Jaila's Pov
Huminto ang kotse ko sa tapat ng gate ng Madison High,bumaba ako at nag bow kay Mang Dan bilang paggalang na din at nakasanayan ko na din yung ganung pag uugali.Tinanguan nya lang ako bago sya umalis tumayo pa ako saglit dito sa labas at tinanaw yun hanggang sa hindi ko na sya matanaw pa.
Agad na nangunot ang noo ko ng maglakad papasok ng campus, napansin kung walang pakalat kalat na estudyante sa paligid.Sinipat ko ang wrist watch ko ng may pagtataka,kung anong oras palang its already 06:30 in the morning palang naman at hindi pa ko late kung tutuusin.Nagpalinga linga ako sa paligid ganun ba talaga ako kaaga ngayon?
"Nasan naman kaya sila?"takang tanong ko sa sarili.
Kaya naman minabuti kung maglakad na lang papasok,malawak ang harap ng school namin hindi yun basta basta may malaking dancing fountain ito banda sa gilid na twing gabi ay nabubuhay dahil sa makukulay na ilaw.
Nasa limang palapag ito na pahaba,isinunod ang disenyo nito sa isang sikat na unibersidad sa isang bansa sa europa.
Kaya naman hindi rin basta basta ang nakakapasok sa eskwelahan na to' pawang mga kilalang anak ng kung sinong poncio pilato ang mga nandito royalties "daw" kung tawagin ng ilan. Pero malimit naman yung iba hindi nagpapahalata na may ibubuga naman talaga.At ako si Safiarah Jaila Graveitt ay nabibilang sa tinatawag nilang middle class, di naman kasi ako kasing yaman ng mga nandito may pera din naman na naiwan ang mga magulang ko sa kin pero hindi nga lang sinrami ng kanila may konte din naman na mga properties ang naiwan sa kin ang parents ko.Dahil sa sobrang pag iisip ko ng kung ano ano hindi ko napansin ang paglapit ng isang anino,este ng isang tao sa kin.
Nakakunot ang noo nito,at pangiwi ngiwi ng bibig nya habang nakatingin sa kin.Pasugod itong lumapit sa kin at----
"Hoy Jaila!!"sigaw nito malapit sa tenga ko.
"Ay palakang pusit!!"halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas lang naman ng sigaw nya.Bahagya pa kung napahawak sa dibdib ko,bahagya kasi yung kumabog.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa nya.
"Ano ba Trish bakit ka ba naninigaw!!"asar na tanong ko dito.
Pero tinaasan nya lang ako ng kilay at bahagyang ngumiwi na parang nandidiri..
Ano na naman ba!!
At pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ikaw pa ngayon ang may ganang magulat?bahagya pa itong ngumiwi,eh di ba dapat it supposed to be me"nakairap na sabi nito sabay smirk na sagot nito with matching cross arms.
Hmmmfff..
By the way tamang singit lang.
My name is Trish Angela Allejo bff ni Ms.Safiarah Jaila since the world begun hahaha fetus pa lang kami *kidding aside*kaya naman lahat ng pinagdadaanan nya saksi ako.I'm 21 sexy,maganda tapos maganda ulit pang super model ang dating ko aba wag ka ng kumontra mabait din naman kung minsan may pagkaplaygirl kung maharot naman ang kaharap ko why not*wink*pero walang boys.
Tsk -____-
Wala pa si Mr.Right eh bakit ba -.-"
May pagka childish ako kung minsan kaya madalas nya kung mabatukan.*Cross arms* bakit ba e sa ganun ako e.Kunot noo kung pinagmasdan si Trish napansin ko na nakatali ang buhok nito sa magkabilang gilid,piggy style like San Chai ng meteor garden.Tinaasan ko sya ng isang kilay at bahagyang itinabingi ang ulo ko dahil pinag aaralan ko ang kabuuan nya,at napapaisip pa rin,ano na naman bang to'?..
BINABASA MO ANG
The Day She Went Away (On-Going)
Novela Juvenil"Have you ever experienced love before?" Hindi ko inakala na may magtatanong pa sa akin ng tungkol sa bagay na yan sa tinagal tagal ng panahon may nangahas na magtanong. Nagmahal na nga ba ako?kahit ako ay nabigla din sa tanong ng kaharap ko sa akin...