NOTE: Heyya! Kung may blank chapters mag-comment kayo para magawan ng paraan. Di ko kasi alam kung ako lang ang walang makita sa mobile e. Kasi pag sa desktop, okay naman. THANK YOU! :*
~
*AIRA's POV*
Time check:7:02 am. At kagaya nga ng napag-usapan, nandito na sa bahay yung dalawa. Sinabi ko na sakanila yung nangyari, so ang plano, maghapon sila dito sa bahay. Sabi ko senyo di sila naliligo e. ;) Dejk. :D
Ngayon, we've decided na ipa-kwento muna kay babes yung nangyari (kung sakaling tama man ako at gusto niya) tapos after niya magkwento, HAPPY HAPPY na kame ulit. Yung di na namin imemention yung nangyari para iwas sakit din para kay babes. Tapos kaya maghapon ang mga to dito, para maghapon ding masaya si Aria.
So ngayon, kami nalang ang nagluto at naghanda ng pagkain. Anong oras na ba? 9AM -___- Tulog mantika pa yung isa. Ganun ba talaga pag broken hearted? Psh. Buti di alam nina mama.
"Mabuti naman at gumising na ang dalaga. Magandang umaga, Prinsesa!" -sarcastically said Diane.
"I'm not a Princess. So, shut up.p-please..." -naiiyak naman na sabi ni kapatid. O__O HALA!!
*ARIA's POV*
So, pagpunta sa kusina, kailangan tawagin akong Prinsesa?! Kailangan memory ulit kay Danielle?! <///3 Kailangan, kauma-umaga, iiyak ako????
"Uy, sorry. Umiiyak ka ba?" -Diane. Nagsilapitan na nga sila.
"Di ako umiiyak ano ba kayo? Tara na nga, kumain na tayo! HAHA!" -Sabi ko sabay punas nung konting luhang tumatakas sa mata ko.
OA na kung OA. Pero siguro naman, ganto talag pag nagmamahal, diba? Hayy. Ayoko na pag-usapan.
"Spill it." -Jade said emotionless -__-
Kakasabi ko lang na ayaw pag-usapan e.
"Ayoko." Sabi ko tapos subo. Marunong pala magluto tong tatlo. Tss.
"Tanga ka? Kaibigan mo kami tas di mo sasabihin? TSS!!" -Jade. At dahil takot talag ako kay Jade, ayun, kinwento ko na nga. Tss.
--
Nasa may backyard kami ngayon. To think na 10:30 am at tirik na tirik yung araw, eh napagpasyahan ng tatlo na maglaro ng piko under the sun. Seryoso? May saltik ba mga to?!
"Teka!!!! Madaya naman eh! Si Jade parang tikling eh!!!" -Diane
"Uy sali nga ako! Siguro naman kahit umitim ako, eh maganda pa rin ako no?" sabi ko tas binato ko na yung bato.
"Okay, pagbigyan. Broken hearted eh." Sabi ni babes tapos sinapak naman siya nina Jade at Diane. Uhh. What's wrong?
--
*JADE's POV*
GRABE! AKALAIN NIYO YUN?! LOLOKOHIN LANG NI DANIELLE SI ARIA! NAKO! KUNG TALAGANG NANDITO LANG YON, E BAKA NASUNTOK KO NA!!!
Oo, bakla ako kung umasta sa harap nila. Pero ang totoo? May gusto ako kay Aria. Hindi niya lang talaga ako mapansin. Nung nalaman kong may Danielle siya, masakit. At ang mas masakit pa na part, eh yung lalaking yon yung nakita ko sa mall noon, remember? Siguro ako na nga yung pinaka-magaling mag-act na gay e. Kase ako lang nakakaalam na hindi ako bakla at may gusto ako kay Aria. Pero ngayon, medyo nagpapaka-lalake na ako. Ang hirap din mag-pretend e.
Pero mas mahirap ata yung nakikita mong nasasaktan yung taong mahal mo. Yung hindi mo siya kayang pasiyahin kase alam mong yung nanggago sakanya, siya lang yung makakapag-pasaya sa kanya. Kaya nung nakita ko siya pababa sa stairs, kahit na maga na mata niya, kahit na ang galing ko mag-pretend, ang ganda pa rin talaga niya. :)
Hayy. Uuwi na kami mamayang 4 ni Diane. Ibig sabihin, hindi ko na siya makikita at ang masaklap, iiyak nanaman siya mamayang gabi. Hayy. Kung akin ka lang sana, Aria.
--
*ARIA's POV*
Eto na ang ayaw kong part ng araw. Ang gabi. Kase iisipin ko nanaman siya. Kase iiyak nanaman ako. Iisipin ko nalang yung babae niya—ay mali. Ako nga pala yung babae o mistress kumbaga. Ang sakit naman. :)
Nakahiga na ako ngayon, at tulad nga ng sinabi ko, IYAK nanaman. Kasi naman binabasa ko yung mga text niya. Mga text niyang super sweet, na di ko aakalaing hahantong lang sa lokohan.
Oo, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kaya instead na isipin ko lang lahat ng gusto kong sabihin, gumawa nalang ako ng note para sa kanya. Btw, naka-block number niya.
Danielle, ang sakit sakit. Sabi mo mahal mo ako diba? Bakit ganun? Ano nangyari? Nagsawa ka ba? Bakit di mo sinabi sakin para naayos sana? Ay oo nga pala, nauna siya sakin. sana di mo nalang ako niligawan, pinaasa, syinota. Kase grabe yung sakit e. Danielle pinagmukha mo akong TANGA. Gusto kitang suntukin, murahin. Kaso hindi pwede kase tulad nga nung problema natin dati, MALAYO TAYO SA ISA'T ISA. Masaya ba jan? Na nakakasama mo yung mahal mo? Sorry nagdrama pa ako. Sobrang sakit lang kasi, Danielle eh. Sige. Ingat ka lagi. Bye.
And with that, I cried a river again until I fell asleep.
~~~~~
-marjorie :)