*ARIA's POV*
Di. Talaga. Ako. Nakatulog.
Ano ba kasing meron, Danielle? Pero infairness ha. Di ako kinakabahan. Pero naman kasi. Di pa siya nagtetext. :( Pano kung nagsosorry sya kasi trip nya lang ako? Hay nako. Madedepress talaga ako. Pero sana naman hindi. :(
Sunday
From: Jade
Message: Simba daw tayo sabi ni Mama. Sunduin namin kayo . kbye.
Sarap ng higa ko tapos biglang... tss. Buti nalang sa Diyos.
*Church*
Hindi ako makapag-concentrate! Naman kasi. Lagi ko nalang chinecheck phone ko kung nagtext na ba siya. Pero wala talaga e. Naman Danielle!!! Wag mo naman akong pahirapan!
Teka nga. Tinext ko na ba siya? Hindi diba? Naku naku. Katangahan mo, Aria!
So ang ginawa ko, pasimple akong nagtetext habang kunwari nakikinig. Lord sorry po!
To: Danielle
Message: Good morning, DanDanDan!
Ayan. Ang galing ko talaga. Pag di nagreply to siguro ang sasabihin niya lang ay "kapal ng mukha neto. nagtext na nga ako ng sorry para di na niya ako itext pero nagtetext pa rin." Oyy wag naman sana! Lablab niya ako diba? Ako din lablab ko siya! Pero secret ko na muna yun.
Nilagay ko muna sa sling bag ko yung phone. Makikinig muna ako para medyo mawala sya sa isip ko.
*JADE's POV*
Infairness dito kay father ah. Hindi siya nakakaantok magsalita. Pero pansin ko tong kambal ni Aira. Lutang ata? Check ng check sa cellphone. Ano? Naghihintay ng blessing? Ng load? O baka naman... text ni inspirasyon? Ayieh! Haha. Mahilig talaga sa gwapo tong si Aria. Buti di na ako mahilig sa boys. Gosh!
Aba. Aba. Pasimple pang nagtetext ah. Ako din naman pasimpleng tumitingin. Tss. Tinext nya nga ang love of her life niya. Psh. Ayun. Tinago niya na phone niya. Pakinggan ko nga muna tong si father! Nawala konsentrasyon ko!
Habang nagsasalita si father, napatingin naman ulit ako kay Aria. At ang loka. Yumuyukyok ang ulo. Kung wala lang ako dito sa simbahan tatawa talaga ako e. Hahaha.
After mass
*ARIA's POV*
Nakakatawa man isipin, pero nakatulog ata ako sa simbahan. Lord, sorry po talaga! T.T Yih. Ang lakas na ng tama ko. Bakit ba kasi sinanay niya ako e!
So ang lagay ko ngayon, kasama ko sina Aira at Jade. Kakatapos lang ng mass. Bumili kami ng ice cream. Wehehe.
Teka. May kulang. Cellphone ko!
Kinuha ko sa bulsa ko. And guess what!!
From: Danielle
Message: Good morning too. Simba ka ngayon? Sunday ngayon e. Ingat ha? :)
Ow gosh. Ow gosh. Ow gosh. Wha-wh-whaa-WHAAAATT??!!
"OH MY GOOOSSSHHH!" Napasigaw ako tapos medyo napatalon.
