HER POV'
Hi. My name is Aria de Vera. Simpleng 2nd year student. :)) Well, friendly ako. As in!!! Kapag may nakausap na akong ibang student na di ko kilala, kaagad friends na kami. Kuhanan ng number, dakdakan, gala-gala. Hahahaha. Kahit na mas bata pa sakin. Kaya nga minsan naririnig ko na lang na pinag-uusapan nila ako tapos sasabihin, plastic daw. Tsk!!
Well, well, well. Balon, balon, balon. Punta na tayo sa Present. :))
--
Papunta ako ng school kasama yung kambal ko. Yeahh. May kambal ako. At ibang-iba siya sakin. Kahit na mas matanda ako sakanya. :D Wag kayo, Di yan basta-basta nerd. Maraming suitors yan. :P
Naglakad na lang kami papunta. At nung nasa school na kami, may humatak sakin. Ang magaling ko namang kambal, di man lang napansin. Kaya nauna siya. Si Dianne pala yung nanghatak .:)
DIANNE: May assignment ka?
ME: Ahh?? San?? Meron ba tayo?
DIANNE: Shunga!!! MAPEH!!! SIge, mukhang wala ka naman, layas na.
tapos tinulak tulak ako. :c
ME: Sana wala si Sir!! Wahahahahaha.
then umalis na ko. Di ko na siya hinintay magsalita.
Hahayss.. Ako na lang mag-isa. :(( Dadaan nanaman ako sa corridor ng nag-iisa at paniguradong mauubos na nga pangalan ko. >.< Sa third floor pa naman ang room namin.
--
Nung nasa room na ako, ubos pa rin pangalan ko. Hahayss. Buti walang line. Tinatamad ako. -__- Naisipan ko na lang mag-gm.
Pero bago pa man ako makapag-gm, may text. Wahahaha. Unknown number sya.
From: +6399916*****
Hi..
Ma-replyan nga. :D
To: +6399916*****
Hello. :) Dahu?
From: +6399916*****
Danielle po.. Ikaw?
To: +6399916*****
Hmms? Who's Danielle?
Eh sa wala akong kilalang ganun. Sino ba kasi tong panget na to?
From: +6399916*****
Danielle Gonzales po. Ano pangalan mo?
Feeling close lang ang PEG?
To: +6399916*****
Kilala mo ba ako personally? San mo napulot number ko?
From: +6399916*****
Hindi po. VCard lang.
To: +6399916*****
Ahh okay. I'm Aria. Nice knowing you. :)) mamaya na lang ulit ahh?? Mag-aaral muna ako. Ingat. Tc.
From: +6399916*****
Sige po. :) aral well sayo. :)) Ingat din po..
--
Yun, naalala ko kasi yung Sabi ni classmate, si Dianne. Yung may asssignment daw.
"II-DIAMOND!!!!!!!!!!! Sino may assignment senyo????!!!!! Pakopyaaaa!!!!!!" Sigaw ko yan habang hawak-hawak notebook ko. :DD Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong assignment?? Simple, natulog ako sa time ng MAPEH. :D Ka-antok kaya nuh! At syempre, di ako pinakopya ng magaling kong kambal. :))
At dahil sa kabaitan ng mga kaklase kong busyng-busy sa paggawa ng kung ano man, walang nakinig sakin. -__-. Kfine. Ako na lumpait dun sa Kano naming kaklase.
ME: "Hey American Boy!!! Where's your notebook in MAPEH? I'll just borrow it." Galing ko manghiram nuh? Bilib na kayo? Hahaha.
AMBOY: "I have it in my bag. Get it." Tapos nag-smile siya. Waaah!!! Ampogi!!! Crush ko to eh. :"> He can't speak tagalog but he can understand a little. Close kami nyan. Pag Filipino, tabi kami. At pag Science, tabi pa rin kami. Wahahaha, gets niyo?
ME: "You have your assignment?" Tumango siya. "I'll just copy it, okay? :D"
AMBOY: "Yeah, sure. :)" Pinisil ko yung pisngi niya. Namula tuloy. Wahahahaha.
CLASSMATES: "Ayyyiiieee!!!!!! Kinikilig si Clark!!!!" (Clark is Amboy) Bakit? Crush nya ko? Swerte ko naman? Hahahaha. Dami kasing nagkandarapa sa kanya ehh. :D Namula naman daw si Amboy. Ayy? Problema nun?
Maraming may crush kay Amboy dito ehh. Kasama na dun sina Jenna Anne at Macey. Tss. Nasa likuran pa naman ni Amboy. Wafakels Aria, maganda ka naman sa kanila. :D
~~
-Em