TLS (Chapter 20)

39 1 2
                                    

*ARIA's POV*

2 weeks na din after nung lokohan. Pero yung sakit, fresh na fresh pa din. Pero na-realize ko din na walang mangyayari sa buhay ko kung puro iyak nalang. Kung laging umiikot yung mundo ko sa kanya. Yung bang kahit na anong galaw ko, it reminds me of him. Tama nga siguro si Jade dun sa sinabi niya last two days.

"Alam mo  mas mabuti kung magmo-move on ka pero habang nagmo-move on ka, nakakausap mo siya. Oo, mahihirapan ka. Pero mas mabuti na yun. Kase, i-analyze mo 'to, paano kung naka-move on ka na nga, pero bigla kayong nag-usap? Edi back to zero ka nanaman? Mas okay na yung lagi siyang nandiyan para masanay ka na rin. Tapos, unti-unti mong mare-realize na hindi mo na pala siya mahal. O, edi mas maganda yun. Para wala kang sama ng loob."

Tama nga siguro siya. Kailangan ko na nga sigurong maging matapang para na rin sa sarili ko. So, now, itetext ko na siya. Bahala na si Batman kung ano mangyayari.

Inalis ko na siya sa blacklist.

Tapos naggm ako at pinadaan ko na sakanya. Kung magrereply siya, edi okay. Pero kung hindi, I guess mas maganda yun. Pero may part din naman na hindi. Ay ewan!

Ay btw, lalake na si Jade! :)

--

*JADE's POV*

Alam niyo yung masakit? Yung sabihin sa mahal mo na na dapat lumapit pa rin siya sa ex niya na mahal na mahal niya. Eh kung hindi kaya ako nagbakla-baklaan tapos niligawan ko? May pag-asa kaya? Hayy, baka wala. Kase nga diba sabi nila, "HUWAG NA HUWAG MONG SYOSYOTAIN BESTFRIEND MO". Ang naging pananaw ko tuloy, parang ako dapat ang gumawa sa in-advice ko kay Aria. Hayy saklap.

Sa totoo lang, bakit hindi na nga lang si Aira diba? Pero wala e. Kahit magkamukha sila, kahit magkasing-ugali, wala. Si Aria pa din. At si Aria nga lang siguro palagi.

Ayokong aminin kay Aria kasi baka maging awkward lang kami. Hindi ko ata kaya yun. Okay na yung nasasaktan ako kaysa sa hindi ko makasama si Aria

At eto nga, naggm si Aria. At alam kong pinadaan niya kay Danielle kasi napag-usapan na namin yun. Yung sakit, eto nanaman.  Hay, nababakla na ata ako e.

--

*ARIA's POV*

After two minutes, nagreply siya. Buti nalang ako lang mag-isa. Kasi yung sakit, eto nanaman e. So  yung luha, ayan, flow nanaman.

-Hi.

Bat ganun? Masaya ako, oo. Pero masakit din e. Nakakainis. Nakakaiyak. Isang simpleng 'hi', ang lakas na ng impact sakin.  Makakapag-move on kaya ako? Jade help! :(

-Oh. Hello. :)

Bahala na talaga si Batman. Kung maiinlove man ako lalo, o makakapag-move on, bahala na.

-Kamusta ka na?

Seryoso? Niloloko ba ako nito? Eto ako oh, wasak na wasak dahil sa ginawa mo.

-Okay lang. Ikaw?
-Me? I MISS YOU.

What the hell?! ako ba, niloloko talaga neto?! Yung iyak ko, hindi na natapos. Pero this time, yung sakit sa puso ko, hindi na maliliit na karayom. Para nang isang higanteng karayom na biglaang tutusukin yung puso ko. Ang sakit sakit sakit.

-Ahh.

Eh ano pa nga ba ang irereply ko, diba? Alangan namang IMISSYOUTOO? Kahit na sobrang miss ko na siya, hindi pwede. Moving on nga diba? Itetext ko nalang si Jade. T.T

To: Jade
Message: Jade, nagtext siya. :'( And guess what, 'I MISS YOU DAW' :'( Jade, ang sakit sakit. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Ang hirap palang magpretend no? Yung kunwari, wala ka ng nararamdaman. Yung kunwari, wala kang feelings sa kanya. Yung kunwari  di ka affected sa nangyari. NAPAKA-SAKIT, Jade. :'(

--

*JADE's POV*

Sabi ko na itetext niya ako e. Ang hirap naman neto. Ako 'yung kanlungan  pero ako yung nasasaktan. Bat ba kasi di na lang siya sakin?! Nakakainis naman eh! Bakit kung sino pa yung walang presence, siya pa talaga yung hinahanap hanap? Di ba pwedeng ako nalang?

Pero oo nga naman, paanong magiging ako  kung wala naman akong move na ginagawa, diba?

Aria. :(

JADE: Wag kang magpapadala. Baka binobola ka lang. Tandaan mo, dapat matigas ka. Hindi yung laging mabait. Okay?

ARIA: Ang sakit kase, Jade e. :'( Miss na miss ko na siya, taena! Bat ba kasi di nalang mawala tong feeelings na to eh! Bat ba kasi kailangan mahirapan! Nakakainis! :'( Umiiyak ako ngayon, Jade. Nakakaiyak kasi!

Oo nga, Aria. Bat ba kasi di nalang mawala yung feelings kong 'to para sayo. Bat ba kasi kailangan ko pang mahirapan? Bakit? NAKAKAINIS! Nakakaiyak!

JADE: Okay lang yan. Part lang siguro yan ng pagmomove on. Basta, isipin mo lang lagi na ayaw mo na sa kanya, mangyayari din yun. :) Wag ka ng umiyak. :*

Wag ka ng umiyak, wag mo na siyang iyakan. Ako nalang, sakin ka nalang umibig, please? :/

ARIA: Jade, ikaw ba naranasan mo nang magmahal? Lalake man o babae?

JADE: Oo, Aria. SAYO.

~~~~~

-em.

TEXT Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon