TLS (Chapter 18)

43 2 2
                                        

*ARIA's POV*

what.. danielle niya daw? O.o AHH!!! Baka ate niya to!! Tas sinusubukan niya ko diba? AYOS!! :"> At least nakatet ko na ate niya :D Pero tingnan muna natin kung aamin siya. ^__^ Lakas maka-GV eh. :"D

-Danielle mo? Sino ka? Ano ka ni Dan?

-Mary Rose. Girlfriend niya. Ikaw? Sino ka ba?

Girlfrined? Teka, ibang usapan na ata yan? Di naman ata pwede to Pero lat nalang. Pag di pa nito sinabing ate siya ewan ko nalang. :(

-Ahh. Kaibigan ako ni Dan. :) Ang sweet niyo naman. Wala talagang taguan pagdating sa phone? :") Ilang months na kayo?

-Thanks :D Mag-3 months na kami. Alam mo, complete package na si Danielle. Gwapo na, habulin, matangkad, matalino, at matalino pa! O diba? Saan pa ba ako? :""> Btw, ano kaillangan mo sa mahal ko? :")

Oo, alam kong complete package na si Dan. Pero teka, ibang usapan na to. 3 MONTHS?! EH ISANG BUWAN PA LANG KAMI NETO AH?! Tapos halos 6 months magkakilala. Ano ba, naguguluhan na ako! Danielle, anong ibig sabihin neto?!

-Ahh. Ganun ba. May itatanong lang sana ako. Sige next time nalang. Ingat kayo! :)

Ang sakit isipin na pinagpalit niya ako. Ay hindi pala. Ako yung other woman dito diba? Ako yung masama. Kumbaga, ako yung mistress. :'(

Oo, hindi ako iyakin pero aaminin ko, umiiyak ako ngayon. Kanina halos wala akong maramdaman, ang manhid na e. Tapos ngayon naman biglang bagsak ng luha ko. Ganito ba kapag nagmamahal? Talagang nasasaktan? So totoo pala yung quotes tungkol sa mga ganun?

All I can feel now is pain. :'( Ang sakit sakit. Pero, pwede pa namang hintayin si Danille diba? Baka kasi tropa niya lang yun tas gusto lang akong papagselosin, diba? Diba? :'(

-Ay, sige. eto na pala si Danielle. Uuwi na din ako niyan. Bye! Btw, hindi ko alam kung bakit BABE ang pangalan mo sa contacts niya. Ge. Ingat nalang. :)

Babe? Talaga? Kahit papano ay napangiti ako dun. Medyo tumahan na din ako. Kasi baka pinagtitripan lang ako nung Mary Rose diba? Tapos ipagtatanggol ako ni Danielle. O kaya naman, kahit na other woman ako, ako pa din pipiliin niya. Sa akin pa rin siya sasama. Sana, sana, sana. :'(

-Aria? Pasensya na. May pagka-pakialamera din pala siya.

-Sino siya?

Danielle, sabihin mong wala lang siya. Please. Sabihin mong ako ang mahal mo. Please.

-Ah... ano.... Aria.... Sorry.

-Danielle? :'( Sino ba siya? Girlfriend mo ba talaga siya? Nauna ba siya sakin? Diba sabi mo mahal mo ako? h sino siya? :'( Diba sabi mo hindi mo ako sasaktan? Babe, anong nangyari? May nagawa ba akong mali? Please tell me you're joking. Please, Danielle, please. :'( :'( :'(

-Aria, mahal kita. Totoo yun. Pero ano kasi e, si Rose ang nauna talaga. :) At siya ang nandito para sa akin. Aria sorry. Ayokong saktan ka.

-Ayaw saktan? Eh ano ang ginagawa mo sakin ngayon Danielle? Kung nauna siya sakin, bakit pinaasa mo pa ako?! Akala ko bang mahal mo ako? EH GAGO KA PALA!!Ngayong mahal na mahal kita, saka moko sasaktan? Danielle naman! Ngayon alng ako nakaranas ng ganitong sakit! SAYO LANG DANIELLE! SAYO LANG! :'(

Ano ba ginawa ko para magkaganto? Para matikman ko ang ganitong klaseng sakit? dahil ba agad akong nagagalit? Nagtatampo? Pwede naman naming pag-usapan yun diba?! Bakit kailangan humantong sa ganto ang lahat? TNGNA sa text nga lang, pero bakit ganto? Bat sobrang sakit naman ata? 

Pero sa totoo lang, there's still a part in my heart na umaasang nagbibiro lang siya. Na lahat nang ito ay pantitrip lang. At sana nga ganun lang yon. Hindi yung magiging PERMANENTE ang lahat. :'(

-Sorry Aria. Pero hanggang dito nalang muna tayo.

At yun na nga, it's official. WALA NA KAME. Lahat ng pangako, wala na. Lahat lahat wala na. :'( Shit. Ang sakit sakit. :'( Talaga palang iba yung skit ng pagmamahal no? Totoo palang parang tinutusok ng milyon-milyong karayom yung puso mo. Yung parang may nakasagabal sa lalamunan mo dahil sa pag-iyak mo. Ang sakit sakit pala. Sobrang sakit. :'(

-Okay sige, magpakasaya kayo. Sana maging maligaya kayo. Sana hindi masayang ang pagpapaubayang ginawa ko. Sana, lahat ng sinabi natng gagawin nati, magawa niyo. BYE DANIELLE. Salamat at nagkaroon ako ng LOVE STORY kahit sa TEXT lang. Mag-iingat ka.

Pagkatapos ng text kong iyan, in-off ko na cellphone ko. Matutulog na ako. Ang sakit na ng mga mata ko. At mas lalo na 'tong puso ko. :'( Sigurado ako nakita ako ng kambal ko habang umiiyak ako.  Pero wala akong pakialam. Masyadong masakit ang nararamdaman ko ngayont o care about other people pa. :'( Ipapahinga ko  nalang sarili ko. :'(

--

*AIRA's POV*

Paglabas ko sa banyo, ang gaga iyak nang iyak. Ahh. Alam na. Sigurado ako break na to. Di ko alam ang reason pero ramdam ko. Syempre kambal ko siya e. Yung sakit na nakikita ko sakanya ngayon, parang nararamdaman ko. Alam ko nakita niya ko habang umiiyak siya. Pero hindi ngayon ang tamang oras para kausapin siya. So, ang ginawa ko, tinext ko yung dalawa.

To: Diane, Jade

Message: Pumunta kayo dito bukas, maaga. Dapat GV. May malaking problema si babes. Mga 7:30 dito na kayo. Kain nalang kayo dito tsaka ligo (kung naliligo man kayo) Ge gnyt. Alam kong di kayo magrereply kasi poor lang  kayo. WAHAHAHA, BYEE!!

Pagkasend na pagkasend ko, nahiga na ko tas tiningnan muna si Aria. Yung unan basang basa. Tsk. EEWW!!! Magbabasa nalang nga ako!

~~~~~

-em.

TEXT Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon