Chapter 14

4 1 0
                                    


Jaila's Pov

Padabog akong naupo nang makarating ako sa loob ng room namin.Sumakit lalo ang ulo ko sa mga nalaman ko bakit ba kasi ngayon ko lang naisipang alalahanin lahat iyon.

"Hoy Jaila anong drama yan?"mataray na tanong ni Crystal sa kin.

Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at tumanaw na lang sa labas ng bintana.Alam ko naman na walang espesyal sa labas na pwedeng makita pero nakasanayan ko lang talagang tumunganga doon twing umaga lalo na at ayoko ng may maka usap.Parang iyon na yung paraan ng pagtakas ko sa realidad.

"Oo nga naman Jai,talo mo pa ang natalo sa sabong ah."patay malisyang komento ni Trish.

Hindi nito nakita ng sinamaan siya ng tingin ng katabi niyang si Crystal maya maya pa'y pinitik ni Crystal ang  ilong nito.

"Aray naman Krys!!napaka sadista mo talaga my precious nose!!"reklamo ni Trish dito sabay pout na parang bata.

"Hoy!!Jaila ano na naman bang nangyari sayo?bakit nakabusangot ka dyan?ke aga aga eh nuh,at saka alam mo bang bumalik na yung impaktita kala ko nga natuluyan na"pagbabalita ni Crystal sa kin with matching smirk at ngiwi na parang nandidiri.

"Oo nga Jai ano bang meron?" pangungulit na tanong pa ni Trish.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sila hinarap pareho.

"Oo alam ko at nagkasalubong kami kanina bago ako pumasok dito,kaya nga ko nawalan ng ganang kumain eh"sabay tapon ko ng nakamamatay na tingin sa babaeng tinutukoy nila,kanino pa ba?kay Genie Rose lang naman.

Sa kasamaang palad classmate pa rin kami at nasa iisang room din at iisang hangin lang din ang nilalanghap namin tss kung pwede nga lang salain ang hangin na lalanghapin ko ay ginawa ko na.Pero imposible ko naman yatang magawa iyon,si Genie Rose ay ngayon ko lang napansin na lumipat pala ng kanyang upuan.Yung malapit kay Wayne iyong tipo na siya agad ang makikita at papansin,muntik ko ng makalimutan papansin nga pala talaga siya hindi na yun nakakapagtaka.Habang yung isa naman ay ayon at busy busihan sa cellphone niya mukhang maraming ka text,pangiti ngiti pa baka girlfriend niya ang ka text niya di naman malabong mangyari yun dahil aminado naman akong gwapo siya.At hindi nga malabo yun anyway wala naman akong paki alam sa kanya kung lahat ng babae sa buong campus namin ay shotain niya.

The Day She Went Away (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon