Jaila Pov
Kasalukuyan akong tahimik na tinatahak ang hallway papunta kay Head master/Master head,Dean.
Hinihintay niya daw ako alam kung busy siyang tao pero ang pinagtataka ko lang,dahil binigyan niya ko ng oras.
Marahil importante ang pag uusapan namin,nasa tapat na ko ng pinto ng office niya pero nag aalangan pa rin talaga ako,mabuti na lang at walang masyadong tao kanina sa hallway dahil nakakahiya talaga ang mga pinaggagawa ko bago ako makarating dito.Bukod sa pagsusukat ng sahig gamit ang roller nag ballet din ako.Matinding kabaliwan ang ginawa ko para mapatagal ko lang ang oras ko,buti na lang ay umayon ang tadhana dahil halos walang katao tao ng mga sandaling iyon sa hallway.
"Inhale---exhale"
"Kakatok o hindi?"
Umakting na lang kaya ako na may masakit?
Naku baka pagginawa ko iyon ay isugod nila ako sa clinic,tapos tatawagan nila ang tita ko at dahil may pagka OA siya.Tatawag siya ng ambulansya at isusugod niya ko sa hospital.
-_____-
Ayokong mabuko nila ang pagpapanggap ko-----
Bahala na nga----
Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga,at piniling kumatok na nga ng matapos na ang agam agam ko.
BINABASA MO ANG
The Day She Went Away (On-Going)
Fiksi Remaja"Have you ever experienced love before?" Hindi ko inakala na may magtatanong pa sa akin ng tungkol sa bagay na yan sa tinagal tagal ng panahon may nangahas na magtanong. Nagmahal na nga ba ako?kahit ako ay nabigla din sa tanong ng kaharap ko sa akin...