Chapter 13

4 1 0
                                    

Jaila's Pov

*KINABUKASAN*

Maaga pa rin akong nagising,hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko dahil sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko.

Whaaaahhh----

Halos mapasigaw ako ng makita ko ang sarili kung repleksyon sa salamin.Kinapa kapa ko pa ang buong mukha ko,mukha akong nakipagsuntukan sa mga ipis na nakatira dito sa bahay ng magdamag.

Deym it!!

-___-


Wala sa sariling naikamot ko na lang ang kamay ko sa ulo,at bumusangot sa harap ng salamin.Kahit sinong makakakita sa akon ngayon ay posibleng matakot o matawa nasusuntukan ang eye bags ko at sabog sabog ang buhok ko.


Titigilan ko na lang siguro muna ang kakadrama--pangunhumbinsi ko sa sarili.

Kinuha ko na ang nakasabit kung twalya at dire diretsong pumasok sa banyo upang maligo at gawin ang morning rituals ko.

Makalipas lang ang isang oras ay tapos na ako sa pagligo at pagsuot ng uniform ngayon naman ay nakaharap ako sa salamin,at bahagyang tinatabi tabingi ang ulo at pinag aaralan ang kabuuan ng mukha ko.At napailing iling na lang sa sarili.


Oh makapangyarihan concealer tumalab ka kahit makapal ang mukha ko!!ayokong maging tampulan ng tukso pag nakita nila ang itsura ko pagpasok---


At sinimulan ko na nga ang operation takip eyebag at maga mata.
Makalipas lang lang ilang minuto,ay natapos na ako,siniguro kung walang makakalagpas.Ayoko lang na may makakita ng eyebags ko at baka magawan pa ko ng hot issue.Dali dali akong pumanhik pababa ng hagdan at hindi na nag abala pang sumilip sa kusina,napagdesisyunan kung sa cafeteria na lang kumain.Dumiretso ako sa garahe ng kotse hindi ko napansing nakatayo pala duon si Tita Myra malapit sa nakagaraheng kotse.


"Ah Safirah"alangang tawag niya pa sa kin.Agad akong napabaleng sa gawi niya,at bahagyang ginawang pormal ang itsura ko.

"Ano yun?"cold na tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan kita sa kwarto mo kagabi,panimula nito at bahagyang bumuntong hininga.At---na-narinig ko yung sinabi mo"alanganin pa ring paliwanag nito.

Bakit ba siya laging nauutal sa akin?Pati ba naman siya natatakot sa kin?


Bahagya akong bumunting hininga ng at walang buhay na tumanaw sa malayo.

"Safirah,kung nabubuhay lang sila pareho alam kung hindi nila magugustuhan na sinisisi mo ang sarili mo sa lahat ng nangyari.Unfair para sa akin iyon kasi alam mo naman na mahal na mahal kita bilang tunay kung anak hindi ka nag iisa sa mundo Jaila.Nandito pa ang Tita,nandito pa ako alam mo bang miss na miss ko na yung dating ikaw.Yung ikaw na ginagawang madali ang lahat ng bagay,yung ikaw na laging nakangiti,yung ikaw na kung makasigaw akala mo lumunok ng sampung megaphone sa lakas ng boses.Bahagya pa itong natawa ng  may maalalang kung ano,yung ikaw na kung makatawa akala mo wala ng bukas namimiss ko na yung dating ikaw.Maaari mo bang ibalik yung dating iyon?malungkot nabtanong nito sa akin.


The Day She Went Away (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon