? Pero ayoko sayo. Naawa lang ako sayo kaya pumayag ako. May gusto akong iba. Kaya kung pwede lang layuan mo na ako. Bye. Sorry.
From: GF ko daw
". huuh ?? bakit bhabe ?? di mo na ba aq mahal ?? please .. di ko kayang wala ka .. pleaxe bhabe .."
To: GF ko daw
You know what? Sawa na ko sa kaka-bhabe mo. Ayokong sabihin to dahil ayokong makasakit. Pero, AYOKO SA MALANDI NA NAGHAHABOL SA LALAKE. BYE!
Tapos inerase at ni-block ko yung number nya.
Rude ba? Naiinis na ko ehh. Ako ang nandidiri sa sinasabi nya.
Nilagay ko na yung phone ko sa bulsa ko. Nang mag-vibrate nanaman to. Sino naman to?!
Pero nung makita ko.
VCARD: NAME: Crush kuu NUMBER: +639105******
Huh? Sino naman to? Tsk. Ma-text na nga lang
To: +6399916*****
Hi..
Magrereply kaya? Pampaalis boredom na rin to at badtrip.
From: +6399916*****
Hello. :) Dahu?
Nice, nice!!!
To: +6399916*****
Danielle po.. Ikaw?
To: +6399916*****
Hmms? Who's Danielle?
Aww!!! TANGA TANAGA!!!!! Bat ko sinabi pangalan ko??? Argh!!! Wala na. Paninindigan ko na to.
To: +6399916*****
Danielle Gonzales po. Ano pangalan mo?
Okay, ang feeling close ko na. -.-'
From: +6399916*****
Kilala mo ba ako personally? San mo napulot number ko?
Babae siguro to. BABAENG MERON. Ang sungit!
To: +6399916*****
Hindi po. VCard lang.
From: +6399916*****
Ahh okay. I'm Aria. Nice knowing you. :)) mamaya na lang ulit ahh?? Mag-aaral muna ako. Ingat. Tc.
Ahh.. Mabait naman pala ehh. Kaso... Baka nerd. Tsk!!
To: +6399916*****
Sige po. :) aral well sayo. :)) Ingat din po..
Pagkatapos nun, I saved her number. Sinali ko na rin siya sa mga papadaanan ko ng gm.
--
Anong oras na ba? 7:15? Tsk!!! Grabe.. Baka di na papasok yung mga yun. Tsk. Start na rin kase ng klase eh. Bahala sila pag natalo kami. Buti di ako yung captain ball. At buti, nagkasakit si Coach. Kung hindi, patay kami dun pag nagkataon.
At ayun nga... Nag-start na yung class. First subject, Physics. Ayos ba? Sabog na utak ko niyan. Tsk..
--
Good News!! Lunch na!! Wahahaha. Wala naman kasing nangyaring special ngayon. Di pumasok ang barkada, tapos di pa ko lumabas ng room nung recess dahil nga sa babaeng yun.
Nagpabili na lang ako ng burger sa isa kong classmate. Mabait yun eh.
--
*Fast Forward*
Nakauwi na ko sa bahay. Magsi-six na rin kase. NagFB, Twitter, IG muna ako siyempre!! 9 na nung matapos. Kaya matutulog na lang ako. Nighht.. ;)
~
-Em