*AIRA's POV*
Naglalakad-lakad ako sa may likuran ni Aria.
*lakad*
*lakad*
*lakad*
Nung nasa likuran na niya talaga ako, nagpanggap ako na nakita ko yung tinetext niya. Yung reaction niya? NAKAKATAWA. HA-HA! Eh pano ba naman, nagpanggap akong shocked tapos siya rin. Namutla pa. Grabe priceless! HAHAHAHA!
"Na-nakita m-mo?" tanong niya.
"Oo, sino yun ha?!" sinabing kong 'oo' kahit hindi naman. Haha!
"Wala! Umuwi na tayo!" sabi niya pero nagbblush. Luh? Anyare dun?
At yun nga. Umuwi na kami.
*Fast forward*
*ARIA's POV*
Juice colored. May pasok nanaman po! Tinatamad ako!
From: Danielle
Message: Good morning, Princess. Kain bago pasok sa school ha? <3
At dahil sa text na 'to, juice colored! Masipag na po ako! HAHA!
It's been over 1 month since nung parang nanliligaw slash nanliligaw na nga siya. At... oh my gosh. Araw araw na text niya ay walang text na hindi ako napapangiti. Ang lakas lang talaga ng tama ko.
Kung itatanong naman kung kailan ko siya "SASAGUTIN".... I don't know. Siguro dadating din kami sa puntong 'yun. As of now, may chance. Pero kapag nagbago siya? Malamang hindi. Pero bahala na. Haha.
To: Danielle
Message: Good morning din. Ingat ka sa school. :) <3
Bakit may puso? Kasi kung wala, baka akalain wala siyang chance. (Boom landi! HAHA!)
From: Danielle
Message: Balak ko pa naman mag-absent. Tinatamad ako e. Haha. Biro lang. Opo mag-iingat po. :)
Aba. Pareho kaming tinatamad. Soulmates kami talaga! <3 BoomLandiUlit! xD
To: Danielle
Message: Adik ka! :D Sige magready na muna tayo. Text nalang kita mamaya. :*
From: Danielle
Message: Okay po. :) Loovveee <3
*DANIELLE's POV*
Lagpas ng 1 month.
1 month na nanliligaw.
So far, okay naman. Hayy. Buti nalang nagpapakita siya ng motibo. Dahil kung hindi... gagawin ko naman ang lahat. Hindi ko siya bibitawan. Mahal ko siya e. Oo, kahit sa text lang, napamahal na siya sa 'kin. 'Di ko rin alam kung pa'no at bakit. Basta. Basta! Siguro yung ubang naiinlove sa text maiintindihan ako. Pero isa lang masasabi ko... I LOVE HER. Pero ayoko na muna ulit yun sabihin sa kanya. Kase diba nanliligaw palang ako. So, hinay-hinay lang muna. "Know your limits" ika nga.
Kelan kaya pwedeng magtanong kung kelan na niya ako pwedeng sagutin? Maybe next week. Hmm.
--
Itetext ko na sana siya. Kaso wala na daw akong load. Ay gandang timing! -__-
"Tol, patext nga muna." sabi ko dun kay classmate na lalaki na close ko.
"Aba aba. Himala. Ano meron? Inlove ka no pre?" tanong ng chismosong to. Hinayupak e. Haha!
"Oo baket? Papatext moko o papatext moko?" sabi ko pero patawa. Of course I will never ever deny the love of my life.
"Grabe tol! Sa wakas nakahanap ka din ng katapat mo!" tinap niya likuran ko. Yung parang brotherhood. "O, kelan ko makikita yan?" tanong niya pa. Tss.
To: 09*********
Message: Princess, nawalan ako ng load. Sa school ka na ba? Mag-lunch ka mamaya ha? :*
"Oy ah. Talagang memorize pa yung number. Ano, tol? Lakas tama lang? Kelan ko nga mamimeet yan?"
"Ako nga di ko pa nakikita e. Utut mu."
"What?! Na-inlove ka sa text?!"
"So?"
"Grabe tol. Ikaw na talaga. Lakas tama! Sige bigay mo na lang yan mamaya. Magtext ka na muna. Baka masira ang Text Love Story mo. HAHA!" At yun. Tumalikod na siya. Gago talaga.
I told you guys, hindi ko siya idedeny. Kahit medyo nakakahiya sa part ng boys na gaya ko, never. Mahal ko talaga e.
Hayy. Tama siya. Lakas tama nga siguro ako. Pero atleast sigurado ako sa nararamdaman ko.
~
-em