TLS (Chapter 10)

121 1 0
                                    

*DANIELLE's POV*

Two days na mula nung sinabi kong liligawan ko siya. At sa loob ng two days na yun, wala pakong diretsong sagot na nakukuha mula sa kanya. Oo, okay naman kami pag magkatext, katulad pa rin ng dati. Pero pinayagan na ba niya ako?  Oo o hindi? Sabagay, kung oo man o hindi ang sagot niya liligawan ko pa rin siya. Mahirap na maunahan mga tol.

Ma-text nga muna.

To: Aria

Message: Hi, Princess. Naglunch ka na ba?

Lame, Dan. Lame. Pssh. Yaan na.

From: Aria

Message: Di pa. Medyo busy sa bahay e. Ikaw ba?

To: Aria

Message: Tapos na. Kumain ka na! Lagot ka sakin pag nalipasan ka.

From: Aria

Message: Ano gagawin mo? :P

To: Aria

Message: Magtatampo ako sayo. Sige na kasi, Princess.

*ARIA's POV*

Oh my good Lord. Ayan nanaman po siya sa mga paandar niya. Baka makahalata na po siya. Hayy.

To: Danielle

Message: Oo na po. Pasalamat ka malakas ka sakin. Tss.

Syempre magpapaluwag din ako. Mahirap din yung masyadong pakipot no. DUH.

From: Danielle

Message: O sige. Hihintayin kita ah, Princess? Sige na. Kumain ka na muna. Tandaan mo... HIHINTAYIN AT HIHINTAYIN KITA. :) Eat well. :*

Ay. Napangiti naman ako dun. :D Nakakatuwa naman kasi concern sya. :D Kilig vibes! :D Hayy. Nahulog na nga talaga ako sa gwapong to. :"D

Habang paulit-ulit kong binabasa yun, nakahalata ata si Jade. Oo. Nasa bahay ulit ang baklitang dragon na to.

JADE: HOY!!!! Ano nginingiti ngiti mo jan ha, bakla? Ano yan? Patingin nga!

Akma nyang hahablutin ang cellphone ko pero syempre, mailap ako. HAHA!

JADE: Uy ano ba kasi yan. To naman oh. Alam mo nakakatampo ka. Diba best friends tayo? Bakit parang naglilihim ka sakin? (Yung tono ng boses nya parang nagtatampo tapos yung pose nya naka-pout tapos nakayuko. HAHA. Ang cute ng baklang to. :'>)

At dahil mahal na mahal ko to, syempre kinwento ko na lahat. Mula dun sa araw na una ko syang nakatext hanggang sa kung anong meron ngayon. Pinakita ko rin ang picture nya. At ang reaction ng bakla?

...

JADE: Hoy te! Ang swerte mo! Kepogi pogi naman pala ng katext mong yan! Baka gusto mong magshare? Tsaka may gusto talaga sayo? *tinapik ako* Hay nako. Sasagutin ko na yan kung ako sayo!

AKO: The thing is, hindi ko pa sya nakikita sa personal. Paano na?

JADE: Hay naku, Dang! Why don't you give it a try?! Edi kung hindi siya seryoso sayo, mag-act ka nalang na di ka rin seryoso. Pero... as a boy, feeling ko seryoso naman yan. Kaya push niyo lang yan! Tara na nga! Kain na tayo. Baka mangawit na yang PRINCE MO sa kaka HINTAY SAYO!

Binigyan niya ng diin yung PRINCE MO tsaka yung HINTAY SAYO. Haha. Abnormal na bakla to :D

--

From: Danielle

Message: Princess, kahit na ayaw mong maniwala sakin, papatunayan ko talaga sayo. I know I shouldn't be saying I LOVE YOU. But I do. I don't know why. I don't know how. I just do. Sana bigyan moko ng chance kahit feeling ko hanggang kaibigan lang kaya mong ibigay sakin. Alam ko alam mong gusto kitang makita. At kung pupwede sa bahay ako manligaw (kahit first time ko to haha). Pero diba mas cheap kung sa text? Kasi lahat virtual. Sorry I can't be there to serve you. I'll give you 2 months. 2 months para pag-isipan kung pwede ba talaga ako sayo. Kung bibigyan moko ng chance o hindi. Pero hangga't hindi mo pa ako binibigyan ng kasagutan, pagsisilbihan muna kita. Kahit sa text lang. Pero, Princess. Nandito lang ako ah? Kapag kailangan mo ng kaibigan isang text mo lang reply ako agad. :) Sorry kung ang haba haba neto. Kanina pa kasi ako nag-iisip kung paano ka ligawan e. Ayoko naman mag-search sa internet kasi parang kumuha ako ng ibang diskarte. Gusto ko yung original ko. Basta. Mag-iingat ka, Princess. Text moko pag di ka na busy. :)

Eto lang naman ang text na bumungad sakin.

I was like -- O___O … O/////O … >//////<

OWMAYGAD. Ipapakita ko to kay Jade! Pero magrereply muna ako. :'>

To: Danielle

Message: Oy.

Ang sweet ko talaga. :'>

Teka nga. Tawagan ko lang si Jade.

AKO: JAAAAAAADDDDEEEEE~~!

JADE: @#$%&*@#$ ka, ARIA! Ano napano ka?! Mamatay ka na ba?! Gusto ko matulog! Alas dos na ng hapon oh!

AKO: Teka lang. Basahin mo kasi.

Ayun nga. Pinabasa ko. Sinapak naman ako ng bruha.

JADE: Oh ano? Wag mong sabihing papairalin mo nanaman katangahan mo. Gusto ka niya, Aria~~!!!

AKO: Weh? Eh bakit may deadline?

Sinapak nya ulit ako. Pero this time mas malakas. Aray naman -.-

JADE: Ikaw kaya? Kunwari lalaki ka. Tapos may nililigawan ka. Tapos ayaw nyang sabihin kung payag sya na ligawan mo sya. Kaya magbibigay ka ng deadline kung may pag-asa ba!

AKO: Di ko gets.

Sinabunot nako ng gaga. Nakakarami na to ah?

JADE: Within two months, dapat sumagot ka kung payag ka o hindi. Pag hindi ka sumagot, edi hindi ka payag!

AKO: Ahh sige. Kunwari gets ko.

JADE: Ewan ko sayo. Wag mo nakong guluhin!

At yun nga. Siya ay natulog ng payapa. At ako? Naghihintay ng text. Hanggang sa nakatulog na ako.

--

Okay. Gising na ko. Chineck ko phone ko. No text from him? Ganun ba nya dinamdam ang pagkasweet ko? Dejoke.

To: Danielle

Message: Dan? Bat di ka na nagtext?

After 10 minutes wala pa talaga. Tinatawagan ko nagriring naman. Itetext ko na sana kaso nagtext naman siya.

From: Danielle

Message: I'm sorry.

Huh? Sorry? Bakit? Teka. Dapat ba akong kabahan? Tae naman oh. Wag ganto.

To: Danielle

Message: Huh? bakit?

Three times ko yan sinend pero no reply.

Hayy 10:30 na. Time to sleep.

To: Danielle

Message: Goodnight, Dan. :)

Sana wala lang to. Hayy.

~

SORRY FOR THE VERY LATE UPDATE! Something happened po kasi. hehe. ^_^v

TEXT Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon