Jaila Pov
(Still her past)
Pagkalabas ko ng bahay ay saka ko lang nailabas ang totoo kong nararamdaman ko.
Araaaayyy!!sigaw ko sa gilid ng kalsada di ko na alintana ang ilang naglalakad din na gaya ko.
May ilan pa ngang huminto pa para lang lingunin ako.Malamang isang baliw ang tingin nila sa akin.
Ikaw ba naman bigla bigla kang sumigaw na lokaret ka.---
Aminado akong nasaktan talaga ako sa pagkakabagsak ko kanina,pero hindi ako nagpahalata.Dahil kapag ginawa ko iyon wala ako ngayon dito sa kinatatayuan ko.
Nang mahimasmasan ay paika ika akong naglakad papasakok sa loob ng campus,medyo malapit lang kasi ito sa bahay namin kaya hindi na kaylangang sumakay.Napapapikit na lang ako habang nararamdaman ang pagkirot ng balakang ko,kaya habang naglalakad ay hinihilot hilot ko ang bahagi ng pwetan kung nasaktan.
Buti na lang at hindi ako nabuko kanina nila papa na may iniinda akong masakit,dahil kapag nagkataon ay baka hindi nila ako papasukin!
Naku hindi pwede iyon.Hindi nagtagal ay narating ko na ang floor namin duon ko lang din napansin na halos nakatingin pala sa akin ang halos lahat ng mga estudyanteng nakatambay sa gilid ng hallway.At maging ang mga nakakasalubong ko ay napapahinto ay lumilingon sa akin,hindi ko sila maintindihan.May iba pa nga na nahuhuli ko sa akto na matapos akong tingnan ay magbubulungan na akala mo ay wala ako sa kanilang harapan.Pero syempre kahit masakit sa part ko na ganon sila makitungo sa akin ay deadma na lang ako.Alam ko naman na di nila ako feel na maging friends kasi nga ay hindi ako pasado sa standards nila.Masyado silang mapanuri wala na akong pake dahil late na ako kaya imbes na pansinin sila ay minabuti ko na bilisan ang paglalakad.Narating ko naman agad yung building kong saan nandoon yung classroom ko,kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway ng mapansin ko na naman ang ilang estudyante na abala sa panunuri sa akin.
Ano ba yan di na matapos tapos na visual examination---
Halos sanay na nga ako sa araw araw na ganito sila makitungo sa akin.
Hindi ko din sila lubos na maintindihan kung bakit sila ganyan sa akin,sabi nga nila i'm just nobody,nobody nga ako pero kung titigan nila ako ay parang napaka interesante ko sa paningin nila."Tch tsismis pa"-.-
Kaya naman minabuti ko nadeadmahin na lang sila kahit na alam kung ako naman talaga ang pinag uusapan nila.
"Ewww girl tingnan mo yung itsura niya,di man lang makapagsuklay kadalagang tao burara"
"Oo Mae Ann look oh yung butones ng blouse niya di man lang inayos wala yatang salamin sa kanila" sabay tawa pa nito.
"Hay naku feeling ko nga di man lang yan naligo baka nga nagbasa lang yan ng ulo sa lababo yuck"maarteng sabi nito
"Hindi pa kayo nasanay dyan kay Jaila eh ganyan na yan walang bago"
BINABASA MO ANG
The Day She Went Away (On-Going)
Teen Fiction"Have you ever experienced love before?" Hindi ko inakala na may magtatanong pa sa akin ng tungkol sa bagay na yan sa tinagal tagal ng panahon may nangahas na magtanong. Nagmahal na nga ba ako?kahit ako ay nabigla din sa tanong ng kaharap ko sa akin...